Chapter 3: PB

82 2 0
  • Dedicated kay PB <3
                                    

A/N: (Nasermonan pako bago mag-update -_-) Halooo! Chapter 3 na us! Pahirapan ako sa pag-update kasi lagi akong may kaagaw sa gadgets para makapag-update. Anyway highway, yung nasa gilid, si Melissa yan ------------>

Enjooooy! ;)

***********

Chapter 3: PB

"Hala! Lagot ka Castro! Nandiyan na yung bagong boss natin!" Kantyaw ng mga officemates ko. Nalate kasi ako e, grabe ba naman kasi, alas tres na ko nakatulog. Tapos, di pa ko nagising sa alarm ko.

Hindi ko na lang sila pinansin, hindi ko sila close e. Nagpatuloy ako sa paglalakad na papungas-pungas pa. Grabe, lagot ako nito. Kakapromote ko pa lang, tapos late. Huhuhu. At oo nga pala, Tuesday ngayon at ngayong araw ang dating ng bagong CEO ng kumpaya. Sino naman kaya yun?

"Miss Castro, pinapatawag ka ni Mr. Villamor." Sinabi ni Secretary Roma bago pa man ako makapunta sa office table ko.

"Si.. Si Mr. Villamor? Andiyan pa si Sir Finn?"

Waaah! Hindi na ko nagulat kasi na-late nga ako, pero medyo kinakabahan pa din ako. Sana naman hindi niya ako pagalitan. Alam ko namang mabait si Mr. Finn Villamor e, ang dating Chief Executive Officer ng kumpanyang ito at ang pamangkin ni Mr. Thomas Villamor, ang Gerenal Mananger ng Villamor Entreprise de Chaussures, isang shoe company.

"Nope, Melissa. Yung bagong CEO, ang panganay na anak ni Mr. Villamor, si Mr. Paris Brent Villamor." Ay, shunga, nasa Japan na nga pala si Sir Finn.

"Ah, I see." Hmm..

Nginitian ko si Secretary Roma at nagbigay ng sign na "sige, pupuntahan ko na siya". Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako kasi sa 3 years na pagtatrabaho ko dito sa Villamor Entreprise de Chaussures, hindi ko pa name-meet kahit isa sa mga anak ni Director Thomas Villamor. Dati kasi ang CEO ng company-ing ito ay ang pamangkin niyang si Sir Finn, e lumipat na ng ibang branch since last week lang kaya nandun siya ngayon, naghahari sa Japan. Haha, joke. Pero dun na kasi daw siya in-assign ni Director Thomas. Ewan ko ba kung bakit nung una pa lang e hindi yung anak niya ang isa sa nangalaga nitong kumpanya. Ang alam ko e may bali-balita diyan sa tabi-tabi tungkol sa panganay nilang anak. Pero dahil hindi ako tsismosa at wala naman akong paki alam sa buhay nila kaya hindi ako nakikiusisa. Sana lang talaga mabait itong anak ni Director Thomas.

Nasa harap na ako ng pinto ni Sir... Sir Paris ba yun? Ah basta! Mr. Villamor. Halaaa! Kinakabahan ako! Kumatok na ako sa pintuan ng office niya at narinig ko ang boses niya na nagsasabing "Come in!"

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Woooh! Eto na... Binuksan ko ang pintuan ng office niya at as usual, ang tumambad sakin ay ang upuan na nakatalikod. Medyo kinakabahan pa ako kasi hindi ko pa siya kilala.

"Uhmm.. Good morning, Mr. Villamor. I'm so sorry for being late. Hindi na po mauulit. By the way sir, what can I do for you?" Sinabi ko iyon habang nakayuko. Pampawala ng kaba, kinakabahan kasi akong makita ang mukha niya kung sakaling humarap siya.

Naramdaman ko ang pagharap ng kanyang seat ngunit siyempre ay nakayuko pa din ako.

"Good morning Ms. Castro. Next time, ayoko na ng ganyan. Be responsible naman. You are just being promoted last time to be the Chief Design Officer of this company." Seryoso niyang sinabi. Hindi naman siguro siya masungit. Kasalanan ko naman ihh!

(A/N: Sa mga hindi nakakaalam... yung General Manager/Director, yun yung may ari ng kumpanya, yung CEO o Chief Executive Officer ay President ng kumpanya na ni-hire ng Director. Yung Chief Design Officer naman or mas kilala sa tawag na CDO, they're typically responsible for overseeing all design aspects of a company's products and services, including product design, user experience design, industrial design, and package design. Alam naman natin kung saang department galing si Melissa :> Hihihi, siya na ang head ngayon sa designs. Hahaha basta ganun. Sorry, hindi ako masyadong expert diyan dahil nag-aaral pa lang ako at hindi business ang course ko wehehe)

One Big Lie (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon