PROLOGUE

9.6K 221 0
                                    

Veirsaleiska Academy
School of Immortals

Kakaibang paaralan na hindi mo aakalaing mayroong ganito.

Ang mga estudyante ay hindi mo aakalaing may ibang kakayanang taglay.

Paano kung mapasok ka sa paaralang ito?

Paano kung araw-araw mong makakasalamuha ang mga taong may kakaibang kakayahan? mga taong may taglay na kapangyarihan?

Makakayanan mo kayang magtagal dito?

Matatagalan mo kaya ang buhay dito kung ang mga kasama mo ay IMMORTAL?

Paano kung nakasama mo na pala sila dati?

Paano kung parte sila ng nakaraan mo?

"May magbabalik mula sa nakaraan. May mawawala mula sa kasalukuyan."

"Mamili ka kung sino ang mas mahalaga. Ang nakaraan o ang Nasa kasalukuyan."

"Maghihintay ako sa pagbabalik mo."

"Babalikan kita. Pangako."

----------
~*~
Ayura

"AYURA!" malakas na sigawan ang bumungad sakin ng pumasok ako sa gym ng school.

Anong meron?

Nagkibit balikat nalang ako at tinuloy ang paglalakad nang may biglang nambato sakin. Hindi lang isang beses kundi limang beses akong binato ng MALALAKING BATO! O, ayan capslock para dama.

"Halimaw ka pala talaga Ayura! Hindi ka manlang nasugatan!" malakas na turan ni Berni.

"Tss. Hindi naman kasi ako kasing hina mo!" umirap ako sa kanya pati sa girlfriend niya.

"Gago! Sabihin mo hindi ka normal!" sigaw niya kaya siguradong naririnig ng mga audience namin.

"Hmm. Baka nga. Hindi kasi normal kagandahan ko." at nagflip hair pa ako na lalo niyang ikinainis.

"Ah ganon ah?" mabilis siyang sumugod sakin para sapakin ako. Pero sorry nalang, mas mabilis ako. Hiniklat ko ang braso niya at pinaikot.

"Arrrgggghhhh!" napangisi ako ng mamilipit siya sa sakin.

"Bitiwan mo yung boyfriend  ko!" sigaw ng kawawa niyang GF. Nakalimutan ko nga pangalan sa sobrang kawalan niya ng kwenta.

"Say please..." pang aasar ko. Natutuwa ako sa reaksyon nila. Hindi ito ang unang beses na makaharap ko sila. Hmm. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kami nagka away at nagkasakitan ng ganito.

"Siraulo kang babae ka! Bitiwan mo ko!" inis na sigaw ni Berni.

"Okay. As you wished!" malakas ko siyang binitiwan kaya lumagapak ang mukha niya sa semento.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" nabalot ng tawa ang buong gym. Maski ako ay hindi mapigilan ang tumawa. Kaso sa sobrang pagtawa ko  nawala sa isip ko na may kaaway pa pala ako. Natigilan lang ako ng maramdaman ang kamao ni Berni sa sikmura ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Biglang nag init ang kamay ko na parang gusto may kumawala.

"G-guys! L-look at her! May itim na usok na bumabalot sa kanya!" naghihysterical na sabi ng mga nanonood. Hindi ko sila pinansin.

Wala akong pakialam sa nasa paligid ko. Ang gusto ko lang ay malabas ang kung anong nasa katawan ko.

Hiniklat ko ang braso ni Berni at mabilis na binalibag. Hindi ko na narinig ang sigawan ng nakapalibot samin. Nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko. Nagagalit ako at the same time na e excite ako. Hindi ko na nabilang kung ilang beses ko siyang sinapak sa mukha. Huminto lang ako ng mawalan na siya ng malay.

"Halimaw ka talaga!" nanghihinang sambit ng girlfriend ni Berni. Imbis na magalit ako sa tinawag niya sakin ay natuwa ako. Ngumisi ako sa kanya na lalong ikinatakot niya.

Memoire les cos tua

Nanakit bigla ang ulo ko. Paulit ulit na parang sinasabi ng ang salita na 'yan sa utak ko. Hanggang sa hindi ko na napigilang lumabas na sa mismong bibig ko.

"Anong nangyari dito?" napalingon kaming lahat sa baritonong boses na nagsalita.

"Prinsipal..." napayuko kaming lahat ng makita siya.

"Ikaw na naman, Ayura Reign?" galit na mata ang ipinukol niya sakin. "Anong ginawa mo sa anak ko?" lalong nag alab ang mga mata niya ng makita ang anak na walang malay.

"Bagay lang sa kanya 'yan." lalo siyang nagalit ng magsalita ako.

"Umalis ka na Miss Ayura. You're expelled!" hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ngumisi nalang ako at kumaway sa kanila.

Ang weird ko! Bakit ko nga ba ginawa 'yon? Langya naman! Saan na ako mag aaral ne'to? Ang tanga, Ayura! Pero ano nga ba iyong naramdaman ko kanina? Bakit parang hindi ako 'to? Bakit parang...ibang tao ako? Ang weird. Sobra. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Ako ba talaga ito? Ako ba talaga si Ayura Reign?


Veirsaleiska Academy: School Of ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon