Lyssa Pov
Nakabalik agad kami ng Academy kahapon. Yep, kahapon din kami umalis para sunduin si Master Deven. Nagpahinga lang kami siguro ng isang oras then balik Academy na kami.
Sa office na din kami ni Headmistress iniluwa ng portal. At nakangiting mukha ni Headmistress ang bumungad samin.
Nagbatian ang dalawang Master at nagkwentuhan. Kaya pinabalik na kami sa dorm namin para makapag pahinga na din daw kami. Dahil sunod sunod din kasi ang mission namin.
And now, andito kami sa room at katulad ng dati nagkukulitan sina Colton habang wala pang Prof. Tahimik lang din kami ni Finn na nakaupo dito sa likuran. Nakita ko rin pala kanina umaga si Master Deven. Magiging instructor na din daw siya dito sa Academy. Lalong lalo na sa section namin pero ako pa lang ang nakakaalam nun.
Maya maya pa ay dumating na ang Prof namin sa Weapon subject namin.
"Ehem. Class listen! We have a new transferees so please welcome them okay?" biglang sabi nito. Nagbulong bulungan naman ang mga classmate ko.
"Sshh! Quiet class! Please pumasok na kayo." saad nito at may pumasok na tatlong estudyante. Dalawang babae at isang lalaki.
"Please introduce yourself." sabi ng Prof sa tatlo.
"Hi! Im Venice Craile. 18 years old. Please be nice to me." masayang sabi niya saka nagbow. She have a wavy dark brown hair and almond eyes. Nakangiting nilibot niya ang tingin niya sa buong room then huminto ang mata niya kay Finn at mas ngiti ng malawak.
"Waaaahhh!!! Claude I miss you!!" sigaw niya at tumakbo papunta sa direksyon ni Finn which is katabi ko lang. Nang nasa natapat niya na to bigla niya na lang itong dinba ng yakap. Napaurong pa ko ng konte dahil muntikan na kong masagi. Tinignan ko si Finn poker face lang at walang pakialam sa pagyakap sakanya ni Venice.
"Ehem. Ms. Venice please take your seat." pang agaw ni Prof ng pansin ng lahat ay nakatingin sa dalawang magkayakap. Tss.
"Ah hehe. Sorry po." nahihiyang ngumiti ito sa Prof namin at umupo sa tabi ni Finn at niyakap ang braso nito. Napataas lang ako ng kilay dahil dun.
"Uy Claude! Di mo ba ko namiss?" nakangusong tanong ni Venice kay Finn. Tsk. Di na ko tumingin sa dalawa dahil masakit sila sa mata. Binalik ko ang tingin ko sa harap nang magpakilala yung babaeng may black hair na hanggang bewang ang haba at itim na itim na mga mata.
"Hi! Im Zoerin Frein. You can call me Zoe. 20 years old. Please to meet you." mahinhing pakilala nito sabay bow. Nakita ko kung paano mamula yung ibang mga lalaki lalo na sina Jaxson at Axel.
"Zeniel Frein. 20." tipid pakilala nung lalaking may dark hair at dark eyes.
Psh. Kung hindi ko lang kilala ang dalawang to paniguradong maniniwala na ko sa kanila. Lakas talaga ng trip ng kambal na to.
Pansin ko pa ang pag ikot ng tingin din ni Zen sa buong room at tumigil sa pwesto ko at ngumiti pa siya ng bahagya na ikinalingon ng iba lalong na si Finn at tinignan ng masama si Zen.
"Okay, you may take your seat Zoe and Zeniel." utos ng Prof sa kanila. Dumiretso sila sa bakanteng upuan na nasa harap ko at dun umupo. Simpleng tumingin sakin si Zoe at yumuko ng koni bilang pag galang.
Tsk. Kelangan ko silang makausap kung bakit sila nandito.
Nagsimula ng magturo ang Prof pero di ako nakikinig at nakapahalumbaba lang ako na nakatingin sa labas ng bintana.
"What the hell are you two doing here." tanong ko sa kambal through mind.
"King and Queen order, Lyssa." sagot ni Zoe. Bumungtong hininga ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
Eternal Fantasy | : Goddess' Fate
FantasyA journey of a Goddess. Wherein she will fight against the King of Darkness. For she will be able bring Peace to her own world. But she have to complete the 5 Magical stones first. That only her can used its power. In Magic Academy, where she will s...