CHAPTER TEN

3.5K 124 0
                                    

Chapter 10: Lake of Past
~~~

Ayura's POV

"Saan ka nga galing kagabi?" panglimang beses na tanong ni Danica. Umirap nalang ako at hindi siya sinagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila.

"Nako nako nako! Naglilihim ka na samin ah!" sabat naman si Cyth.

Silang dalawa lang ang nangungulit. Si Klea kasi tahimik lang na nakaupo sa tabi ko, mukhang malalim ang iniisip.

"Daliii na kasii girl! Sabihin mo na!!" pag iinarte ni Danica.

"Nagtraining lang naman ako..." hindi ako natapos dahil sa pagsabat nila.

"Ng mag-isa?"

"Ng gabi?"

Imbis na mainis ako sa kanila. Sumilip ang isang ngiti sa labi ko, hindi ko alam kung bakit.

"May kasama ako! Mukhang tanga naman kung magtetraining ako mag-isa." wika ko.

"Wait..wait..wait.. May kasama ka?" sabay na sabi ng dalawa at tango nalang ang naisagot ko.

"SINO?" sabay ulit nilang tanong.

"Si Sir Ezekiel."

"WHAT?!?!" napatingin ako sa kanila dahil sa lakas ng boses nila. Tsk. Speech choir?

"Sino nagyaya? Girl dali answer me!" desperado talaga 'tong isang to.

Sumandal ako sa sandalan ng sofa bago siya sinagot. "Siya."

At dahil sa sagot ko hindi na sila natigil sa pagtatanong. Aish! Mali yata na sinagot ko sila. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng dorm. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.

Danica's POV

Oh! Lalalala! Nagalit ata si Ayura girl.

"Nainis na yata. Tanong ka kasi ng tanong eh!"

"Hiyang hiya naman ako sa pagiging tahimik mo Cyth, eh no." sarcastic na sabi ko.

"Gosh! Yari tayo pagbalik niya." napaupo siya sa sofa na katapat ko. Pipikit na sana ako ng magsalita ulit si Cyth.

"Klea, kanina ka pa tahimik ah?" tanong niya. Nabaling din ang atensyon ko kay Klea. Ang tahimik nga niya, kanina pa.

"May problema ka ba?" tanong ko naman. Tinignan niya lang kami pero hindi siya sumagot. Nagkatinginan kami ni Cyth. Bakit parang wala siya sa sarili.

Ayura's POV

Malayo layo ang nalakad ko. Kapagod!
Naupo muna ako sa ilalim ng puno na nasa tabi ng isang lawa.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagiging relaxing ng paligid. Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

Nagising ako sa isang maliwanag na lugar. Sobrang liwanag, wala na kong makita dahil nakakasilaw sa mata.

"Miyukii." nagitla ako ng may tumawag sa pangalan ko. Hindi pamilyar ang boses niya kaya hindi ko makilala.

"Miyukii." napailing ako ng ilang beses. Bakit ko ba iniisip na ako si Miyukii?

"Miyukii.."

"Sino ka? Nasaan ka ba?" lakas loob na tawag ko sa kung sino man ang sumasambit sa pangalan na Miyukii.

"Sa may lawa." sagot niya. Hindi tulad kanina, ngayon ay malinaw ko ng nakikita ang paligid.

Lumakad ako papunta sa lawa. May isang babae ang nakaupo sa gilid.

Veirsaleiska Academy: School Of ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon