A/N:Sorry kung may ganito pa.
It's just a short reminder.·For updates~ I'll post my updates every 15 & 30 of the month.
·Chapters~ 2 to 3 chapters every updates.
·Language~ again bear with my typos and wrong grammar. Author will just edit it, if I have time.
·Lastly~ Author is just a beginner writer so please don't expect too much. Though I'll do my very best for you to enjoy my story.
·And pahabol ni Author~ this chapter has a multiple Povs so be ready guys.
That's all thank you!
And enjoy! ^_^
***************
~~~~°*°~~~~
Lyssa Pov
~~~~°*°~~~~Waah! Ang cute naman pusa lang pala yung kumakaluskos.
Mabilis ko itong nilapitan at hinagod ang ulo niya. Akala ko kakalmutin ako hindi naman pala hinayaan niya lang ako na haplusin siya at mukhang tuwang tuwa siya sa ginagawa ko.
*meow!*
"Lyre! Anong ginagawa mo dito ha!" sigaw ni Violet kaya napatingin kami sa kanya.
"Kilala mo siya Violet?" takang tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Lahat kilala siya dito!" sagot nito habang naka cross arms pa.
"Lahat?"
"Yeah! Yang pusang yan ang Guardian nitong Mystique forest!" ang taray nitong si Violet. Parang may tension sa pagitan nilang dalawa.
"Pwede ba Violet hindi naman bawal na maglibot libot ako dito sa forest no! Tsaka ano ngayon kung andito ako ah!" sigaw na sagot ni... sino nga tong pusa na to?
"Huh! Ang sabihin mo nag ieavesdrop ka lang."
"Teka lang! Tumigil nga kayong dalawa! At ano nga pala ulit pangalan mo?" tanong ko sa pusa na karga karga ko.
"Lyre, Princess." sabi nito at biglang tumalon mula sa pag kakakarga ko.
"The Guardian of this Forest. It's nice to finally meet you, Princess Lyssa." at bigla itong nag liwanag katulad ng nangyari kay Violet kanina.
Nang mawala ang liwanag nakita namin ang isang malaking itim na pusa. Kasing laki ng mga werewolves, though pusa si Lyre. Haha. Ano kaya magiging reaksyon nitong si Lyre pag nalaman niyang sa isang werewolves ko siya inihambing. Pfft.
Lyre is a black cat with blue eyes and a two tails. And it's tail has a blue flame at the tip of it's tail. Ang cute ni Lyre parang gusto ko na ding iuwi siya eh. Kakagigil siya.
"Wow! Lyre ang ganda ng form mo na yan." Masaya kong sabi sa kanya. Bigla namang yumuko si Lyre na ipinagtaka ko.
"Bakit ka nakayuko Lyre?"
"That's his way to show you a respect Lyssa." sagot ni Violet. Okay, wag malito Violet is a she and Lyre is a he.
"Oh okay! Umayos kana Lyre." sabi ko umayos naman ito ng tayo at lumapit sakin. Di ako nagdalawang isip na haplusin ang furr niya. Ang lambot sarap hawakan.
"Tara na po Lyssa. Medyo malayo ng konti dito yung tirahan ni Rius eh." sabi ni Violet. Kaya tumingin ako sa kanila at tumango.
Nagsimula na kaming maglakad. Katabi ko si Lyre na nasa kanan ko at si Zen na nasa kaliwa ko habang nasa unahan namin si Zoe at Violet. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Zen ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Eternal Fantasy | : Goddess' Fate
FantasíaA journey of a Goddess. Wherein she will fight against the King of Darkness. For she will be able bring Peace to her own world. But she have to complete the 5 Magical stones first. That only her can used its power. In Magic Academy, where she will s...