Chapter 8

41.5K 876 30
                                    


***

Nadischarge si Lola kinabukasan.

"Ate magpahinga ka muna, ako ng bahala sa oras ng gamot ni Lola"  ani ni Makoy sa akin.

Napatango ako. Kailangan ko ring magpadala ng mensahe sa Dean ko sa dahilan ng hindi ko pagkakapasok.

Naalimpungatan ako ng gising ng marinig ko ang ingay sa labasan. Wala pa akong isang oras na nakatulog.

"Makoy anong-" tanong palabas ng kwarto.

"Reece" ngiti ni Mam Cielo.

Medyo naasiwa akong mabilis na nag ayos ng buhok. Naandon din si Lian na nakaangkla sa hindi ko kilalang lalaki at si Sir Landon.

"Mam" bati ko.

"Dinadalaw  lang namin ang Lola mo" aniya. Napatingin ako kay Sir Landon.

Umiwas siya ng tingin.

"U-upo po kayo" anyaya ko.

Kumuha ng isa pang bangko si Makoy dahil pangtatluhang tao lamang ang kasya sa kahoy naming upuan sa sala.

"Nabanggit kasi ni Landon sa amin kanina, hinanap ko siya kagabi eh hindi ko makontak" ani ni Mam Cielo. Medyo kinabahan ako, wala akong ideya kung nabanggit ni Sir landon kung saan niya ako nakita kagabi.

"O-opo" alinlangan kong sagot.

"G-gusto nyo po ba ng inumin? kape po or juice? or softdrinks po?" pag iiba ko sa usapan.

Inutusan ko si Makoy bumili na rin ng softdrinks, na siya namang labas ni Lola ng kwarto. Binati siya ni Mam Cielo.

"Naku Reece wag ka ng magpabili ng softdrinks" aning muli ni Mam Cielo na pahabol.

"Water na lang ako Ate" sabad ni Lian. Sumenyas  naman ang katabi niyang wala siyang gusto, napalingon ako kay Mam  Cielo na abala na kausap si Lola.

"I'll have cofee" sabad ni Sir Landon.

Tumayo akong tumangong dumiretso sa kusina. Pansin ko ang ilang basket ng prutas doon.

"So, have you decided?" gulat akong napalingon.

"Ha? uh, eh  hindi pa po" sagot ko habang nagtitimpla ng kape nito. Inabot ko sa kanya ang tasa. Sinimsim  niya ang kapeng bumalik sa sala.

"Salamat nga pala Landon anak sa paghatid mo dito kay Reece" ani ni Lola.

"Opo Nay nagkataon pong naandon sa pinagtratrabuhang restauran ni Reece itong panganay ko" sagot ni Ma'am Cielo.

"Nga pala Reece, mabuti naman at tinanggap mo na ang alok ni Landon na sa opisina ka niya magtrabaho" ani Mam Cielo.

"Po?"

"Kasi itong Landon kailangan ng isa pang sekretarya, eh hindi na kaya ni Annie ang lahat ng gawa doon minsan kailangan na rin niya ng tigapag alala sa kanyang kumain at kung anong oras dapat siya uuwi, workaholic masyado. Mabuti nga at hindi nagkakasakit"  ani ni Mam Cielo, hindi rin niya siguro nabanggit sa ina ang pagkakasakit niya nuon.

"Po? ah eh..."

"Besides malaking magpasweldo ang kumpanya nila" dagdag pa niyang kumbinsi. Napatingin ako kay Sir Landon na nakakatitig lang din.

"... on the other hand Ate, kailangan lang pong tiisin ninyo ang kasungitan ni Kuya" biglang sabad ni Lian na napatawa ang katabi niyang lalake.

Landon and ReeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon