Ang Pamimikot

51 1 0
                                    

OMG. OMG lang talaga. Kinikilig ako! No, hindi dahil kay Papa P. Kundi dahil sa attractions dito sa scream park! OMG lang. Andaming mga nakakatakot na nilalang ang nananakot at naglalakad in open! Grabe lang yung kilig na nararamdaman ko. Yung mga kasama naming babae sigaw ng sigaw. Ako eto, naka-kapit sa machong braso ni Papa P.

"Papa P! I'm so scared! Huhu T^T" Arte ko sakanya at nagkunwaring may mga luhang umaagos sa aking beautiful eyes.

Kaso pilit niya lang tinatanggal ang nakakapit kong kamay sa kanyang machong braso at ma-maskels. Shet na baklang 'to. Bakla ba talaga 'to? Parang nagwo-work out eh. Sabagay, madami na daw mga tulad niya na tambayan ang gym. Lol.

"Tigilan mo nga 'ko!" Bulyaw sakin ni Papa P sabay tulak sa kamay kong nakalingkis sakanya. Pero syempre 'no! Di ako magpapatalo. Ako yata si Charmaine Concepcion! Ang babaeng hindi siya titigilan hangga't hindi ko siya nakukuha! Bwahahaha!

"Babe naman, sorry na kasi!" Pasigaw kong maktol. Hihi. Gagawa nanaman ako ng eksena. Pero keri lang! Para naman 'to mapaibig sakin ang beloved Papa P ko.

"Ano nanaman bang pinagsasasabi mo?" He leaned forward and whispered. Grabe magpakilig 'tong baklang 'to! Sobra sobra! Pak na pak! Katulad ng maskels niya. Hihi.

"Sabi ko: I LOVE YOU, BABE!" Sigaw ko with matching tuck ng hair at nguso para ikiss ako ni Paul my labs. Hihi

"Shet ka talagang babae ka!" Napahawak si Papa P sa mga tenga niya dahil nabigla siya sa munting sigaw ko sakanya na masyadong masense. Naglalakad-lakad lang kami ngayon sa grounds ng scream park dahil pagod na mga kasama ko. Kanina pa ba naman kami pasok ng pasok sa kung anu-ano, e.

"Let go nga! Hindi ko mailabas wallet ko dahil sa echos mo eh!" Tinaas ko dalawa kong kamay in surrender at ilalabas ko na yung wallet ko para ako na lang magbayad. If I know, pipigilan ako niyan ni Papa P at sasabihing, 'Hindi pwede! Ako lalake! Ako magbabayad!'

Pero dahil nga bakla 'tong si Paul, nagpasalamat pa sakin at inirapan ako bago kunin yung binili niya. Well, okay lang naman since para naman sa future hubby ko yun.

"Patikim naman ako niyan, Papa P." Lambing ko sakanya habang nakalambitin parin ako sa maskels niya. Hihi. Ang daming tumitingin sakin at pati si Kuya Jay ay napapailing na lang sa mga ginagawa ko.

"Neto?" Ngumuso siya sa hotdog bun na hawak niya. Napakagat ako sa labi ko kasi nangangati na si lips na ikiss si Papa P.

"Pero tingin ko mas masarap ka?" Nag-wink pa ako kay Papa P pero ang natanggap ko sakanya? Isang irap at matinding pagwa-walk-out. Ang hirap paamuhin ng bebe ko pero syempre walang susuko hanggang hindi nakukuha ang bataan! Jk. #BirhenSiCharm

Narinig ko yung tawa ni Kuya Jay kaya hinarap ko siya habang pasimple kong iniinuman yung coke ni Paul. Hihi. Naughty.

"Hindi gumagana kay Paul my labs mga tactics ko, kuya." Umirap ako kay Kuya Jay. Of course I'm aware na hindi gagana yung mga tactics ko kasi bakla yung target but it's not wrong to try. Malay ko bang biglang magkaron ng miracle at kumagat ang bebe ko diba? I don't want to give up and give Paul up. Mehehehe. Harhar.

"Bakla nga kasi yun, Charmy." Natatawang sabi sakin ni Kuya Jay.

"I know pero just help me, okay?"

"Sure. Whatever suits you, my dear cousin."

Nakita ko ng bumabalik si bebe kaya pasimple kong inurong yung coke niya sa dati nung pwesto. Galing lang pala sa CR ang gaga. Kala ko tuluyan na siyang umalis sa buhay ko. Chos.

"Alam mo, nung umalis ka may narealize ako. Narealize ko na wala palang kwenta yung pangungulit ko sayo dahil kahit kelan man, hindi mo ako seseryosohin. Kami ng feelings ko." Ngumiti ako ng mapakla kay Paul. Syempre joke lang mga sinasabi ko. Part lang 'to ng plan. Bwaha!

You'll Fall, EventuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon