Chapter 7

2 1 0
                                    

Chapter  7

"Ano?? imbes na tanungin mo siya kung pwede kang manligaw sa kanya eh sinabi  mo kung pwede siyang maging vocalist ng banda natin? haha!!!"tawang tawang sabi ni Richie.

"Kung sabagay may advantage pa din naman yung ginawa ni Pits kasi maganda naman ang boses ni Shayne di ba tsaka tingin ko siya na nga yung matagal nating hinahanap."
iyon ang sabi ni Jean.

"Kaso di ba di naman kumakanta ng OPM songs si Shayne?" napaisip ako sa sinabi ni Cams.

"Hello guys!  excited na ko sa first rehearsal ko sa inyo guys. Ahm may problema ba? " pambungad ni Shayne.

"Naisip kasi namin na hindi ka nga pala kumakanta ng OPM songs eh kaso yun lang ang mga alam naming itugtog eh. " paliwanag ko sa kanya.
Tumawa muna siya at nagsalita.

"Nagsinungaling ako noong sinabi ko noong boring ang mga music ninyo pero sa totoo lang yun yung first time na ma appreciate ko ang OPM music at dahil sa inyo iyon."

"Ganon ba, so ang ibig sabihin ba nito official member ka na nang  Kalypso? " tanong ko.
Tumango na lang siya habang nakatawa.

"Kalypso! go for the win!"
tsaka kmi naghawak hawak kamay.

Mayron na lang kaming  nalalabing dalawang araw bago ang contest kaya todo practice kmi sa banda. Habang tumatagal nararamdaman kong mas tumitibay ang pagkakaibigan naming lahat. Manalo, matalo man kami sa kumpitisyon na ito, mananatili pa rin kaming matatag sa isat isa.

-----

And the winner for the battle of the banda 2016 is
.
.
.
KALYPSO!!!!

"Yes yes yes!!! we made it guys!! "sigaw ni Jean.
"Expected  ko na to awhhhoooo!!! " si Richie naman na parang nababaliw sa saya.
"May pang boodle fight na tayooo!!!!! " sigaw din ni Cams. At sabay sabay na lang kaming nagsitawanan.

Ilang sandali lang ay naiwan kaming muli ni Shayne.

"Thank you siguro kung hindi dahil sa yo di namin magagawa to." sabi ko sa kanya.
"Hindi pare pareho nating ginawa to kaya huwag kang magpasalamat.  Sa totoo nga lang ako yung thankful na nakilala ko kayo. "
"May gusto pala ulit akong sabihin sayo, pero this time kakantahin ko na para di na ko pumalya pa. "
at mula sa likod ko ay lumitaw sina Cams, Jean, at Richie na may dala dalang gitara. Sa totoo lang pinlano ko ito.

Uso pa ba ang harana marahil ikaw ay nagtataka...
...
sa isang munting harana para sa iyo.

"Aila Shayne Almazon, can I court you??" tanong ko as kanya.

"Ahm,Jupiter, ahm....I...
.
.
.
.
.
.
.
I have a boyfriend.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon