Chapter 1

7 0 0
                                    

Chapter 1

"Hoy Cams luging lugi na sayo si Mang Kanor nyan ahh, inubos mo na sabaw nya kaya nga nananaba ka ehh!!",pang aasar ni Richie kay Cams na bising busy sa paghigop ng mainit na sabaw ng mami na pang anim na ata nyang balik. Masyado nyang sinulit ang unli sabaw ni Mang Kanor.

"Hayaan nyo lang sya, masyado ata siyang nagutom sa kakatugtog ng mga tambol nyo eh ."
Matagal na naming suki si Mang Kanor at kilalang kilala na nya ang bawat isa sa amin kaya mukhang ayos lang na masunod ang katakawan ni Cams.
Bibilugin ang katawan ni Cams at malaking tao kaya kung meron mang gustong manghamon ng gulo sa amin, mauunahan na nang takot kay Cams dahil sa laki ng katawan nito.

"Jean, ayaw mo na bang kainin yung sayo? kung gusto mo sa kin na lang..
",hay nako at hindi pa pinalagpas ni Cams ang mami ni Jean.
"Jean naman wala pa akong matandaang nagpunta tayo dito na naubos mo na yang mami mo sa bawat pagpunta natin dito.." sabi ko.
"Hayaan mo na nag eenjoy naman si Cams eh..." sagot ni Jean sabay punas sa bibig nito.

Sa totoo lang, hindi naman talaga kumakain ng mami si Jean,nakikiayon lang talaga siya sa amin. Actually nanggaling si Jean sa mayamang pamilya at hindi mami na binili lang sa kalye ang kinakain ng mga mayayaman. Nahihiya niya lang kami sigurong ipahiya kahit na sa tingin ko eh bumabaliktad ang sikmura nya every time na kakain na sya non.

"Mga tol tingnan nyo yung ibang estudyante na nasa likod natin parang ang sama kung makatingin sa tin eh ano lalapitan ko na ba ha?!!"akmang tatayo na sana si Richie sa kinauupan nya pero pinigilan ko lang siya.
"Relax ka lang tol, masyado tayong busog ngayon, di tayo makakasuntok ng maayos kung sakali kaya dyan ka na lang muna.", pagdadahilan ko kay Richie na mainit pa sa sabaw ang ulo ngayon.
"Ikaw tlaga noh kakatapos mo palang ma guidance nung isang araw gusto mo na namang gumawa ng gulo, eh pinaglihi ka ata ng nanay mo sa gulo eh..." at nakuha pang magsalita ni Cams habang puno ang bibig.
"Ah ganon eh kung mukha mo kaya ang guluhin ko para malaman mo ang sinasabi mo ha?"
"Oh tol relax ka lang nag jojoke lang ako hehe."

Natatawa na lang ako habang nag aaway sina Richie at Camilo, totoo naman kasi ehh lagi lagi na lang na iinvolve tong si Richie sa mga gulo,ewan ko ba sa kanya.
Speaking of gulo, tandang tanda ko pa na dahil lang  sa isang gulo, eh nagkakila-kilala kaming apat hanggang sa makabuo kami ng banda.
Saktong sakto naman ay nagpapatugtog ng radyo si Mang Kanor at biglang tumugtog ang kantang Salamat.

...Salamat sa inyo aking kaibigang tunay....

At nagka tingin tinginan kaming apat, at sa tingin ko ay iisa lang ang nasa isip namin,ang araw na nagkita kita kami.

(Flashback)

Dala-dala ni Jupiter ang kanyang lumang gitara at kasama itong si Camilo nang biglang sumulpot sa harapan nila ang grupo ng mga estudyante na kinabibilangan ni Jean.
"Hoy Jupiter bat di mo pa itapon yang bulok na gitara mo. Tingnan mo nga lumang luma na oh! ",pangungutya ng isa sa kanila.

"Wala na kayo ron di naman kayo ang gumagamit eh! ",pagtatanggol ni Camilo sa kasama.  "Haha kung gusto mo bigyan na lang kita ng pambili mo ng bago mong gitara??, patuyang pang aalok ng isa pa.
Akmang susugod si Camilo pero pinigilan siya ni Jupiter. "Hayaan mo na sila Cams ",ang sabi nya.
Biglang may dumating na isa pang estudyante.
"Hanggang don nalang ba yon? tss. 'wag naman kayong masyadong mabait. Hoy kayo, di ko alam na ganyang ugali pala ang tinuturo sa star section noh? "
At sino ka naman ha?  yabang mo din noh?! "

"Guys tama na yan, you've done the wrong thing kaya tayo na lang mag sorry sa kanila.",si Jean naman ang nagsalita ngayon.
"Mag sorry?  common we dont do that Jean."
Aba loko pa la tong mga to eh!!!" lumusob na si Richie sa mga grupo ng estudyante at nagsimula na ang isang malaking gulo.

"Wala pala sinabi ang mga putris na yon ehh!  mga bakla kayo cge tumakbo na lang kayo!!! " sigaw ni Richie.Tanging silang apat na lang ang natira. Pagkatapos ay biglang dumating ang principal na kinatatakutan at kinaiinisan ng lahat si Mrs.Torres.



"What's the matter in here?!!! Kayong apat go to my office now!!!"

Walang nagawa ang apat kundi pumunta sa kanyang office.
Halos umabot ng isang oras ang pananatili nila sa office. Nagkataon na napadaan si Sir Gee Ocampo at tinawag siya ng masungit na principal.

"Sir Ocampo, these four students maked some trouble in our school,  I want you to give them punishment para sila magtanda."
"Yes ma 'am ako na po bahala sa kanila. Boys follow me.",may sumilay na ngiti sa mukha ni Sir Gee na parang may pinaplano. Dinala niya ang apat sa music room ng campus.

"Ahh sir paglilinisin nyo po ba kami ng room nato?  tara guys simulan na natin! ",sabi ni Jupiter.
"Hindi you're wrong you because you 're  gonna practice to play these instruments and from young  I will create a band."
Sabay turo ni Sir Gee sa mga gitara drums at keyboard.

Takang taka ang apat sa gustong mangyari ng kanilang music teacher.
"In case naman sir ano naman po ang ipapangalan nyo sa amin? "tanong ni Jean?
"You will be called KALYPSO band.", ang tanging sagot ni Sir Gee.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon