Ang Simula
~~~"Ma, Ma!" sigaw ko habang papasok sa bahay namin.
"Jusko Maryosep! Yura. Bakit ka ba sigaw ng sigaw?." sabi ni mama sabay hampas sa balikat ko.
"Aray! Ma naman eh!" daing ko. Napalakas ang pagkaka hampas niya eh.
"Bakit ang aga mo yata?" tanong ni mama. Aba'y pinagtaasan pa ko ng kilay.
"Eh, kasi... Na guidance na naman ako." nakayukong saad ko. Pero alam kong expected na niyang 'yan ang sagot ko.
"Ano na namang kasalanan mo?" kalmadong tanong ni Mama. Hindi kasi siya nagagalit kapag naga guidance ako basta daw hindi ako napapahamak. O, diba? Astig niya. Pero mas cool pa rin talaga ako.
"Sinuntok ko sa mukha yung anak ng principal namin." napatingin ako kay Mama. Parang kumikislap na naman ang mga mata niya na lagi kong napapansin sa tuwing nagsasabi ako na may ginawa akong kalokohan sa school.
"Napalakas yata yung pagsuntok ko. Ma, kailangan ko ng humanap ng bagong school!" napansin ko na may gumuhit na ngiti sa mukha niya. At isa lang ang masasabi ko. Weird.
"Pumasok kana muna. Para makapagbihis ka." tumango ako sa kanya. Naka plaster pa rin sa mukha niya ang wirdong ngiti. Na kahit sino ang tumingin ay kikilabutan.
Kibit balikat nalang ang ginawa ko at dumiretso ako sa kwarto ko. Agad akong nagbihis ng damit pambahay bago humarap sa laptop.
Maghahanap ako ng school na pwedeng gawin ang lahat ng gusto mo. Astig! Pero mukhang walang ganon.
Napatingin ako sa pintuan ng may marinig na tatlong beses na kumatok. Si Mama lang naman siguro yun. Baka may nakalimutan pang sabihin pero kakain pa naman kami ah?
"Bukas yan." sabi ko nalang. Baka may importante pa talaga siyang sasabihin or something.
Humarap ulit ako sa laptop ko at tinuloy ang pagsesearch. Marami nang lumalabas na school pero wala pa rin akong mapili. Magaganda ang reputasyon ng mga 'to. Mahirap na baka masira ko lang. At baka isumpa ako ng lahat ng tao sa eskwelahang 'yon. Hay, lumalawak na naman ang imagination ko. Kung saan saan napapadpad. Pero, iniisip ko lang naman ang kahihinatnan ko kapag pumasok ako sa magandang paaralan na may matitinong estudyante.
Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Aish! Ano kayang kailangan ni mama? Tanong ko sa isip ko. Naku curious na talaga ako eh.
"Anong kailangan mo..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng wala akong makitang tao. Nanindig ang balahibo ko sa batok.
M...minumulto ba ko?
"Anak, sino kausap mo?" napatingin ako sa kakabukas lang na pinto. Agad akong napalundag mula sa kama.
"Mama, hindi ba ikaw yung kumatok kanina?" nangunot ang noo niya sa tanong ko. Sa reaksyon niya ay hindi siya yon. Pero huwag naman sana.
"Hindi, bakit?" agad akong napatakbo palapit sa kanya.
"Ma, minumulto ako!" natatarantang saad ko.
"Anong multo? Nahihibang ka na?" natatawang sabi niya. Napanguso ako.
Aish! Naman oh. Baka guni-guni ko lang. Ayura, inhale, exhale! Walang multo, okay? Shit! Nababaliw na ko.
"Pagkatapos mo dyan. Bumaba ka na. May pag uusapan pa tayo." sabi ni mama bago umalis ng kwarto ko.
Alam ko na yung pag-uusapan namin. Yung school na papasukan ko. Nak nang! Bakit kasi lapitin ako ng gulo? Wala naman akong balat or nunal. So, why is that? Friendly lang ba talaga yung gulo sakin at nagfi feeling close? Ganon ba 'yon?
Pagbaba ko sa dining area. Nakita kong hinahain na ni Mama yung mga pagkain. Umupo ako sa katapat na upuan niya.
"Nakahanap ka na ba ng school?" tanong ni mama. "Yung tatanggap sa katulad mo." dagdag niya.
Buti nalang naka pag search na ako kanina. May nakita akong school na pwedeng tumanggap sa katulad ko na takaw gulo. Parang school for gangster siya. Hindi naman siguro ako mamamatay don. Pero...
"Meron akong nakita, Ma. Kaso hindi na sila tumatanggap ng late enrollies." sabi ko habang pinaglalaruan ang kubyertos na hawak ko.
"Bali next semester na lang ako mag e enroll." napatingin ako kay mama. Instead na makita ko ang galit niyang ekspresyon, dahil mukhang hindi ako makaka pag-aral sa taong 'to ay nanindig ang balahibo ko dahil sa ngiti na nasa labi niya. Nitong mga nakaraang araw ko pa napapansin ang pagiging wirdo niya at mas lalong lumalabas ngayong araw.
"May nahanap na kong school." excited na saad niya. Ngayon isip bata naman ang peg niya. Tinatakot niya na ako ah!
"Saan naman? Baka mamaya malapit lang yan dito." napa irap ako sa kawalan. Wala akong tiwala sa napili niyang school. Baka mamaya diyan lang 'yan sa kanto. Ayoko ng malapit sa bahay. Hindi na ko makakagala nun. Psh!
"Malayo yun nak, magdodorm ka nalang sa sobrang layo." agad na lumitaw ang ngiti sa labi ko.
Matagal ko nang gustong tumira sa dorm at magpaka independent. Hindi naman sa ayaw kong makasama si mama. Pero mas gusto ko ang mag-isa. Yung tipong kahit guluhin ko ang buong kwarto ko, walang magagalit. Pero syempre mamimiss ko din si Mama.
"Saan naman yun, Ma? Pwede ba ko dun?" tumingin ako kay mama. Baka mamaya sa kumbento pala niya ako ipapasok. Baka masunog agad ako. Or, baka ipasok niya ako sa school kung saan terror ang lahat.
Tumango si mama sakin.
"Dun ako nagtapos, Ah, sa Veirsaleiska Academy. Marami kang kalahi dun, nak." school pala yun ng mga pasaway? So, ibig sabihin pasaway din si Mama non?
Matapos namin kumain. Umakyat na agad ako sa kwarto ko. Pinag iimpake na ko ni mama. Bukas na daw kami mag eenroll dun sa Versa...Veirsha... Ano nga ulit yun? Aish! Basta yun!
Teka nga pala, bakit nga ba mag iimpake agad ako? Hindi pa nga sure kung tatanggapin ako eh. Kung makakapasa ako sa exam. Sana naman pumasa ako.
Sana makapasok ako dun.
BINABASA MO ANG
Veirsaleiska Academy: School Of Immortals
FantasyAyura Reign isang simpleng estudyante sa mundo ng mga mortal. Ngunit simple nga lang ba talaga siya? O, may tinatago pang katauhan sa kanya? Paano kung hindi talaga siya ang inaakala niyang siya? Paano kung ang kinalakihan niyang mundo ay hindi ta...