Chapter 4

2 1 0
                                    

Chapter 4

"Hoy Pits balita ko may bago kayong classmate at maganda daw " interesadong interesado na tanong ni Richie sa akin.Nasa cafeteria kami ngayon, as usual kasama ko silang tatlo.

"Tss. Oo siguro maganda nga pero ubod naman ng sungit." usal ko sa kanila.
"Teka teka parang di ko naman kayo nakitang nag usap kanina ah bakit parang kilalang kilala mo na siya?? " usisa ni Cams.

Di na ko nakatakas pa sa tanong niya kaya kinuwento ko sa kanilang tatlo ang lahat ng nangyari kagabi.
Pagkatapos ay hindi na sila magkamayaw sa kakatawa kaya gusto kong pag uuntugin ang mga ulo nila.

"Pero tol seryoso to, type mo no? "
Sa pakiramdam ko namula ata pisngi ko sa tanong ni Jean na yon na hindi ako sigurado kung ano ang isasagot ko.
"Don't  worry tol tutulungan ka namin " pang aasar pa ni Cams na kikindat kindat pa sa akin.

-----

....hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sayo, idadaan na lang kita sa awitin kong ito, sabay ang tugtog ng gitara...

Seryoso na tong rehearsal namin ngayon dahil malapit na ang battle of the bands na sasalihan ng banda namin.

Ilang sandali lang ay may kung sino na ang nakasandal sa may pintuan ng music room.

"Oh Shayne andyan ka pala kanina ka pa? " si Cams na ang naglakas loob na nagsalita.

"Actually oo at ang boring ng mga songs na pinatutugtog nyo.Walang kabuhay buhay. Tsaka bakit tagalog lahat?  Wala ba kayong alam na english songs? Yung bang tipong One Direction, Arianna Grande etc?"

Wow hanga din ako sa  lakas  ng loob ng babaeng to ah.
"Eh puro OPM kasi halos alam naming patugtugin eh "pag eexplain ni Jean.
By the way ako nga pala si Jean."
"Ako naman si Richie ",tsaka nakipag shake hands kay Shayne.
"Ito naman si Cams at Jup---"
"I know kilala ko na siya ", di na niya hinayaang matapos magsalita si Richie tsaka niya ako tinitigan .
Nararamdaman ko yung tensyon sa aming dalawa kaya ako na ang naunang nagsalita.
"Pero kahit kilala mo ako at kilala kita,alam ko naman na medyo hindi maayos yung unang pagkikita natin kaya, I'm Jupiter Serrano." tsaka ko inabot yung kamay ko sa kanya. Mabuti na lang at inabot niya yung kamay nya tsaka nag smile sa akin.

"Ahm ayusin na natin mga gamit natin para makauwi na tayo."sabat ni Cams na panira na naman ng moment.
"Cge, cge nag ca-call na rin kasi si dad." si Jean na nagmamadali.
"Oy Pits e kung ihatid mo na si Shayne sa kanila, di magkapitbahay naman kayo,ayos lang ba sa iyo yon Shayne?" pasimple pa tong si Richie oh.
"Oo,ayos lang naman sa kin." sagot nya tsaka ako tiningnan ni Richie na para bang gusto niyang sabihin sa akin na chance ko na ito.

Habang nasa daan kaming dalawa eh wala kaming imik sa isat isa. Walang gustong mag salita sa aming dalawa hanggang sa...
"Sorry..."
"Sorry..."
At talagang nagsabay pa kaming nagsalita.
"Sorry nga pala don sa nangyari last time ah di ko yon sinasadya." ako na ang nauna.
"Ako nga ang dapat na magsorry kasi di ko inisip na may naaabala na pala akong tao." ang sabi ni Shayne.
"Ayos na yon kalimutan na natin 'yon. Basta mahalaga ok na tayo."

Di na namin namalayan na nasa harapan na pala kami ng bahay nila at biglang bumukas ang gate dahil sa katulong nila.
"Yaya, dumating na ba sina mom and dad? " tanong ni Shayne
"Ah sa totoo lang tumawag sa telepono daddy mo at sinabi niya na huwag mo na silang hintayin ng mom mo kc daw maraming work sa office ngayon." saad ng katulong nila.
Napansin kong nag iba ang mood ng mukha ni Shayne, naging malungkot ito at bigla siyang nagsalita.

"Ah Jupiter, hindi ko alam kung paabo ko sasabihin to pero pwede ba akong tumuloy sa inyo kahit ngayong gabi lang?? "

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon