Chapter 14: Barriers
~~~~~Miyukii's POV
"Kanya kanyang posisyon ang lahat. Kailangang masigurong matibay ang magagawa nating barriers." wika ng Reyna.
Lahat ng mga makapangyarihan ay nagtutulong tulong. Upang mapagtibay ang proteksyon ng Veirsaleiska.
Sina King Dylan,Queen Herxhiene at Prince Clevin ay nasa itaas ng tower.
Kami naman ay nasa ibaba. Nasa pagitan namin ni Ezekiel si Ziekiah. Inilabas niya ang kaniyang kulay asul na wand.
Kung hindi ako nagkakamali, kay mama galing 'yon.
"Nahuli na ba ko?" napalingon kami sa likudan ng may parang anghel na nagsalita.
"Mama/Ishna!" sinalubong ko agad siya ng yakap.
"Sakto lamang ang inyong pagdating." wika ng aking anak.
"Mabuti naman." humiwalay kami sa yakap ng mabigay na ng senyales ang Reyna.
Inipon ko ang enerhiyang meron ako sa mga palad ko. Gumawa ako ng puting apoy sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay hangin na may asul na guhit.
Napatingin naman ako kay Ezekiel at Ziekiah. Kay Ezekiel ay pulang apoy na nahahaluan ng kulay puti at asul. Si Ziekiah naman ay nag ipon ng enerhiya sa wand na gamit niya. May kulay puti na bola ng kapangyarihan sa dulo ng wand stick.
Nagbigay ng senyales ang Reyna. Habang binibigkas niya ang spell ay sabay sabay naming pinakawalan ang aming mga kapangyarihan. Habang naka focus ang lahat. Napatingin ako sa gawi ng babaeng anak ng Reyna. Hindi siya naglabas ng kapangyarihan para tumulong samin.
At simula palang, wala akong nararamdaman na enerhiya sa kaniya.
Parang katulad niya ang isang mortal.
Herxhiene's POV
Pagkatapos ng ilang segundo. Kusang bumukas ang book of fate. Nangangahulugan na may nais itong iparating sa akin.
Pero imbis na isang propesiya ay isang word spell na hindi ko masiguro kung para saan.
'Ais levis cus soma gir yates'
Nang banggitin ko na ito. Biglang nagliwanag ang buong palasyo pati na rin ang kilalagyan namin.
"Anong nangyayari?" dinig kong tanong ng mga tao na nasa ibaba.
"Hindi ako sigurado. Pero narinig ko ang kinast na spell ng Reyna, para iyon sa karagdagang proteksyon ng kaharian." narinig kong winika ni Tita Miyurii.
Maya maya ay napawi ang liwanag. Unti unti ng umaayos ang lahat.
Sana... Sana nga maayos na ang lahat.
"Ayos ka lang?" tanong ni Dylan na katabi ko. Hinaplos niya ang aking likod. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Oo naman. Ayos lang ako." mukhang na satisfy naman siya sa sagot ko. Muli siyang tumingin sa mga Immortal sa baba. Ako din ay nilibot ko ang aking tingin.
Nahagip ng mga mata ko si Clerxiene. Ginamit ko ang enhanced vision ko para mas makita siya ng malinaw. Mukhang malungkot ang munti kong prinsesa. Kung may magagawa lang ako para maibalik ang kapangyarihan niya. Kaso wala, dahil kailangan siya mismo ang gumawa ng paraan para maibalik 'yon sa kanya.
"Mommy, bakit hindi niyo pa ibigay kay Clerxiene ang misyon niya?" tanong ni Clevin.
Bumuntong hininga ako bago siya sinagot. "Kailangan ko munang maghintay sa senyales ng mga dyosa."
Hindi na siya nagtanong. Alam kong naiintindihan na niya ang sinasabi ko.
"Nga po pala, nais kong pumunta sa kaharian ni Daddy. Sa Sphyrian, kasama si Kiah." pagpapaalam niya. Maski si Dylan ay napalingon sa kanya.
"Bakit mo naman nais bisitahin 'yon ng kasama si Ziekiah, anak?" tanong ni Dylan kay Clevin.
