C4: Out Of Curiosity
[Harrison Saige Herrera]
Umaga na nang magising si Alexis. Nagulat ito nang makita ako. Napatakip ito ng kamay sa bibig.
"Shit." Halos pabulong niyang sabi. Napadaing pa ito nang mapahawak sa kanyang sintido. Masakit siguro.
"Good morning, Alexis." Bati ko dito.
"Ba't ako napunta dito?" Tarantang na tanong nito.
"Hindi mo natatandaan?"
"Hindi..." Sagot nito na para bang may inaalala.
"Muntikan na kitang masagasaan kagabi sa parking area. Bigla ka na lang nahimatay kaya minabuti kong ihatid ka kaso hindi kita magising kaya hinayaan kitang matulog dito." Paliwanag ko.
"Hala! Sorry! Naparami yata ang nainom ko. Sorry talaga sa abala." Hiyang-hiyang sabi nito.
"It's okay. Napadaan lang naman ako doon. May susunduin sana ako kaso nakita kita kaya pinasundo ko na lang sa pinsan ko." Natatawang sabi ko.
"Sorry talaga. Nakakahiya. Pangalawang beses mo na akong tinulungan."
"No worries."
"Salamat pala. Kaso pwede bang ibalik mo ako doon? Naiwan ko kasi ang kotse ko doon. Pasensya na talaga."
"It's okay." Sabi ko saka pinaandar na ang makina ng sasakyan ko.
Bago kamo tuluyang makarating sa parking area kung saan ko siya nakita, naisipan kong dumaan muna kami sa Jollibee for breakfast.
"I'll treat you next time. Pasensya na talaga." Nakangiting sabi nito.
"Can I ask you something?" Lakas loob na tanong ko.
"Sure."
"Nagkikita pa ba kayo ni Kristof? Don't get me wrong I was just curious."
"Hindi na. Close ba kayo?" Kunot noong tanong nito.
"Not really. He's my sister's ex."
"Gia?"
"Yes. She's my sister."
"Buti na lang pala hindi na sila tumagal kasi hindi siya bagay sa mga lalaking katulad ni Kristof." Komento nito.
"I know. How about you? Kanino ka bagay?" Lakas loob na tanong ko at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang tanong ko.
"To no one." Natatawang sagot nito.
"Bakit naman?"
"Because I want something that lasts for a longtime but since wala namang gano'n. Wala akong balak na makibagay sa kahit na sino." Diretsong sagot nito na para bang may malaking ipinaglalaban.
"You have a point. Never been in love?"
"That's funny. That will never happen." Natatawang sagot nito.
Nang maihatid ko ito sa parking area. Hinintay ko munang mahanap namin ang kanyang sasakyan.
"Got it. Thanks for the ride, Saige." Nakangiting sabi nito saka bumaba ng sasakyan.
"Alexis, can I have your number?" Lakas loob na tanong ko. Hindi ito nagulat. Natawa at tumingin sa akin na para bang nagtatanong kung bakit, "You can call me if you need help tyaka you said you'll treat me next time." Dahilan ko na lamang. Napaisip ito.
"Okay. Give me your phone." Sabi nito. Ibinigay ko naman agad ang cellphone ko dito. I-ti-nype niya doon ang number niya saka ibinalik sa akin.
Maybe I'm just so curious about Alexis kaya ako nagkakaganito. I never felt like this before kaya hindi ko alam ang ibig sabihin nito.
-
"Gia!" Tawag ko sa kapatid ko nang dumating ito. Nasa living area kasi ako gumagawa ng report.
"Yes, Kuya?"
Lumapit ito sa akin. Ibinaba ang bag. I was about to ask but something's holding me back.
"Kumusta volleyball?"
"Huh? Do you really want to know? Sa tinagal-tagal ko sa volleyball team, ngayon ka lang nagtanong." Pagtataka nito. Natawa ako.
"Bakit? Bawal ba magtanong?"
"Hindi naman. Lagi naman akong nag-i-enjoy. Magbibihis na ako." Sabi nito saka binitbit muli ang bag at iniwan ako sa living area.
Gusto ko sanang itanong kung magagalit siya kapag naging interesado ako sa taong ayaw niya.
-
C4 Posted: September 21, 2016
BINABASA MO ANG
When A Good Girl Gone Bad (COMPLETED-EDITING)
ChickLitWhen A Good Girl Gone Bad Written By: invisiblegirlinpink - Penelope Alexis Belmonte is a good girl that gone bad because of the trauma she is dealing with. What will happen if she meets the man who will try his best to help her go back to what she...