Chapter 6

2 1 0
                                    

Chapter 6

Bilang na ang araw ng rehearsal namin bago ang contest pero mas inuna pa ng tatlong 'to ang maki usyoso sa kung anong nangyari kahapon.

"So ano na, nasabi mo na ba na gusto mo siyang ligawan? " sabik na tanong ni Cams.
"Hay nako kayo talaga noh napaka tsismoso nyo, wala akong sinabing ganon, tsaka sa amin na lang yon'.
"Kaw tlaga Pits oh bat pinalampas mo nanaman yung pagkakataon. Kaya di ka nag kakagirlfriend eh."pangsusuno pa netong si Richie.

"Sa susunod na magkita kayo dapat sabihin mo na sa kanya mahirap na baka maunahan ka pa."at naki dagdag na din itong si Jean sa  pang aasar sa akin.

At ayun nga bigla siyang dumating ng di ko inaasahan.

"Shayne!  ahm pasok ka sakto lang dating mo." anyaya ni Cams.
"Ah sandali lang ah bibili lang ako ng pagkain." at tumakbo palabas si Cams.
"Kaming dalawa naman ni Jean, alam ko pinapatawag ni Sir Gee eh, di ba Jean?"
pagdadahilan naman ni Richie.
"Ah oo cge tol mauna  na kmi ah! "

At kaming dalawa na lang ni Shayne ang natira sa loob ng music room.
"Salamat nga pala kagabi ah kahit papaano naging memorable ang birthday ko.Salamat ulit."
"Wala yon. Ahm Shayne may importante sana akong sasabihin sayo."
dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ha ano yon? "
"Ahm ano, ano kasi pwede bang ano, pwede bang,  pwede ka bang maging vocalist ng banda namin? ". hay nako pumalya na naman ako.
"Ah ganon ba  ummm... ok na ok sa akin yon." sagot nya.
Naramdaman kong tumulo ang malamig na pawis  sa ulo ko dahil sa sobrang kaba.
Pero ayos na din at least sa wakas meron nang magaling na vocalist ang KALYPSO  band.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon