Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

"Ano tara uwian na? ",tanong ko sa kanila.
"Oo Pits baka makatakan na naman ako ng nanay ko nyan pag ginabi ulit ako.", sagot ni Camilo.
"Uy wait lang pala, hoy Jean bukas patulong pala sa assignment ko, alam mo naman sa 'ting apat ikaw ang may pinaka malaking utak." pakikiusap ni Richie kay Jean.

Sa star section si Jean samantalang ako at si Cams ay section two at si Richie naman ay sa last section paano sa gulo lang ata nya pinapaandar ang utak nya.

"Oo cge basta ikaw mismo ang lumapit sa kin bkas ah! ", paalala ni Jean.
"Cge na guys mauna na ko ingat kayo! " pamamaalam ko tsaka na kami naghiwa hiwalay ng landas.

Pagdating ko sa bahay naalala ko nga pala na meron kaming bagong lipat na kapitbahay. Kaso nga lang napansin ko na napakalakas ng tugtog sa kanila.

Well I'll be your daydream, I'll be.your favorite things
We could be beautiful, get drunk on the good life, I'll take to to paradise
Say you'll never let me go...

Di ko muna pinansin ang ingay kahit na nakakairita sa tenga ang mga kantang pinapatugtog nila at pumasok muna ako sa loob ng bahay namin.

Tanging lola ko lang ang kasama ko sa bahay. Iniwan daw ako ng nanay ko sa lola ko noong bata pa ako ilang araw matapos mamatay sa isang aksidente ang tatay ko. Tanging yung gitara na naiwan niya ang natitirang alaala ko sa kanya kaya napakahalaga para sa akin non.

Nasa pasado alas diyes' na ng gabi at nakahiga na ko pero di pa rin ako makatulog dahil sa ingay ng tugtog sa kapitbahay na hanggang ngayon eh hindi pa tumitigil.
Hanggang sa di na ako makatiis at tumayo na ako sa higaan ko at lumabas ng bahay.

Kumatok ako sa gate ng bago naming kapitbahay para kausapin ko na patayin na yung nakakainis na music nila dahil hatinggabi na.
Pero nagulat ako ng isang magandang babae ang sumalubong sa akin sa gate.

"Yes anong kailangan mo?"
tinaasan pa talaga niya ko ng kilay.
"Ah ano kc pwede bang pakipatay o kaya paki hinaaan nyo yung music nyo. Di kasi kmi makatulog tsaka nakakairita na rin sa tenga." paliwanag ko habang tinititigan siya sa mukha.
"Alam mo ayos na sana yung reason mo na di kayo makatulog kaso nung sinabi mo na nakakairita sa tenga, anong ibig mong sabihin non? na wala akong taste sa music? "
"Uy miss wala akong sinabing ganon ah sayo nanggaling yon ...."
"Ano tapos ka na? " naiinis na tanong niya.
"Opo tapos na",ang sagot ko. "Maganda kana sana kaso ang sungit mo pala. " pabulong naman yon.
"At anong sabi mo?? "
"Wala miss sayang di mo narinig ang ingay kasi ng tugtog niyo haha .." tumakbo na lang ako para di na siya makasagot pa.
"Hay nako sayang talaga yung babae na yon." bulong ko na lang sa sarili ko.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon