CHAPTER TWELVE

3.3K 111 7
                                    


Chapter 12: Strange feeling
~~~~~

Ziekiah's POV

Maluha luha akong lumapit kay Ina. Grabe after 18 years makakasama ko na siya! Kakaibang saya ang nararamdaman ko. Dati si Ishna lang ang kasama ko, ngayon makakasama ko na si Ina at Ama.

"Ina!" nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay hinagkan ko agad siya.

"Mama is better." nakangiting niyang sabi.

"Okay po, Mama."

"Ama tara dito." tawag ko kay Ama. Ngumiti siya at lumapit samin.

"Papa is better." napasimangot si Mama ng gayahin siya ni Papa.

"I can't believe it. Hindi ako makapaniwala na nagka anak tayo." umupo si Mama mula sa pagkakahiga.

"Me too, at mukhang minana ang ugali mo,Ezekiel." ngayon ko lang napansin na maluha luha ang mata ni Papa. Samantalang si Mama, wala lang.

"Aish!" ginulo ni Papa ang buhok niya kaya napatawa kami sa kanya.

Maya maya ay bumukas ang pinto. Maraming pumasok at hindi ko kilala. Si Sir Hyrum at Miss Rona lang kilala ko.

Lumapit sila kay Mama at niyakap nila ito. Sa tingin ko ay hindi na siya makahinga.

"We missed you, Ate Miyukii!" sabi ng isang babae habang umiiyak. Nahahawa ako sa pag iyak niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagluha ko.

"Huy! Renesmie, tumigil ka nga! Nakakalimutan mo yatang empathy ang power mo!" inis na sambit ng babaeng katabi niya.

"Whatever, Ayhela." sagot naman niya at tumigil sa pag iyak. Nakaramdam naman ako ng pag gaan ng pakiramdam.

"Here." napatingala ako ng may mag abot ng panyo sakin. "T-thanks." kinuha ko ang panyo at agad na pinunasan ang luha ko.

"Mukhang marami pang emosyon ang ilalabas ni Renesmie, kids lumabas muna kayo." sabi ng isang lalaki na katabi ng isang babae na may pulang buhok.

"Diba dapat si Renesmie ang palabasin?" napaisip ang ilan sa sinabi ni Ayhela.

"Hoy grabe kayo sakin!" sabi naman ni Renesmie.

"Let's go." hinila niya ako palabas.

"By the way, Im Clevin Xander Harvaux. And you are?" inilahad niya ang kamay niya sakin at agad ko namang tinanggap. Pero ng muli kong mahawakan ang kamay niya, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. I dunno why. Aish.

"Ziekiah Zayurii Frost-Martinez." ngumiti ako sa kanya.

"Hm, anak ka ni Tito Ezekiel at Tita Miyukii?" tumango ako sa kanya.

"Nice to meet you, Kiah."

"Nice to meet you too, Xander." ngumiti ako sa kanya at ganon din naman ang ginawa niya.

"Huy! Kuya ano yan?" napatingin kami sa gilid namin.

"Clerxiene?" ngumiti lang ito sa kanya.

"Hi! Im Clerxiene Dayle Madrigal-Harvaux, younger sister ni Clevin." ngumiti siya sakin at nilahad ang kamay. Aabutin ko na sana pero hawak pa rin ni Xi ang kamay ko.

"Huy! Kuya, Bitawan mo naman kamay ni Kiah makikipag shakehands ako." agad namang binitawan ni Xander ang kamay ko. Kaya nakipagshakes hands ako kay Clerxiene.

"Huwag mo siyang tawaging Kiah." inis na sabi niya at naglakad paalis.

"Mukhang gusto ka ni Kuya. Haha!"
Nahiya naman ako sa sinabi ni Clerxiene. "Ziekiah Zayurii, diba?"

Miyukii Ayelle Frost POV

"So ganon? Tinulungan ka ni Ate Keirna at Bryan?" tanong ni Queen Herxhiene.

"Ganun na nga. Malaki ang utang na loob ko sa kanila." dahil kung hindi dahil sa kanila, baka nga wala na talaga ako pati ang anak ko.

"Yung dalaga kanina, siya yung anak niyo?" tanong naman ni King Dylan.

"Yes, siya nga." ngumiti ako ng maalala si Ziekiah. Nakuha niya ang kulay ng buhok ko dati, light violet.

"Mukhang hindi tayo mahihirapan na, ipagkasundo ang dalawa. Mukhang gusto ni Clevin ang anak niyo." ngumiti si Dylan ng nakakaloko.

"Huwag mo lang subukang i set up, sina Ziekiah at Clevin." natatawang sabi ni Ezekiel.

"Pero teka.. It's nakakapagtaka lang, Ate Miyukii ah. Paano ka nanganak? I mean, diba you're dead na. Nakita ng two pretty eyes ko na tinamaan ka ng power ng King ng Dark Shadows. So paano yun? Gets niyo ba?" maarteng tanong ni Lux. Yung iba parang nag iisip din. Pero sigurado akong hindi rin nila naintindihan.

"Bago tuluyang mawala ang kapangyarihan ko. Nakagawa pa ako ng Clone at yung totoong ako ay naglaho. Maski ako ay nalilito kung paano ako naglaho, that time." ngumiti ako sa kanila. Sila naman ay tahimik na tumutulo ang luha.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Herxhiene habang umiiyak siya.

"S-sorry! Sorry! Miyukii,dahil sakin nangyari ang lahat ng yon sayo! Sorry hindi ako nakinig sayo! Sorry talaga!" sabi niya sa pagitan ng paghikbi. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Nawala ang pagkaginto ng mata siya at napalitan ng itim na punong puno ng emosyon. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot, saya. ay ewan! Halo halong feeling.

"Ssh..wag ka na umiyak. Buhay na buhay ako ngayon." tumawa ako sa kanya at hinigpitan ang yakap.

"Pero...dahil sakin. 18 years mong hindi nakasama si Ziekiah." humiwalay siya sakin at tinignan ako sa mata. Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Hindi mo kasalanan. Kasalanan ng mga Dark Shadows na humarang sakin sa mundo ng tao." ngumiti ako sa kanya. Ngayon lang ako nakapaglabas ng ganitong emosyon.


"Pero hindi ba ang sabi sa propesiya. Kapag siya ay nakabalik, panibagong digmaan ang sisiklab." tanong ni Ayhela. Napatingin naman kami kay Herxhiene.

"Magaganap na ba ang digmaan?" tanong ko.

"Hindi pa ngayon. Dahil hindi pa 'to ang tamang oras." ngumiti siya sakin na nagpagaan ng loob ko.

"Buti naman. Nga pala maiba tayo." nagkatinginan sina Beatrix at Renesmie bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Kailan ang kasal niyo ni kuya Ezekiel?"

"oo nga noh!"

"Kaya nga! kailan?"

"Oy! invited ang lahat!"

"Excited na me sa kasal niyo!"

"So kelan nga?"

Inulan kami ng tanong kung kailan gaganapin ang kasal. Hindi naman ako nakasagot. Naalala ko, noon pa namin pinagplanuhan ni Ezekiel ang magpakasal.

"Bukas." seryosong saad ni Ezekiel kaya napatingin ako sa kanya.

"Seryoso? oy! masyado yatang mabilis." wika ko at pabirong hinampas siya sa braso.

"Bakit? Matagal ko ng hinintay ang maikasal tayo." aniya at niyakap ako. Narinig ko pa ang kantyaw ng mga kaibigan namin pero hindi namin iyon pinansin.

Masaya ako. Masaya ako na kapiling na kita muli, Ezekiel.

*BOOOOGGGSHH

Nawala ng parang bula ang ngiti sa mga labi namin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Shit!

"Ziekiah!" sigaw ko sa pangalan ng aking anak. Agad siyang pumasok sa silid kasama ni Clerxiene.

"Mama, ano yung pagsabog?" takhang tanong niya.

"Dito lang kayo. Ako na ang mag checheck." wika ni Dylan.

"Teka, sasama ako."wika ni Ezekiel at tumango naman si Dylan. Sabay silang nagteleport at tuluyang naglaho sa paningin namin.

"Magiging maayos din ang lahat." mahinang sambit ni Herxhiene habang nakapikit.

Napahawak ako sa aking dibdib. wala namang mangyayaring masama, diba?

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Veirsaleiska Academy: School Of ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon