Chapter 29: Saving Master Deven

44 1 0
                                    

Lyssa Pov

"Lyssa, Baby. Wake up." isang malamyos na boses ang nadinig ko habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Hmm."

"Come on,Baby. Wake up. We'll going to save your Master right?" sabi ulit ng boses kaya unti unti kong minulat ang mata ko at isang anghel agad ang nakita ko.

"Hmm. Anong oras na ba?" tanong ko sabay upo na inalalayan niya naman ako.

"3:00 in the afternoon. Prepare yourself, then we'll go to Headmistress okay?" utos niya na ikinatango ko.

"I'll go too and prepared. We'll wait for you in the living room." sabi pa nito at tumayo na pero bago siya umalis ay hinalikan muna niya ko sa noo.

Nang makalabas na siya eh agad akong tumayo at kumuha ng damit sa walk-in closet at dumiretso ng banyo. Nang matapos akong maligo at makapag bihis lumabas agad ako ng kwarto at bumaba.

Nasa sala na silang lahat at ako na lang ang hinihintay.

"Goodluck, Lyssa." sabi ni Kheira at Leonie. Tango lang ang sagot ko.

"Let's go." sabi kina Finn.

"Bye, guys. Sana makabalik kayo agad." pang gogoodluck ni Breya samin nung nasa pinto na kami. Lahat sila nakatingin saming lima.

"Naman, kami pa." mayabang na sagot ni Colton.

"Tse! Kahit wag na ikaw." sabat naman ni Breya habang nakasimangot.

"Hahaha." tawa lang ang sinagot ni Colton sa kanya.

"Tss. Let's go." utos ni Finn saka ako hinila paalis sumunod na din yung tatlo.

"Bye! ingat kayo!" sigaw pa nila.

Mabilis naman kami nakarating sa office ni Headmistress.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." sabi ni Headmistress kaya nagsipasukan na kami.

"Good that the five of you are here." sabi ni Headmistress nung makalapit kami sa kanya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa may painting ng oak tree.

"Come here guys." kaya lumapit naman kami sa kanya.

"Alam niyo na kung ano ang mission niyo diba?" tanong niya kaya tumango lang kami. "All you have to do is to save and bring Master Deven here in the Academy, got it?" tango lang ulit ang sagot namin. Para tuloy kami mga aso tango ng tango.

"Good. Now go and take care." sabi niya sabay hawi patagilid ang painting sa kaliwa at nagkaroon ng puting liwanag sa pader na sinasabitan mismo ng painting. Parang yung painting ang susi para mabuksan ang portal.

Naunang pumasok si Rohan sunod si Elshan at Colton. Tumingin muna ako kay Headmistress saka tumango.

"Mag iingat kayo." huling dinig ko sa sinabi niya ng tuluyan kaming makapasok ni Finn sa portal.

Pagkalabas namin ng portal sa mismong underground garden kami ng bahay ni Master Deven napunta.

"Woah! Ang ganda." di makapaniwalanh sabi ni Colton.

"Nice garden." segunda ni Rohan.

"Do you know where are we?" tanong ni Finn sakin kay tumango ako. Nakatingin din yung tatlo sakin.

"Underground garden sa mismong bahay ni Master Deven." sabi ko sa kanila.

"Let's go." sabi ko ulit at naglakad na papunta sa hagdan paakyat sa taas. Nakasunod lang sakin ang apat habang iniikot ang tingin sa bawat madaanan namin.

Eternal Fantasy | : Goddess' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon