Chapter 17: Suspicion

72 2 0
                                    

~~~~~~°*°~~~~~~
Colton East Pov
~~~~~~°*°~~~~~~

"Uy, Kheira alam mo ba kung saan pupunta si Lyssa?" tanong sa kanya ni Brey. Huminto kasi kami sa paglalakad ng madinig namin ang pag sigaw ni Claude. Nilingon namin sila-ay, siya pala. Si Claude na lang kasi ang nasa hulihan namin. Tinignan namin kung san siya nakatingin at nakita namin ang likuran ni Lyssa na papalayo na. Tumatakbo kasi siya.

Napakunot ako ng noo, kasi bigla na lang siyang tumakbo ng walang pasabi eh.

"Hindi ko alam eh. Baka may gagawin siya." nabaling ang tingin ko kina Brey na kausap pa din si Kheira.

"Tara na. Hayaan na natin siya baka may importanteng gagawin pa yun." sabat ni Rohan at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Sinabayan niya si Claude, nauna na samin. Mukhang badtrip dahil di siya pinansin ni Lyssa haha. Ang epic nun. Lagi kasi silang magkasama at laging magkatabi na kulang na lang eh mag dikit na lang silang dalawa. Pfft.

Nagpatuloy na din kami sa paglalakad at sumunid sa dalawa. Takte! Di ko mapigilan di matawa sa nangyari kay Claude. First time siya dineadma ni Lyssa. Naramdaman kong may sumiko sa tagiliran ko pagtingin ko si Elshan na nakanguso. Tinignan ko yung nginungusuan niya at wala sa oras na napalunok dahil sa talim ng titig sakin ni Claude. Ha ha! Sabi ko nga tatahimik na ko.

Nagpeace sign ako sa kanya sabay ngiti ng pilit.

"Tss."

Napahinga ako ng maluwag ng inalis na niya sakin ang tingin sa wakas. Kung nakakamatay lang yung tingin panigurado kanina pa ko nakabulagta.

"Kaw kasi eh. Masyadong maingay mag isip. Baka nakakalimutan mo nakakabasa yun ng isip. Tsk. Tsk. Pinapaaga mo ang pag punta mo sa impyerno." pailing iling na sabi ni Elshan.

"Lol! Sa gwapo kong to! Diretso na agad ako sa langit nuh!"

"Haha. Sige lang paniwalain mo ang sarili mo hanggat di ka pa nagigising sa katotohanan."

"Tsk. Kahit ano sabihin mo sarili ko lang ang pinaniniwalaan ko no. Tsaka aminin na nating habulin talaga ako ng mga chix."

"Kaya pala humangin. May nagyayabang na naman." sabat bigla ng sumulpot sa gitna namin ni Elshan. Si Breya lang pala, sabay namin siya inakbayan ni Elshan.

"Ano ba tanggalin niyo nga yan! Ambibigat ng braso niyong dalawa!" sabi niya habang sinusubukan tanggalin ang pagkakaakbay namin sa kanya. Natawa namin kaming dalawa ni Elshan sa reaksyon niya. Well, sanay na kami sa ugali niya, ganun na din sa iba pang Royal Superior.

Nagkukulitan lang kami hanggang sa makarating sa dorm namin. Syempre kasama pa din sina Kheira at Leonie.

"Sian kaw na bahala maghanda." utos sa kanya ni Chynna na sinagot naman ito ng tango.

Lahat kami dumiretso sa living room at kanya kanyang pwesto. Si Claude naman dumiretso sa kanyang kwarto. Tsk. Halatang wala sa mood dahil wala si Lyssa.

"Uy Kheira, hindi mo ba talaga alam kung san pupunta si Lyssa?" tanong ulit sa kanya ni Breya. Umiling lang ito mukhang wala ngang kaalam alam.

"Hindi kasi nag sasabi si Lyssa ng gagawin niya at saka ayaw ko ding mag tanong sa kanya. Kahit mag kaibigan kami binibigyan ko pa din siya ng privacy. Respeto na din para sa kanya. Kung sasabihin niya sakin ang ginagawa at gagawin niya, nakikinig ako at kung ayaw niya okay lang naman sakin yun. Nasa sa kanya pa din ang desisyon." seryosong sagot niya samin na ikinatahimik namin.

Alam ko lahat kami maraming gustong malaman sa pagkatao ni Lyssa at nangunguna ako dun. Kaso pigil ako sa pagtatanong dahil baka makatikim ako kay Claude eh haha.

Eternal Fantasy | : Goddess' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon