Once in a lifetime, you meet someone that takes your breath away,
not because you want them to, but because they were meant to"
- unknown
***
Simula
"Ako na 'La, kaya ko na po" pagpipilit ko sa kay Lola Rina. Katatapos lang ng operasyon niya ng ilang buwan, alam kong hindi pa niya kayang magtrabaho at gumalaw sa bahay.
"Sigurado ka Reece?" aniya.
"Opo, marami pa naman akong oras mag aaral mamya" sagot ko.
"Pasensya ka na Apo, hindi ka pa ba pagod?, kagagaling mo lang sa part time mo kagabi, at halos madaling araw ka na nakauwi?" aniyang may himig ng pag aalala.
"Okay lang po ako, nakapagpahinga na po ako... eh ang gawin niyo na lang po ay magpahinga muna okay?" ani kong lumapit sa kanyang humawak sa braso niya.
Ngumiti si Lola Rina ng pilit, bakas sa mukha niya ang awa at pagaalala.
"'La, okay na okay po ako, magpahinga na lang po kayo para hindi ako masyadong mag aalala habang nasa trabaho, at binilinan ko na po si Makoy sa gagawin niya mamya" sagot kong tukoy sa kapatid kong sumunod sa akin.
Tumango ito.
"Napakabait mong bata, napakaswerte ko sayo at ng mga kapatid mo" aniyang medyo nangingintab ang mata.
"Mas maswerte po kami sayo, kami ng mga kapatid ko" sagot kong yumakap dito.
Mahirap man ang buhay na kinalakhan ko ay napakaswerte namin kay Lola Rina na siyang tumayong magulang namin magmula ng mawala si Tatay at iniwan kami ni Nanay. Siya ang nagpalaki sa amin at iginapang sa hirap. Namasukan siya bilang katulong kina Ma'm Cielo. Sa hindi inaasahan pagkakataon ay nagkasakit siyang inoperahan dahil sa sakit sa puso. Maigi na lamang at mabait at matulungin ang Amo nina Lola na siyang sumagot sa lahat ng gastusin namin sa ospital kabilang na doon ang tulong sa pagpapaaral sa akin at sa mga kapatid ko.
Malaki ang utang na loob namin sa kanilang mag asawa. At kahit tumigil si Lola sa trabaho ay patuloy pa rin itong binibigyan ng sweldo ni Ma'am Cielo, kaya nagpupumilit pa rin si Lola na pumasok sa trabaho paminsan minsan kahit anong tanggi ni Ma'am Cielo.
"Tinawagan ko na si Ma'am Cielo. Alam niyang ikaw ang pupunta sa resthouse nila kapalit ko, saka hindi naman sila magtatagal doon, sabi niya" aniyang tinanguhan ko ng inihatid ako sa labasan.
"Yung gamot niyo po wag ninyong kalimutan, saka kung may problema patawagan niyo na lang po ako sa telepono ko. Nakapagluto na po ako, wag ho kayong magpapagod. Hayaan niyo na si Makoy sa ibang gawain sa bahay, alam na po niya yun" sagot ko.
"Oo na, ang bait ng apo ko. Maganda na, matalino pa" ani ni Lola.
Napangiti akong kumaway para magpaalam.
Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Lumaki akong dala at alam ko ang responsibilidad ko sa buhay. Sabi nga nila, matanda daw ako pagiisip sa edad ko, aminado ako doon. Wala akong panahong gawin ang normal na ginagawa ng mga kabataan, nakapokus ako sa pamilya, trabaho at pagaaral. Sila ang prayoridad ko.
Dumaan ako sa kaibigan kong matalik bago tumungo sa sakayan papuntang resthouse nina Ma'am Cielo.
"Noreen, dating gawi ha, pakisilip silip sina Lola" ani kong tumango itong humihikab pa.
BINABASA MO ANG
Landon and Reece
General FictionAn indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.