C2: A New Guy To The Rescue

999 39 5
                                    

C2: A New Guy To The Rescue

[Harrison Saige Herrera]

"Son, I don't like her." Komento ng aking ina nang makaalis ang girlfriend kong si Lianna.

"Mom, ano nanaman bang problema sa girlfriend ko?" Tanong ko.

"I just don't like her. Parang hindi ka niya maaalagaan. Puro lang pagpapaganda ang alam gawin. If I know hindi 'yon maganda kapag walang make-up." Komento pa nito.

Hindi na ako nakipagtalo pa dito dahil sa huli ito pa rin ang masusunod. Ganito yata kataas ang respeto ko sa mga desisyon nito para sa akin.

Don't get me wrong, lahat naman ng naging girlfriend ko ay sineryoso ko. 'Yun nga lang hindi niya makasundo kaya na nagiging dahilan para makipag-break sa akin ang mga ito.

Wala sa bokabularyo kong ipaglaban ang isang babae lalo na kung masasaktan ko lang ang aking ina dahil alam ko naman ang ikabubuti ko lang ang gusto niya. Simula ng mamatay ang aking ama, sa akin na iniwan ang pag-aalaga sa aking ina at aking kapatid.

"Kuya!" Biglang tawag ng aking kapatid na si Gia.

"Don't tell me you don't like Lianna too?"

"Sort of but I like her fashion style." Nakangiting komento ng kapatid ko.

"But still mother's knows best."

"It's okay. Marami pa namang ibang babae diyan na pwedeng magustuhan ni Mommy for you, eh." Pagpapagaan ng loob ko nito.

"Yeah. Katulad ng marami pa namang ibang lalaki diyan bukod kay Kristof na kinababaliwan mo." Pang-aasar ko sa kapatid kong biglang napasimangot.

"Speaking of the devil. Can you accompany me to one of my friends party? Please? Pupunta kasi siya doon. Balita ko kasama niya 'yung pinalit niya sa akin. Gusto ko lang makita in person. Baka kasi sa picture lang siya maganda hindi sa personal. You know." Paliwanag nito.

"Eh, ano kung hindi sa personal?" Kunot noong tanong ko.

"It means may laban ako! Gusto kong ipamukha sa kanyang angat ako sa lahat ng babaeng ipapalit niya sa akin, Kuya." Mataray na sabi nito. Ginulo ko ang buhok nito.

"Silly! Angat ka naman talaga lalo na pag dating sa amin ni Mommy."

"I know that but I want Kristof to know that too." She said, rolling her eyes.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng eksena sa party na 'yon, Gia. I don't want you to get hurt anymore. Last na 'to. You should stop chasing a guy like him."

"Yes, Kuya!"

Maaga kaming dumating sa party ng kaibigan ni Gia. Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan at kakilala niya doon.

Nasa kalagitnaan na ng party nang may dumating na agaw pansin. It's a couple.

Maririnig sa paligid ang bulong-bulungang,

"Sino ang kasama ni Kristof?"

"Ba't sila magkasama ni Kristof?"

"Siya pala ang date ni Kristof."

"Sila na kaya ni Kristof?"

"Shit! Dude! She's so damn hot!"

"Sexy! Ang swerte ni Kristof!"

"I know her, Dude! She's Penelope Alexis Belmonte. School mate ko siya."

"Ang ganda talaga ni Alexis!"

At marami pang iba. 'Yon lamang ang nahagip ng pandinig ko. Hindi ko din naman sinasadyang marinig.

Naalala ko ang kapatid ko kaya napatingin agad ako dito. Nakatulala ito sa kanila lalo na doon sa babaeng kasama si Kristof na kung tama ang rinig ko, siya si Alexis. Kung nakakamatay ang tingin ng kapatid ko, patay na siguro sila.

When A Good Girl Gone Bad (COMPLETED-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon