C1: Best Friend To The Rescue
[Zion Andrei "Drei" Hedalgo]
"Hoy! Ano nanaman ang ine-emote mo diyan?" Bungad sa akin ni Alexis na kalalabas lang sa apartment na tinutuluyan nito.
Penelope Alexis Belmonte is my best friend since elementary and also my ex-girlfriend.
One month lang naging kami dahil ako itong namilit sa kanya. I thought I could change her but I ended up getting hurt. Kahit sinabi ko na sa kanya tanggap ko ng kaibigan lang ako para sa kanya, umaasa pa rin ako na magkakaroon kami ng chance.
Naisipan ko itong sunduin para makapag-usap ng mga pinaggagawa niya sa buhay ngayon. We're both graduating sa magkaibang paaralan sa kolehiyo. Hindi na kami araw-araw na nagkakasama. I miss her. Minsan na lamang. Kapag pagagalitan ko ito sa kung anong mga balitang nakakarating sa akin. Pasaway kasi ito.
"Nakatulala lang nag-e-emote na kaagad?" Natatawang sabi ko.
"Whatever!" Mataray na sabi nito.
Sa Starbucks kami tumambay. Habang nag-o-order ako, may biglang kumausap na lalaki kay Alexis kaya napakunot noo akong pinagmasdan ang dalawa. Halata kong isa ito sa mga kalandian niya kaya napailing ako at may naisip nanamang kalokohan. Napangisi ako. Madalas ko itong gawin kapag may umi-epal sa date namin o umaaligid sa kanyang mga lalaking. Lumapit agad ako dito nang makuha ko na ang order naming coffee.
"Baby, here's your coffee." I said, smiling at her. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiti ko.
"Gago." Pabulong na sabi nto sa akin. Kinuha naman nito ang coffee na inabot ko. Bumaling ito sa lalaking nagtatakang tinitingnan ako. "Ohw! This is Drei, my best friend." Pakilala nito sa akin saka ako binalingan ng tingin. "Drei, this is James."
"Nice to meet you, Dude." Sabi ni James sa akin tumango lamang ako saka bumaling kay Alexis with her famous flirting smile. "Talk to you next time!" Nakangiting sabi nito kay Alexis.
Binalingan ako ni Alexis saka hinampas ang aking braso.
"Aray!" Daing nito.
"Kainis!" Mataray na sabi nito.
"Bakit ba?"
"Anong bakit? Ba't mo nanaman ako tinawag na baby?!" Reklamo nito.
I used to call her like that.
"Gusto ko." Agad na sagot ko.
"Don't tell me di ka pa rin maka-move-on sa akin!" Asar na sabi nito.
"Okay. I won't tell you." Natatawang sabi ko. "Anyway, kailan mo kakausapin sina Tita?" Tanong ko. Biglang nagbago ang emosyon ng mukha nito.
"What for?" Seryosong tanong nitom
"Gagraduate ka na. Kahit man lang sa graduation mo pansinin mo." Sagot ko.
"Pag-aawayan nanaman ba natin 'to, Drei? Pinapansin ko naman ang kapatid ko, ah? Tama na 'yon."
"Give them a chance." Pangungumbinsi ko. I am used to this. I always do this.
"Chance? Big word! Mali yatang ako ang pangaralan mo about chance. 'Di ba dapat sila?"
She's referring to her parents. She's mad at them. Still mad at what happened to their family.
"Kailan mo balak tanggapin ang katotohanang hindi na sila pwedeng magkabalikan?" Lakas loob na sabi ko dito.
"Tanggap ko na noon pa! Hindi ko lang talaga maintindihan at kahit kailan hindi ko maiintintihan. Punyeta!" Madiin na sabi nito. Huminga ng malalim, "Mag-aasawa sila't magkakaanak para lang mag-hiwalay? What's the fucking sense of marriage?!" Puno ng hinanakit na sabi nito but still have that cold expression written all over her face.
Walang na akong nasabi pa kundi ang yakapin ito kahit ayaw nito. Buti na lamang hindi matao dito ngayon. Hindi rin sila pinapansin ng mga tao. Hindi naman sila nagsisigawan para makaagaw ng atensyon.
Ang pagyakap lang dito ang kaya kong gawin para kumalma ito kahit pa lagi siya nitong itinutulak. Ilang beses na ba siya nitong pinagtabuyan bilang isang matalik na kaibigan? Hindi na yata niya mabilang but every time she did that he will always stay by her side because the person who push people away from them usually needs them the most.
"Punyeta. Naawa ka nanaman sa akin." Asiwang asik nito.
"Shut up, Penelope Alexis!" Seryosong sabi ko. Natigilan ito. Hinayaan niya akong yakapin siya.
-
C1 Posted: September 7, 2016
BINABASA MO ANG
When A Good Girl Gone Bad (COMPLETED-EDITING)
Literatura KobiecaWhen A Good Girl Gone Bad Written By: invisiblegirlinpink - Penelope Alexis Belmonte is a good girl that gone bad because of the trauma she is dealing with. What will happen if she meets the man who will try his best to help her go back to what she...