OMG!
~~~~~~Danica's POV
Pagkatapos ng laban namin ni Akie. Dumiretso kami sa cafeteria para sundan si Ayura. Im sure, nabobored na yun. Kailangan naming magmadali~
"Danics! Si Ayura ba yung kalaban ni Cloud kanina?" tanong niya.
"Oo siya nga, bakit mo natanong?"
Napahawak siya sa chin niya na parang nag iisip.
"Akiehira! Hindi bagay sayo mag isip." sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa chin niya.
"Psh. Badtrip ka naman oh!" inis na sambit niya. Napatawa lang ako ng mahina.
"Alam mo Danics, nawiweirdohan ako kay Ayura." napahinto ako sa paglalakad.
"Bakit?"
"Hm. Pano ko ba ipaliliwanag. Kasi naman, parang ang lakas na niya. Dapat hindi siya belong sa Class B, pang Class B+ na siya eh. Nakita mo naman yung laban niya kay Cloud diba? First time in history na matalo si Cloud ng isang Class B student and take note babae pa." napaisip ako sandali.
"Tama ka, girl." sabi ko.
"Yung buhok niya kanina. Kakaiba. Sobrang kinang ng pagkaviolet diba Royalties lang ang may ganung buhok?" tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Pero bumalik din sa dating kulay ang buhok niya. Black na ulit." sabi ko.
"Sabagay. Baka nagkataon lang." mahinang wika niya.
Pagkarating namin sa Cafeteria. Naabutan namin si Ayura kausap si Sir Ezekiel.
"Danics! Si Sir Ezekiel yun diba?!" kinikilig na tanong ni Akie. Oo nga pala. Crush niya si Sir.
"Oo, pero bakit niya kausap si Ayu?" nagkatinginan kami ni Akie at sabay nagkibit balikat.
"Tara lapitan natin~" masayang sabi niya. Saktong pagkalapit namin ay biglang naglaho si Sir.
"Ayaw sayo, Akie. Hahaha!" napalakas ang tawa ko. Napasimangot si Akie at hinampas ako ng malakas.
"Aray!"
"Tapos na ba ang laban niyo?" napatigil kami ni Akie sa pag aasaran. Nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses ni Ayura.
Ayura's POV
"Hihintayin kita, Miyukii." wika niya bago tuluyang maglaho.
"Ayaw sayo, Akie. Hahaha!" rinig na pang aasar ni Danica sa kasama niya.
"Aray!" daing ni Danica.
"Tapos na ba ang laban niyo?" napatigil sila sa pag aasaran.
"Bakit may problema ba?" tanong ko. Sasagot na sana sila ng biglang dumating sina Klea at Cytheria. Hm, may kasama pa pala sila.
"Hi sa inyo!" masiglang wika ng isang lalaki. Maputi at medyo chubby.
"Hi Denry!" bati nina Danica at Akie.
"Hi Ayura!" bati ng Denry daw sakin. Tumango lang ako sa kanya.
"Hi Ayura!" napatingin ako sa tatlong lalaki na nasa likod nila Cytheria. Tumango lang ako sa kanila.
"Ang cool mo talaga! Ate!" Tumingin naman ako sa isang babae sa tabi ni Denry.
"Ang ganda mo pa!" lumipat ang tingin ko kay Kirby.
Tsk.
"Tss." padabog na umupo si Leslie.
Pinaningkitan ko sila ng tingin.
Aish! Ang weird ng feeling ko ngayong araw."Hindi ba kayo uupo?" tanong ko. Dali dali naman silang umupo. Ang weird din nila.
"Nakakatakot din pala siya." tumingin ako sa isang lalaki na katabi ni Klea.
"Sadyang duwag ka lang." wika ko. Napatingin silang lahat sakin.
"Bakit?" tanong ko.
"W...wala n...naman." sabay sabay na sabi nila. Tsk. Ang weird.
Bumili na sila ng kanya kanyang pagkain. Pagkatapos ay bumalik sila sa table namin. Nagkwentuhan lang sila. Samantala ako ay tahimik na nakikinig sa kanila.
"Ayura..." napatingin ako kay Clerxiene na nagsalita. Princess Clerxiene pala dahil prinsesa siya ng kaharian.
"Bakit?" tipid na tanong. Tumahimik ang buong paligid. Parang may hinihintay sila.
"Ahm. Kulang kasi ng member ang MClub. Balak ka kasi naming yayain na sumali sa grupo namin." tahimik lang ako. At hinihintay na dagdagan niya ang sasabihin niya.
"Wala na kasing Secretary ang Club. Dahil nakagraduate na siya. Gusto namin na ikaw ang pumalit sa kaniya." sabi niya.
"Okay.." lahat sila ay napangiti pwera lang kay Leslie.
"Hindi ka manlang ba magtatanong kung ano ang MClub?" bored na tanong niya at umirap sa kawalan. Tsk.
Napahawak ako sa ulo ng biglang may magFlash na naman sa isip ko. Pero agad ding nawala.
"MClub..." lahat sila ay nakatingin sakin.
"Kung wala ka namang alam sa MClub, pwede ka ng umayaw sa offer ni Princess Clerxiene." sabi ni Leslie.
"Shut up, Leslie. Paano niya malalaman ang about sa MClub kung bago lang siya at wala pang nagsasabi sa kanya tungkol sa Club." sabi ni Kirby. Napa tiim bagang si Leslie.
"Okay, Fine. Tsk." inis na sabi ni Leslie.
"Ikaw na ang mag explain ng MClub kay Ayura. Les." utos ni Denry.
Napairap siya sa kawalan bago magsalita.
"Ang MClub..." hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"MClub o Mission Club. Ang mga member ng Club na ito ay tumatanggap ng iba't ibang misyon. Mapa dito man o sa mortal world. Ang dating president ng MClub ay si Miyukii Ayelle Frost at ang Vice president ay si Dylan Clyde Harvaux na ngayon ay King of Veirsaleiska Kingdom. Si Queen Herxhiene Elleine Madrigal naman ay dati ring member ng MClub. Nang magkaroon ng war between Veirsaleiska and Dark Shadows, namatay si Miyukii na President. Hindi sila nakapagdecide kung sino ang papalit. Kaya nung time na yun ay walang naging President ang MClub. Pero ng makagraduate sila ay nalipat ang kanilang posisyon sa iba. At ngayon ay kayo." hindi ko napigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Parang may sarili itong isip.
Napatingin ako sa kanila. Lahat sila ay nakatingin lang sakin. Parang lumutang ang isip nila.
"Hey!" wika ko sa kanila pero nakatulala pa rin sila. Iniwagay way ko ang kamay ko.
"Waaaaahhhh"
"Aaaaahhhhhh!" sigawan nila.
Iniwagayway ko ulit ang kamay ko.
"SHUT UP!" napatigil sila sa pagsigaw.
"Putsa! Illusion lang pala!" hinihingal na sabi ni Danica.
"Akin na! Tubig ko yan."
"Akin yan!" napatingin ako kay Cytheria at Denry na nag aagawan sa tubig.
Itinaas ko ang palad ko at naglabas ng tubig. Itinapat ko ito sa kanila.
"Fuck/Shit" sabay silang napatayo sa kinauupuan nila.
"Ano bang problema mo Ayura?" tanong ni Leslie. Tumingin ako sa kanya.
"OMG! YUNG BUHOK MO ULIT!" gulat na sabi ni Danica.
"OMG! OMG! OMG! TALAGA!" napairap ako sa sinasabi nila. Hinawakan ko ang buhok ko para malaman kung totoong nagbago ang kulay nito.
"OMG! ATE MIYUKII?" tumingin ako sa likod ko.
"Lux Dale Orlando, Victorique Park." napahawak ako sa ulo ko. Ouch! Bakit ko sila kilala?
BINABASA MO ANG
Veirsaleiska Academy: School Of Immortals
FantasyAyura Reign isang simpleng estudyante sa mundo ng mga mortal. Ngunit simple nga lang ba talaga siya? O, may tinatago pang katauhan sa kanya? Paano kung hindi talaga siya ang inaakala niyang siya? Paano kung ang kinalakihan niyang mundo ay hindi ta...