Ang Biglaang Alis

45 1 0
                                    



So far, malayo parin ang possibility na seryosohin ng bebe ko yung munting love story namin. Pero ano sa tingin niyo ang ginagawa ko? Aba, syempre, ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin!

Hanggang ngayon ay mailap parin ang bebe ko sa akin at kailangan na ng progress ng pag-ibig namin. Hindi ko alam na ganto pala kahirap paibigin ang isang taong wala namang interes sa'yo. Kahit sabihin mong maganda ka at mayaman kung ayaw naman sayo ay wala rin.

"Hay nako, Papa P." Tinitigan ko yung picture ni Papa P na nakahiga at labas ang abs sa cellphone ko. These past few days ay lagi akong nandun sa condo niya. Syempre sapilitan yon. Asa pa akong iwelcome ako with arms wide open diba?

Busyng-busy ako sa kakatitig at kakadrool sa picture ng bebe ko ng biglang may tumawag sa skype. Sila mommy at daddy. Hindi ko nga alam kung saang lupalop ng mundo sila ngayon dahil mahilig umalis yung dalawang yan para sa business nila.

"Baby!"

"Princess!" Sabay na bati sakin ng mga pinakamamahal kong magulang. Ngumiti naman ako sa screen. Nagpagupit pala ng buhok si mommy at blooming si mader!

"Kumusta na kayo diyan, mommy?"

"Eto, nakakuha kami ng mas madaming clients, Charm! Kaya nagcelebrate kami kanina ng daddy mo sa nearest beach. Kita mo ba new haircut ko?" At dire-diretso na ang kamustahan namin.

"May sinabi sakin kuya Chapin mo, Princess ah." Si daddy na paboritong tawag sakin ay princess. Ako daw kasi prinsesa niya. Nakakatawa kasi parang mas gusto sakin ni daddy kesa kay kuya. May pagkaseryoso kasi yung lalaking yun.

"Ano daw yun, dad?" Though may idea na ako kung ano.

"You have a boyfriend daw?"

"Yep!" Todo ngiti ako sa screen. Tinapat ko pa yung cellphone ko na may picture namin ni Paul. Sapilitan yung pagkuha ng picture pero nakangiti parin ang bebe ko. So handsome talaga.

"Nako. Baka naman siraulo yan ah?" Binibiro ako ni daddy sa tono niya pero halatang seryoso siya.

"Hindi po, daddy." Bakla lang.

"Nako, nako. Pag uwi namin dalhin mo yan sa bahay ah?"

"Siyempre, dad! Kilatisin mo ah!" Pagtapos ng ilan pang kwento ay binaba na namin yung tawag. Pagod na din kasi sila mommy at mukhang magiging busy nanaman sila bukas.

Sinarado ko nanyung skype at binuksan ko naman yung facebook. Nakita kong online si bebe ko kaya chinat ko.

Me: Bebe ko!

Seen 10:34pm

Me: Pag di ka nagreply, pupuntahan kita!

Paul Tamayo: Ano ba?!

Me: Miss na kita! :(

Paul Tamayo: Hindi kita miss.

Me: Aysus! Btw, hintayin kita bukas ah? :)

Paul Tamayo: Whatever. Matutulog na ako.

Me: Okay, bebe. I love you! Goodnight! Dream of me! Muah! :*

Seen 10:42pm

Tignan mo yang baklang yan! Kahit sa chat napaka sungit! By the way, madami na din akong nalaman about sa bebe ko. Una, hindi pala chinese surname ang Tamayo, spanish pala! Pangalawa, takot siya sa ipis! Nung nakaraan kasi sinubukan akong takutin ni kuya Chapin gamit yung plastic na ipis. Hindi ako natakot or nagulat kaya naman kinuha ko yung ipis at dinala sa condo nila bebe. Busy si Papa P sa kakalaptop nun at dahil dakilang pampam ako ay nilagay ko yung ipis sa loob ng damit niya. Ayun, nagtatalon at sigaw ng sigaw. Pangatlo, sanay matulog si Papa P ng topless. So sino ang natuwa? Ako malamang. Fourth, only child ang bebe ko so madaming expectations sakanya. Fifth, believe it or not, mahilig siya sa stufftoy.

You'll Fall, EventuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon