Chapter 5

2 1 0
                                    

Chapter 5

"Wow  ang sarap naman po ata neto, kare kare!! "sabi ni Shayne na parang gustong gusto nang kumain.
"Aba oo yan ang specialty ni lola." pagmamayabang ko sa kanya.
"Magpakabusog ka iha, eto pa ang kanin.."alok ng lola ko.

Nakakagulat naman pala tong si Shayne, mukhang malakas pa atang kumain sa akin.

"Ano Jupiter iho, girlfriend mo ba siya? ".

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni lola pero si Shayne ay tumawa lang at siya na rin ang sumagot para sa akin dahil parang talagang nabulunan na ako.

"Kaibigan lang po nya ako, pasensiya na nga din po pala sa abala ,ah sa totoo nga po nyan eh ako po yung bago nyang kapit bahay kakalipat lang po namin." paliwanag ni Shayne.

Natapos na kaming kumain at magliligpit sana si Shayne ng pinag kainan namin pero binawal sya ni lola ewan ko kung anong pamahiin ang sinabi nya.

Inaya ko si Shayne sa taas ng bahay namin kung saan matatanaw mo ang mga bituin sa langit. Dinala ko rin yung gitara ko.

"Wow ang ganda naman dito, nakakarelax ng pakiramdam yung hangin." ang sabi nya.
Tsaka sya nagsimulang mag tanong.
"Bakit kayo lang ng lola mo ang magkasama sa bahay? "
"Ah yun ba, iniwan kasi ako ng nanay ko sa lola ko after mamatay ng tatay ko. " kwento ko.
"Sorry natanong ko. "
"Ayos lang yon. " Tsaka ko siya nakitang yumuko at nagsimula ulit mag salita.
"Alam mo birthday ko ngayon."
Nagulat ako sa sinabi niya pero tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita.
"Kung napansin mo medyo mabait ako kanina compare nong una mo kong nakita. Tsaka sinadya ko talagang magpunta sa music room kanina kasi alam kong andon kayo, wala kasi akong makausap na iba eh. Tapos----"
Di ko na siya pinatapos po sa pagsasalita tsaka ko nagsimulang kumanta ng

Happy birthday to you
Happy birthday to you
happy birthday (2x)
Happy birthday to you !

Sinabayan ko nang gitara ang pagkanta at hindi ko namalayan na umiiyak na pala siya.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon