" We don't meet people by accident, they are meant to cross our path for a reason" - unknown
***
"Sinong matutuyo?" salubong ng kilay ng taong nasa harapan kong nakasandal sa hamba ng pinto.
Napalunok akong ramdam ang pagtulo lalo ng pawis ko sa leeg at sentido.
"U-uhm, s-sir..." halos utal kong paliwanag.
"Who are you?" kunot noo niyang tanong.
"Reece po" sagot kong napahigpit sa hawak kong pamunas. Napatingin ako sa sahig na medyo basa pa.
Napahinga siya ng malalim ng akmang paglakad papasok ng kwarto.
"Naku..naku Sir saglit po!" saway kong muwestra sana ng kamay kong mapigilan ngunit umiling lang itong dumiretso malapit sa gawi ko ko.
Basa pa at madulas ang sahig!
"Oh Shit!" aniyang nadulas nga ang isang paa, nagmadali akong papunta sa gawi niya para mapigilan at masuportahan ang di niya tuluyang pagbagsak sa sahig.
"Sir!"
"Fuck!"
Napahawak ako sa braso at kabilang balikat niya, ngunit napatid ako ng isang paa niyang lalong napasubsob sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari! Sa isang iglap ay bumagsak kami pareho. Napapikit na lamang akong hinintay ang sarili kong pagkabagsak!
"Fuck!" aniyang napadilat na akong nakapatong sa kanya na hawak ang magkabilang baywang ko.
Napalunok akong nanlaki ang mata ko.
"You okay?" tanong niyang napabalik ako sa ulirat.
"Sorry po! sorry!" Dali dali akong tumayo.
Umiling itong dahan dahang tumayo. Umalalay akong humawak sa siko nya, namula iyon marahil sa pagkakatukod.
"I'm fine" seryosong sagot niyang nakakunot noo.
Akma akong akay patayo sa kanya ng umiling ito.
"No need, sa liit mong iyan hindi mo ako kayang akayin patayo" masungit na sagot niya.
Napakunot noo ako. Umupo siya ng ayos na ginalaw galaw ang palapulsuhan, namula din iyon.
"S-sorry po, saglit kukuha po ako ng yelo" ani kong lumabas ng kwarto. Nagmadali akong bumaba na kumuha na rin ng tuyong basahan.
"Oh, Reece, anong nangyari sayo?" salubong ni Ate Nena.
"A-ano po eh" sagot kong kumukuha ng yelo.
"Saglit, nakita mo ba si Landon sa itaas? Siya ang unang dumating" dagdag pa ni Ate Nena.
"Landon po?"
"Yung isa sa kambal" sagot ni Ate Nena.
Siya siguro iyon.
"O-opo, eh-" ani kong bago pa ako makapagpaliwanag ay lumabas na si Ate Nena muli.
Umakyat akong dala ang yelo at basahan.
Nakabukas pa ang pinto. Nadatnan ko siyang sinusuri ang siko. Medyo namumula pa iyon.
"Sir, e-eto po ang yelo" kabado kong abot.
Umangat ito ng tingin na kinuha iyon mula sa akin at idinampi sa siko niya.
BINABASA MO ANG
Landon and Reece
General FictionAn indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.