Ako yung tipo nang babae na isang tingin mo pa lang masasabi mo na, "Ang ganda niya."
Yung tipong, gusto lahat ng mga lalake.
Yung tipong, malakas ang dating.
Yung tipong, dadaan lang ako sa harap niyo eh mapapasunod kayo ng tingin.
Yung tipong, akala niyo eh di nadadapuan ng lamok, which is true.
Yung tipong, parang prinsesa yung trato saken ng mga tao.
Pag may gusto akong isang bagay, nakukuha ko agad.
Mapabagay man yan o tao.
Pag may gusto akong lalake, nakukuha ko agad. Kasi, sila naman yung lalapit sakin.
Pag may umaaway naman sakin na babae, wala akong pake. Ang papanget niyo naman.
Mataas tiwala ko sa sarili ko.
Kase alam ko, maganda ako at mayaman.
Pero isang araw, kung kelan natamaan ako ng lecheng kupido na yan!
At nagkagusto ako agad sa isang mala-adonis na lalake...
Tsaka naman hindi gumana yung ganda ko! Pambihira.
Alam niyo kung bakit?
Well, eto lang naman yung sabi niya sakin...
"I don't like you. I'm gay."
Feeling ko nabagsakan ako ng maraming bato. Bwisit.
Pero syempre, magpapatalo ba naman ako?
What Charm wants, Charm gets. And gusto ko siya. Gustong-gusto.
"Ohh deary, You'll fall, eventually..."
Wala akong pake. This time, I'll do the courting.
BINABASA MO ANG
You'll Fall, Eventually
General FictionI'm Charmaine Concepcion. At meron akong motto sa buhay, "What Charm wants, Charm gets." I want him, so I'll get him. Buong buhay ko, lahat ng gusto ko, binibigay na sakin, siya lang yata yung di ko maabot-abot. Tss. Kaya nga wala akong pake...