***
Naalimpungatan akong nakahiga sa sofa na may balot ng kumot. Napabangon ako, sinilip ko si Sir Landon na nakahiga at balot pa rin ng kumot. Hinipo ko ang noo niyang mababa na ang kanyang temperatura.
Iniligpit ko ang ilang kalat na ginamit ko sa pagbanyos sa kanya. Alas otso na rin ng umaga, kailangan kong makaalis din bago magtanghali, may klase ako at shift sa library sa hapon.
Inayos ko ang ilang gamit sa bahay niya, pansin ko ring walang laman ang ref niyang nasip ko na rin bumili sa kalapit na supermarket.
Bumili na rin ako ng prutas, at gulay. Nagluto rin ako ng agaran.
"U-uhm" boses sa likuran ko. Nagliligpit ako ng gamit na palabas na.
"Sir!" bati ko.
"Kamusta na po?"
"I'm better, salamat" aniyang mas maaliwalas na ang mukha kaysa kahapon.
"Mabuti naman po, pasensiya na po kayo hindi na po ako magtatagal. May klase po kasi ako ngayon" paalam kong hawak ko na rin ang bag ko. Napatingin siya sa mesa.
"Nagugutom po ba kayo? nagluto po ako ng may sabaw diyan tapos may kanin din po sa rice cooker ninyo" ani ko.
"Naggrocery ka? walang laman ang ref ko" aniyang papunta ng kitchen. Napatingin siya sa prutas sa mesa.
"Eh opo, konti lang naman yung pang ngayong araw lang na ito" sagot ko.
Napatingin ako sa orasan ko.
"Mauna na po ako" paalam kong muli.
"Wait, Reece" aniyang lingon sa gawi ko.
"I don't have cash right now, iaabot ko na lang ang bayad mamya, padadaanin ko ang sekretarya ko sa tinutuluyan mo" aniyang lumapit sa gawi ko.
"Ho? okay lang po, kahit sa susunod na lang na punta ko dito" sagot kong umiling ito.
"Salamat pala, thank you for taking care of me last night" aniyang muli.
"Walang anuman Sir, hindi ko ho kasi makontak ang Mommy ninyo at wala rin akong numero ni Lance" sagot ko.
Napakunot noo ito.
"Magkakilala po kami ni Lance, kasi sa Nursing Department po ako. Magkatabi lang po ang building namin sa University" paliwanag ko.
"Salamat uli... pasensiya ka na at naabala ko. I'll repay you next time" aniyang muli.
'Naku Sir, okay lang po... kung medyo masama pa rin po ang pakiramdam ninyo o bumalik ang lagnat ninyo magpatingin na po kayo sa doktor baka po kailangan ninyo ng antibiotics" ani ko pang muli.
Tumango ito.
"Thanks again" aniyang muli.
"Opo, mauna na po ako" sagot ko.
*
"Hindi ka nakapag aral no?" sambit ng kaklase ko.
Umiling ako.
"Halata naman, ang tagal mong nagpasa ng papel, kasi madalas kase ikaw ang unang natatapos tuwing may exams tayo" aniyang sinabayan ko palabas.
"Nahirapan nga ako sa exams" hinga ko ng malalim. Hindi ako nakapag aral, dagdag pang puyat ako kagabi.
Pabagsak akong humiga sa kama. Marami akong kailangang tapusin na gawa sa University. Hindi pwedeng bumaba ang grades ko, malaking tulong ang pagiging scholar para sa akin.
BINABASA MO ANG
Landon and Reece
General FictionAn indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.