"Hindi pa ba obvious, dad? Nais ko siyang maging Reyna sa kaharian na ipamamana niyo sakin." ngumisi si Clevin sa kanyang ama. Pero mukhang may nakakalimutan siya.
"May nakakalimutan ka, Clevin." paumpisa ko. Ang mga mata nila ay nakatingin sakin.
"Hindi mo madadala si Ziekiah sa kaharian ng Sphyrian. May matibay na barriers iyon at hindi pinahi hintulutan ng mga Sphyrians na may pumasok na wizard o may halong dugong wizard sa kaharian nila." tumango tango si Dylan. Si Clevin naman ay parang may iniisip na malalim.
"Pero maari namang matanggal ang barrier na yon, diba mommy?" batid ko ang pangungusap sa mga mata niya.
"Ipagpaumanhin mo, Clevin. Ngunit wala akong magagawa d'yan. Ang Hari at Reyna ng Sphyrian ang gumawa ng barrier na yon at sila lang ang maaring magtanggal n'yon." inalis niya ang kanyang tingin sakin at inilipat kay Dylan.
"Pero ikaw Dad? Baka may magawa ka pa? Hindi ba't kaharian mo 'yon?" tanong niya kay Dylan.
Umiling ang aking asawa. "Wala rin akong magagawa. Ang iyong Ishna (lola) at Ishiyo (lolo) ang dapat mong kausapin. Pero kilala mo naman ang mga 'yon. Hindi sila madaling mapasang ayon. At dahil may masamang nakaraan ang mga wizards at Sphyrians, baka malabo mo rin silang mapapayag."
Clerxiene's POV
Hindi ko man nakikita ng malinaw pero mukhang nag uusap usap sina Dad, Mom, at Kuya Clevin. Gusto kong makisali pero hindi ako pahihintulutan na tumungo sa itaas ng tower hanggat wala akong kapangyarihan. May barrier din kasi iyon sa tuktok at makaka pasok ka lang kung may mararamdaman itong kapangyarihan o enerhiya na malakas.
"Clerxiene!" napatingin ako sa tumawag sakin. Si Ate Ziekiah kasama ang pamilya niya. Mukhang masaya na sila at si Tito Ezekiel naman ay siguro hindi na magsu sungit.
"Ikaw diba ang babaeng anak ng Reyna?" tanong ni Tita Miyurii na Ina ni Miss Miyukii.
"Opo, ikinagagalak ko po na kayo ay makita sa personal, Miss Miyurii na isang legendary wizard." bahagya akong yumuko upang magbigay galang.
"Ganon din ako, hija." ngumiti siya sakin at sinuklian ko naman din 'yon.
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Miss Miyukii."Ikinagagalak ko rin po ang inyong pagbabalik, Miss Miyukii." bati ko sa kanya.
Tulad ng kanyang ina ay ngumiti rin siya ng matamis sakin at agad ko 'yon sinuklian.
"Maraming Salamat." aniya.
Hindi na muli nadugtungan ang pag uusap o batian namin dahil inagaw ng Reyna ang atensyon naming lahat.
"Magkakaroon tayo ng pagdiriwang para sa pagbabalik ng isang dakilang imortal na mamayan ng Veirsaleiska. Ipagdiriwang natin ang muli niyang pagbabalik sa mundo natin at pati na rin ang bagong proteksyon ng kaharian na pinag tulong tulungan nating lahat."Pagkatapos ng kaunting announcement ay nakarinig na ako ng iba't ibang komento. Masasayang komento na nakatulong sila sa pagpapalakas ng barrier na gusto ko ring maranasan. Gusto ko ring maranasan na gumamit ng kapangyarihan para makatulong din sa kaharian ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/83973726-288-k96473.jpg)
BINABASA MO ANG
Veirsaleiska Academy: School Of Immortals
FantasíaAyura Reign isang simpleng estudyante sa mundo ng mga mortal. Ngunit simple nga lang ba talaga siya? O, may tinatago pang katauhan sa kanya? Paano kung hindi talaga siya ang inaakala niyang siya? Paano kung ang kinalakihan niyang mundo ay hindi ta...