Sometimes even the Greatest Love has to end so the destiny can begin - quoted diary
***
"We need to do another operation hija" wika ng doktor ni Lola.
Napatango akong wala sa sarili. Ang gusto ko png ay maagapan si Lola at gumaling.
"Kamusta na po ang Lola ko?" halos impit na boses na tanong ko.
"Your Lola is okayfor now, pero kailangan niyang dumito para sa ilang follow up diagnostic procedures and of course preparation para sa operasyon niya" paliwanag ng doktor.
"Ate..." ramdam ko ang pagpisil ni Makoy sa balikat ko. Tumingala ako ng tingin sa kanyang tipid na ngumiti. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag aalala pares ko.
"Remember hija yung sinabi ko sayong may isa pang bara ang lola mo noon after nating maglagay ng stent sa isang vessel niya? medyo malaki na ang bara ngayon and I am afraid na kailangang lagyan uli ng stent iyon or -" aniyang napahinga ng malalim.
"Ano po?" tanong ko.
"Or simply bypass"
Halos hindi ako makalunok.
"Kailangan natin siyang i undergo sa ilang series ng test" aning pang muli ng doktor na tinanguhan ko.
Nagpaliwanag pa ang doktor sa kaso ni Lola.
"Reece" abot ni Tita Letty sa kape sa akin.
"Salamat po" ani kong inabot iyon. Tumabi siya sa akin sa visitor's area.
"Iniwan ko ang mga kapatid mo kina Aling Digna, dadaanan na lang ni Makoy" ani ni Tita Letty, mama ni Noreen. Pinauwi ko na si Makoy.
"Salamat po" tugon ko.
"Anong plano mo?" aniyang hawak rin and sariling paper cup.
Napahinga ako ng malalim.
"Hindi ko po alam, ayaw ko pong mawala si Lola. Siya lang po ang meron sa aming magkakapatid" ani kong parang may bara sa lalamunan. Humawak siya sa kamay kong pumisil. Napangiti akong may pait, ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata ko.
"Noong naoperahan si Lola noon. Si Ma'am Cielo ang nagbayad, malaki po iyon" sambit ko.
"May pera kong maipapahiram sayo pero hindi ko alam kung kakasya sa kailangan mo" aniyang hindi ko napigilang mapaluha. Kinuha ko ang telepono kong tiningnan ang numero ni Nanay.
"Tatawagan mo siya?"
Isinara ko iyon.
"May ipon po ako pero hindi ko rin po alam kung sasapat iyon" mahinang tugon ko.
Pumisil siya sa kamay ko.
"Kaya mo yan, kakayanin mo... hayaan mo gagawa din ako ng paraan" aniyang yumakap ako sa gilid niya. Alam kong pera iyon na pang aral ni Noreen.
"Salamat po, yung itinakbo ninyo si Lola malaking bagay na po para sa akin, ganundin ang pag aalaga niyo po sa mga kapatid ko madalas" ani kong pasalamat.
"Sus, ikaw talaga, eh wala akong anak na lalake, tapos yang si Noreen eh bibihira nang umuuwi, parang mga anak ko na ang mga kapatid mo" ani ni Tita Letty. Ipinagpapasalamat ko iyon, malaking tulong kung tutuusin ang pagsilipsilip ni Tita Letty kina Lola lalo na kapag nasa Maynila ako.
Umuwi si Tita Letty, naglagi ako sa ospital.
Inayos ko ang admission ni Lola.
"Ate" ani ni Makoy na inabot ang passbook ko.
BINABASA MO ANG
Landon and Reece
General FictionAn indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.