Chapter 27: Mission(Part 2): The Second and Third Stone

26 2 0
                                    



Chapter 27: The Cursed Earrings





Third Person Pov







*BooooOOMM!!!*





Isang nakakabinging pagsabog ang gumulantang sa lahat ng taga Clavias City.

Sa bahay naman ng mga Garnum. Napatayo ang mga taga M.A dahil sa nadinig nilang pagsabog.

Ang totoo niyan, kanina pa sila nababahala dahil kalahating oras na mula matapos ang dalawang oras na palugit sa kanila para sa kanilang pag iikot sa loob ng City. At lahat nag aalala lalo na ang Fire-Ice Prince na si Claude Finn dahil si Lyssa na lang ang hindi pa nakakabalik.

"Si Lyssa!" tarantang sigaw ni Breya kaya lahat sila nag tinginan.

"Fuck!" mura ni Claude sa sobrang pag aalala. Mabilis silang lumabas lahat ng bahay. Kahit ang mga nakatira rin sa City ay lumabas sa kanya kanya nilang bahay para alamin ang nangyayari.

"Galing sa Clave Forest!" di makapaniwalang sigaw ni Freele kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"Mr. Arthur! Sa Clave Forest po!" muling sigaw ni Freele na nakatayo sa bubong ng bahay ng mag asawang Garnum.

Nagulat naman si Mr. Arthur sa sinabi ng binata.

"Damn! Freele!! Ana!! Papuntahin niyo lahat ng mamamayan sa Safe zone!"utos ni Mr. Arthur na mabilis namang sinunod ng dalawa. Mabilis ang mga itong tumakbo.

"Mga taga M.A nakikiusap ako kelangan ko ang tulong niyo." sabi ni Mr. Arthur kina Claude.

"Ano pong meron Mr. Arthur?" mahinahong tanong ni Rohan kay Mr. Arthur.

"Clave Forest, isang napakadelikadong gubat. Wala ni isang nakakaalam kung ano meron sa loob ng gubat dahil lahat ng nakapasok dun ay di na nakakalabas pa. Kaya wala ng nagtangkang pumasok pa dun. Pero di ko aakalain na papasok ang isa sa mga kasamahan niyo dun. Kasalanan ko to, patawad dahil di ko kayo nabalaan tungkol sa Clave forest." mahabang paliwanag ni Mr. Arthur.

"Stop the chitchat. Lyssa needs us now." biglang sabat ni Claude kaya napatingin sa kanya pero likod na lang niya ang nakita nila dahil mabilis na itong tumakbo papunta sa may Clave Forest.

"Okay lang po Mr. Arthur. Kami na po ang bahala dito. Pumunta muna kayo sa ligtas na lugar." sabi ni Rohan saka sila nagsimulang tumakbo at sumunod kay Claude.

"Mag iingat sana kayo." tanging bulong ni Mr. Arthur sa hangin tinitignan ang mga papalayong mga estudyante ng M.A.

Worried is written all over the face of the Fire-Ice Prince. At kaba, dahil baka may kung ano ng nangyari sa nag iisang babae na pinakamamahal niya.

Mas binilisan nila ang pagtakbo nila papuntang Clave Forest. Pero nang makarating sila, lahat sila napapanganga sa nakita nila. Isang napakalaking gorilla na may mga paa ng isang gagamba.

"What the!!!" di makapaniwalang sabi ni Colton.

"Is that a half-gorilla, half-spider?!" di din makapaniwalang tanong Breya.

"The hell!! Saan nanggaling ang isang iyan?" nanlalaking mata na sabi ni Elshan.

"Guys! Look!" tawag ni Rohan sa kanila. At napatingin sila sa tinuturo ni Rohan. Napamura silang lahat sa nakita nila.

Si Lyssa, na napupulutan ng sapot ng gagamba ang buong katawan, except sa kanyang ulo. At nakadikit siya sa pinaka sentro ng ginawang spider web ng dambuhalang halimaw.

"Shit! Lyssa!" nanggigil na sigaw ni Claude Finn.

"Gosh! Si Lyssa!" nag aalalang sabi Chynna.

"We have to do somathing!" tarantang sabi ni Heitor ng makita nilang papalapit na ang halimaw kay Lyssa.

Eternal Fantasy | : Goddess' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon