C3: Different Kind Of Issues

801 39 4
                                    

C3: Different Kind Of Issues

[Harrison Saige Herrera]

"Thank you. You're Saige, right?" Sabi ni Alexis nang maihatid ko ito sa apartment nito.

After what happened in the parking area, hinatid ko siya. I just texted my sister to wait for me at the party.

I was about to say something nang may biglang dumating na lalaki. Bigla na lamang nito yinakap si Alexis na may sobrang pag aalala sa mukha.

"Shit! What happened to you?!," In-ekspeksyon pa nito ang mukha ni Alexis,  "Sinong may gawa nito?!" Tanong nang makita ang namumula pa ring braso ni Alexis.

"There's nothing to worry about, Drei." Alexis said, rolling her eyes.

Drei.

"Sino naman 'to?" Kunot noong tanong ng lalaki nang mapansin ako nito.

"He's Saige. He saved me from Kristof." Paliwanag ni Alexis.

"Shit! Sabi ko na nga bang masama ang kutob ko sa lalaking 'yon, eh!" Inis na sabi nito, "Anyway, thanks, Saige. By the way, I'm Drei." Sabi nito saka nakipagkamay sa akin. Tumango naman ako at nakipagkamay.

"I have to go. I think you're safe now." I said.

Umalis akong iniisip kung ano ang relasyon nina Alexis at Drei. Binalikan ko agad ang kapatid ko sa party. Nataranta ako dahil umiiyak ito. Nakonsensya ako. Inuna ko pa si Alexis.

"Kuya, ang sakit pala talaga." Sabi nito nang matapos sa kakaiyak. Kararating lang din namin sa bahay.

"He's not worth it anyway," Sabi ko na lamang saka ito yinakap, "Take some rest. Good night." Sabi ko pa dito.

"Ikaw din, Kuya. Salamat sa pagsama."

-

[Penelope Alexis Belmonte]

Pinagalitan nanaman ako ni Drei. Punyeta. Siya itong sobrang apektado sa nangyari.

"Ano? When will you learn? Ilang beses na bang nangyari ang ganito sa'yo?" Sermon nito.

"Tay? Ikaw na ba 'yan?" I asked, rolling my eyes.

"I'm not joking, Penelope Alexis."

"Sorry." Mahinang sabi ko na labas sa ilong.

"What's the use of saying sorry? Kung uulitin mo pa rin naman?"

"Whatever! Inaantok na ako. Umuwi ka na, Drei." Tinatamad na sabi ko dito.

Yinakap ako nito at hinalikan sa noo bago umalis ng apartment ko. Feeling boyfriend pero sanay na akong ganito siya.

Lumipas ang ilang araw, may new fling nanaman ako. Si Jayson, one of the hottest soccer player sa school namin. Ngayon ko lang nakilala dahil bigla akong tinamaan ng soccer ball nila. Siya agad ang lumapit sa akin. Kinuha niya ang number ko at yinaya akong lumabas. Habang naglalakad kami sa loob ng mall bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko lang ito.

"What do you want to watch?" Jayson asked, smiling.

I was about to answer when a I saw a familiar face. Kinilala ko ito. Napatingin din ito sa akin. Kinakausap siya ng mga kasama niya.

"Alexis?"

Napabaling ako kay Jayson.

"Sorry. Hindi ko pa alam kung anong showing ngayon, eh. Ano bang maganda?" Natatawang sabi ko dito.

"Ikaw." Mahinang sagot nito.

"Ano?"

"Ikaw ang maganda."

When A Good Girl Gone Bad (COMPLETED-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon