Chapter 13: Plan~~~~~
Miyukii's POV
Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nakakabalik sina Dylan at Ezekiel. Dumapo ang matinding kaba sakin. Hindi ako mapakali, gusto kong pumunta kung nasaan siya, ayaw lang akong payagan ng mga 'to.
"Gusto kong puntahan sila Ezekiel. Hindi maganda ang nararamdaman ko. May mabigat na presensya sa paligid." ani ko.
"Pero hindi pwede. Sigurado naman ako na kaya na nang dalawa 'yon." sabi ni Ayhela. Si Herxhiene ay nanatiling tahimik. Mariin siyang nakapikit na animo'y nag coconcentrate.
"Kailangan tayo ng dalawa. Masama ang nakikita ko." wika ni Herxhiene ng imulat niya ang mga mata niya. At gaya ng kanina mas tumindi ang kabang naramdaman ko. Natatakot akong mawala siya.
"Kailangan nating magmadali!" wika ko. Lumapit naman sila sakin at sabay sabay kaming nagteleport.
Danica's POV
Naglalakad kaming tatlo nila Klea at Cyth ng mamataan namin si King Dylan at Sir Ezekiel. Nakatayo sila sa tapat ng ceremonial tower. Putol ang apat na tulay na kumukonekta sa gitna.
"Yan siguro ang narinig nating pagsabog." wika ni Cyth. Tinignan naming mabuti ang paligid.
"Masama 'to. Siguradong hihina ang proteksyon ng Veirsaleiska." seryosong saad ko.
Lalong hindi naalis ang tingin namin ng may mga Dark Shadows ang biglang sumulpot at pinaligiran sina Sir Ezekiel at King Dylan.
"Mahihirapan sila kung dalawa lang ang lalaban. Kahit sabihin nating malakas sina Sir. Hindi ordinary Dark Shadows ang kalaban nila." tumingin kami kay Klea na nagsalita.
"Tignan niyo.." muli kaming tumingin kina Sir at King. "Soldiers ng Elite ang kalaban nila." dagdag nito.
"Siguro kailangan nating tumulong." wika ni Cyth. Lalapit na sana kami ng may boses na pumigil samin.
"Dyan lang kayo!"
At ang boses na 'yon.
Ay sobrang pamilyar.
"Ayura?" sabay sabay naming banggit sa pangalan niya. Kasama niya ang Reyna at ibang kaibigan nito.
Lumingon siya samin, halos mamatay na ko sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ibang iba ang itsura niya, nagmature ang itsura niya. Pero sigurado akong si Ayura yon.
"Si Ayura ba talaga 'yon?" takhang tanong ni Klea.
"Kaya nga! Ang ganda niya. Pero bakit biglang nagmature ang itsura niya? 16 palang siya, right?" tanong din ni Cyth.
Nag umpisa silang kalabanin ang mga Dark Shadows. Ang Reyna ay tumungo sa tuktok ng Ceremonial tower. Siguro ay sinusuri niya ang nangyari sa apat na tulay.
Nabalik ang tingin ko sa labanan. Napatalon kami literal ng may papuntang Dark Shadows sa pwesto namin. Pero may magandang babae ang humarang sa kanila.
"Umalis na kayo." ma awtoridad na wika niya samin.
"Ayura ikaw ba 'yan?" tanong ni Cyth.
"Yep, ako si Ayura. Pero hindi iyon ang totoong ako. Im Miyukii Ayelle Frost." aniya at sinugod ang mga Dark Shadows.
Naglabas siya ng sword sa kanang kamay at sa kaliwa ay chain na gawa sa fire. Inihagis niya ang chain na parang may sariling utak na pumalupot sa mga kalaban. Kahit anong gawin nila ay hindi sila makaalis sa chain.
Tumingin ako sa gawi ng iba. Lahat sila ay may nakapulupot na chain at hindi makagalaw.
Umalis si Ayura...este Miss Miyukii sa harap namin bitbit ang mga Dark Shadows. Nang makarating sa gawi nila Sir ay parang nasusuffocate ang mga kalaban nila. Tumingin ako sa gawi ng Reyna. Kahit na Air ang element na hawak ko. Hindi ko nararamdaman ang ginagawa niya. Pero sa tingin ko tinatanggal niya ang oxygen na nakapaligid sa mga Dark Shadows. Maya maya ay unti unti silang naglaho.
"Si Miss Miyukii ba talaga 'yon?" nakatanga pa rin pala ang dalawa kong kasama.
"Buhay nga siya." wika ni Klea.
Herxhiene's POV
Nagsasakatuparan na ang nasa propesiya. Nawala na ang apat na diamante. Sigurado akong pinalano ito ng mga Dark Shadows.
"Humihina ang barriers." wika ni Dylan na nasa tabi ko.
"Ano ng plano mo ngayon, Queen Herxhiene?" tanong ni Ayhela.
"Kailangan nating pagtibayin muli ang mga barriers. Pagsasamasamahin natin ang mga kapangyarihan natin." seryosong wika ko.
Pero may iba pa kong plano. Nalalapit na ang muling digmaan. Kailangan naming maghanda.
"Kung gayon, gawin na natin." sabi naman ni Miyukii.
"Tatawagin ko lang sina Zayn." saad naman ni Ashgrey.
"Si Tita Miyurii, Ziekiah at Clevin. Kakailanganin din natin sila." sabi ko. Tumango naman si Victorique at Lux bago naglaho.
Clerxiene Dayle's POV
"Ang ganda mo talaga ate Ziekiah." nakapangalumbabang sabi ko Kay Ate.
"Maganda ka rin naman Princess Clerxiene. Nagmana ka sa'yong Inang Reyna." ngumiti siya ng malapad.
Hay, alam kong hindi lang siya maganda. Alam kong malakas din ang taglay niyang kapangyarihan.
"Ziekiah! Pinapatawag ka ng Reyna." nagulat ako sa biglang paglitaw nila Miss Victorique at Miss Lux. samantalang si Ate Ziekiah ay parang expected na niya ang pagdating ng dalawa.
"Ang prinsipe nasaan?" tanong ni Miss Lux sakin.
"Hindi ko po alam. Umalis na po siya kanina pa." sagot ko.
"Pasaway talaga. Kung kailan kailangan ang kapangyarihan niya eh." napayuko naman ako sa tinuran ni Miss Victorique.
"Bakit hindi nalang si Clerxiene? Kung kapangyarihan ang hanap niyo kay Clevin, baka matumbasan yon ng Prinsesa." nagtatakhang tanong ni Ate Zie. Lalo akong nahiya sa harap nila.
Napansin ko ring nagkatinginan ang dalawang binibini.
"Kailangan na nating magmadali." pag iiwas ni Miss Lux.
Hinawakan naman ako ni Ate Zie kaya napasama ako sa pagteteleport nila.
"Bakit hindi nila sinagot ang tanong ko?" tanong ni ate Zie sakin.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Dahil wala akong kapangyarihan." nabatid ko agad na nagtatakha ang mata niya. Pero minabuti nalang niya tumango.
"Kung gayon. Kinakailangan mong mag ingat lagi. Sa tingin ko naman ay magaling kang gumamit ng armas." ngumiti si Ate Zie sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mommy ng salubungin kami.
"Pasensya na po, Queen. Ako ang humatak sa kanya." nakayukong paghingi ng paumanhin ni Ate Zie. Napabuntong hininga nalang si Mommy.
"Tara na nga. Kailangan na namin kayo."
Umalis na sila sa harap ko. Nanatili ako nakatayo sa tapat ng Veirsaleiska tower.
Hayy, hanggang kailan kaya akong ganito? Hanggang kailan ako magiging walang kwenta?
Nakakainis! Sa dinami dami ng Immortal, bakit ako pa ang nawalan ng kapangyarihan?
BINABASA MO ANG
Veirsaleiska Academy: School Of Immortals
FantasyAyura Reign isang simpleng estudyante sa mundo ng mga mortal. Ngunit simple nga lang ba talaga siya? O, may tinatago pang katauhan sa kanya? Paano kung hindi talaga siya ang inaakala niyang siya? Paano kung ang kinalakihan niyang mundo ay hindi ta...