Chapter 1: Ligaya
"Laklak pa men!" Grabe naman tong isang to! Ganda ganda ng soot pero asal kalye naman kung makipag-inuman.
Nandito kasi ako sa bar. Hindi ko alam, basta dito ako pinadpad ng mga paa ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balitang nalaman ko o hindi. Galing kasi ako ng office at binalita sa akin ng boss ko na promoted daw ako sa job ko. Sino ba namang hindi matutuwa nun, diba? Oo siyempre natuwa ako, kaso nga lang, mapromote man ako sa trabaho ko, wala namang akong pamilyang pagbabalitaan nito. Wala kasi akong pamilya. Bata pa lang ako, hindi ko na nasilayan ang pamilya ko.. Lumaki akong ampon. Inampon ako ng isang simpleng pamilya noong 3 years old pa lamang ako, galing akong DSWD. Hanggang sa dumating ang ika-7th birthday ko at nagpaparty ang foster parents ko sa bahay...namatay ang mommy ko at ang daddy ko dahil nasunog ang bahay namin noon. Nung nagsindi kasi ng paputok para sa birthday ko ay tumama ito sa bubong at nasunog ang bahay namin at bukod sa mommy at daddy ko, namatay din ang ilang mga bisita. Nung mga panahong iyon, hiniling ko na sana kasama ko na lang silang namatay. Iyak ako ng iyak ng mga panahong iyon at sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nila.
After ng insidenteng iyon, ibinalik na ulit ako sa DSWD at hinahanapan ako ng bagong mag-aampon sa akin. Hindi na ako pumayag ng mga panahong iyon, dahil ayoko na ulit mangyari ang mawalan ng magulang at bumalik na naman ng DSWD. Kapag dadating ang mga mag-aampon sa DSWD, nagtatago ako o di kaya naman ay sasabihin kong may nakakahawa akong sakit para hindi sila lumapit. Buong buhay ko ay tumira ako sa bahay ampunan. Malayo sa mga tao, at mga kalaro sa loob ng ampunan. Hindi ako nakikipagclose sa ibang mga bata, pati na rin sa mga taong nagbabantay sa amin doon. Natakot na ako na baka dahil sakin ay may mapahamak na namang tao.
Pinag-aral ako ng ampunan, pero hindi ako pumayag na mag-aral ako sa isang eskwelahan. Gusto ko sa ampunan lang. Kaya mula preschool hanggang highschool ay nasa homeschool program ako. Dumating ang college at napilitan na akong mag-aral sa isang unibersidad. Kumuha ako ng Fine Arts major in Advertising dahil nung bata pa lamang ako, mahilig na ako sa arts. Grumaduate ako ng walang kaibigan. Tinanggap ng isang kumpanya at nagkaroon ng magandang trabaho. Doon ako naka-assign sa department of designs and advertisements ng kumpanya. Hindi ako sumasabay sa mga officemates ko kumain, natatakot na kasi ako magbuild ng panibagong relationship sa mga tao.
"Waiter, isa nga pong tequila!" Sinabi ko habang umuupo sa upuan sa bar shelf.
"Blanco po ba o Joven?"
"Joven."
"Okay po maam!"
Hindi naman ako lasinggera. Feel ko lang uminom ngayon kasi nalulungkot ako. Naaalala ko na naman kasi yung mga nangyari sa past ko.
Pagkatapos magflair nung bartender, isinerve na niya sa akin ang order kong tequila. Uhhmm.. Ang sarap talaga. Lalagok pa sana ako ng biglang tumapon sa blouse ko yung tequilang iniinom ko.
"Sh*t!" Narinig ko sa lalaking nakabunggo sa akin habang ako'y nainom, dahilan ng pagkatapon ng inumin ko sa blouse ko.
Aba! Siya pa diyan may ganang magreklamo ah!
"Ano ba yan! Nakaharang kasi sa daan!" Aba talagang sumosobra na ah! Hindi ako mahilig makipag-away. Wala akong kaibigan at wala din akong enemies. Malayo nga kasi ako sa tao. Hmmm... Hinga ng malalim. Hindi kita papatulan. Hinga. Hinga. Hinga.
Agad naman akong bumaba sa kinauupuan ko at pupunta na sanang cr upang punasan ng tissue ang blouse kong natapunan. Pero nagulat na lang ako ng pigilan ako ng lalaking nakabangga sa akin. Nakahawak pa siya sa wrist ko at hindi ko siya nililingon. Nababanas na ko ah! Ihinarap ako ng lalaki sa kanya at nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Jillian! *hik hik* Buakit mowkoginago? Hah?!?! Zumama kwa zakin! *hik hik*" Bwisit, lasing na lasing pa yung lalaki. Sino ba to? Kelan pa naging Jillian ang pangalan ko?
"Hoy! Lalaki! Bitiwan mo nga ko. Hindi kita ginago at lalong hindi Jillian ang pangalan ko!" Yes! Pers taym tooo! Nakapagsalita ako sa isang tao na hindi ko kilala. Achievement ba to? Well hindi. Bwisit!
"Pero Jillian, swabi mo papakasalan moko *hik hik*? Zumama ka na zakin phuulease!" Mas lalong humigpit ang kapit niya sa wrist ko.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! SINABI KONG HINDI AKO SI JILLIAN!!! Tatawag ako ng pulis! Sisigaw ako!"
"Kahit anhong zigaw mo, wulang makakarinig zayo! Lakas kaya ng tuhgtohg ohhh!" Ayy bwisit! Bar nga pala ito! Pero anong gagawin sakin nitong lalaking to?
Hinila niya ako papalabas ng bar at dinala niya ako sa parking lot. Siguro nandito yung sasakyan niya. Pero bad trip talaga, ang sakit ng wrist ko! Nakakapit pa din kasi siya hanggang sa matunton namin ang montero niya. Huuung ganda naman ng sasakyan niya! Ako wala pa ding car. Huhuhu. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya, yung opposite ng driver's seat banda, para isakay niya ako sa loob. Sumakay na din siya at nilock ang mga pintuan ng sasakyan. Wala pa din akong idea sa mangyayari. Natatakot na ko. Kahit may itsura tong lasinggerong ito at mukhang mayaman, natatakot pa din ako. Bwisit! Sino ba kasing Jillian na yan! Dapat siya ang kasama nitong lalaking to at hindi ako! Huwaaaah! Kasalanan mo to kung sino ka mang Jillian ka!!
Hindi pa niya pinapatakbo ang sasakyan. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Miss, totoo ba yung sinabi mo? Na hindi ikaw si Jillian?" Tinanong niya ng malumanay at medyo na himasmasan na ito sa pagkakalasing.
Kulit ng lahi nito e! Hindi nga ako si Jillian.
"Hindi nga." Sinagot ko siya ng malumanay ngunit may halong inis. Ayoko ng makipagtalo. Ang gusto ko lang makauwi na at makapagpalit ng damit. Naiinis na talaga ako! Hindi ko naman kasi siya kilala tapos hihilahin niya ko dito.
"Bwisit! Bumaba ka na! Hindi ka naman pala ikaw si Jillian e!" Tama ba ang narinig ko???
"Hoy lalaki! Pagkatapos mo kong dalhin dito at kaladkarin, maniniwala ka din pala sakin! Dapat di mo na lang ako dinala dito!"
"E sa kamukha mo yung ex ko e! Ay hindi pala, mas maganda pala siya sayo at mas maputi! Parehas lang kayo ng gupit ng buhok."
So ex pala niya yung Jillian? Kaya siguro iniwan nung Jillian itong lalaki na to dahil sa mala asal-hayop na ugali niya. Kung ako din naman si Jillian, paniguradong iiwan ko din to e.
"Bababa na ko." Patience. Patience. Bwisit, gusto ko siyang sakalin. Huhu. Konti na lang!
"Mabuti pa nga!" Bwisit na lasinggero to!
Bumaba na ako ng sasakyan niya at nagsimula nang maglakad. Bwisit siya! Ma-flatan sana siya ng gulong! Tumingin ako sa relo ko at... Whaaaat?!! 12:10 na??? Huhuhu lagot na tayo. Nakakatakot pa naman sa daan. Yung uuwian ko pa palang bahay ay sa Ermita pa. Simula kasi nung grumaduate ako, e humanap na ako ng mauupahan. Nakakahiya naman kasi kung sa ampunan pa din ako titira.
Nalalakad ako sa isang madilim na kalsada. Bad trip! Suspense ang peg ng part na ito. Bwisit ka writer! Kumanta na lang ako para mahimasmasan. Nakakatakot kasi, walang ganong taxi na dumadaan dito sa labas ng bar lalo na't ganitong oras, kaya naglalakad ako ngayon papuntang kanto para mag-abang ng masasakyan.
"Ligaya! Magkasamang iibigin kaaaa hah. Sa tanghali sa gabi at umaga! Wag ka sanang magtanong at magduda. Dahil ang puso koy walang pangamba... Pagkat tayo'y nabubuhay ng tahimik at buong lig--" napahinto ako sa pagkanta ng may narinig sumabay sa akin sa pagkanta.
"Ligaya" boses nung sumasabay sa pagkanta ko.
Oh nooo!!! Napahinto ako sa paglalakad at huminga ng malalim at nagpatuloy sa pag lalakad ulit. Huhuhu imagination ko lang sana yun. Konting lakad na lang... Malapit na ko sa kanto. 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3... Bago ko pa maituloy ang pagbibilang. May kumalabit sa aking likod at pagkaharap ko sa kunsinoman siya... Hindi ko na alam ang nangyari. Nawalan na ako ng malay.
-------------------------------------------------------------
A/N: Hello, sana nagustuhan niyo ang tema ng istoryang ito. Feel free to leave a comment and please vote para sa story na to. Sa tingin niyo, sino ang kumalabit sa ating bida at ano ang dahilan ng pagkahimatay niya. At sino din yung lalaking lasinggero at ano kaya ang magiging role niya sa buhay ng bida :)) Abangan po natin sa next chapter. 1 week po ako bago mag-update, loves! Madami po kasing gawain sa school e. Salamat sa iyong suporta! =))
BINABASA MO ANG
One Big Lie (On HOLD)
RomanceThey waited for that big moment. They prepared themselves to what will happen... But something's wrong with the story... They grieve They've hurt They're in pain But all what happened... Is a one big lie. Copyright © 2013 All Rights Re...