Dahil puro kalokohan lang ang storyang 'to at walang ka kwenta kwenta,
Charm: Bad ka otor!
Tingin ko mapapabilis ang update ko dahil nga, Walang KWENTA ang bida dito.
Charm: Ang sama mo! >:(
Puro lang naman paglalandi ng main character sa lalake ang magaganap dito...
Charm: Otor! Love Story namin ni my love so sweet 'to!
Tignan niyo? -_-
******
Charmaine's POV (Lagi naman yata -___-)
"So he's gay talaga?" Sinadya kong magconyo, baka kasi maging straight siyang guy pag nagiba ako ng ugali, Hihi.
"Uh-huh." Lahat sila nagsitanguan. Grabe naman! Kung kelan nahanap ko na yung lalaking este, yung taong para sakin tsaka pa magiging ganto? OMG lang talaga.
"Bakla ka ba talaga?" Tanong ko sakanya. Oo nga pala, ano nga pala pangalan neto? Kanina ko pa nilalandi kaso hindi ko parin alam pangalan niya. Busy kasi akong pahulugin yung loob niya sakin eh.
"Yes." Sagot niya. Langyang lalaking 'to. Oo! Ipagpipilit ko talaga na lalaki siya! Langya. Ang gwapo gwapo, bakla pala. Bakit ganun? T^T
"What's your name?" Tanong ko sakanya habang pinaglalaruan yung cookies. As far as I know, nasa entrance lang kami ng mall kanina, and biglang napunta kami dito sa starbucks. Lol.
Ayy. Oo nga pala, nilayo nila ako sa mga tao dahil gumawa ako ng eksena. Hihi.
"Paul." Sabi niya habang nakapoker face. Wala na siyang mata. Hihi. Bagay talaga ang genes namin sa isa't isa. Pakilala ko kaya siya sa buong angkan namin next week?
"Ahhhh..." Sabi ko with matching tango. Nako. Kailangan niyang makita bawat anggulo ko 'no! Baka mamaya maging lalake siya tulad sa ibang storya at happily ever after na kami with our babies!
Hmm. Siguro nga, pikutin ko yata 'to? O.o
"Kanina ka pa lapit ng lapit di mo naman pala alam pangalan ko?" Tinulak-tulak niya 'kong palayo sakanya. Hihi. Kanina pa pala ako nakakachansing sakanya.
"Charm." May tumawag sakin kaya sakanya nabaling yung atensyon ko at nabitawan ko si Papa P.
"Ohh?" Nakabusangot kong tanong sa lalakeng nasa harap ko ngayon.
"Woah! Chill. Kakamustahin lang sana kita." Ngumiti siya sakin. Kaya nginitian ko din siya. Dapat good girl ako, baka kasi good girls ang type ni Papa P eh.
"Ok lang ako, now, If you'll excuse me." Aambang aalis na sana ako papunta kay Paul na nakikipag usap sa mga lalake. If I know, nakikipaglandian lang yan. -_-
"Ah! Wait lang, Charm!" Sabay hatak niya sa braso ko. Alam niyo yun? Yung tulad sa mga movies tapos mags-slow motion ang lahat? Then may background music na sobrang sweet?
"Bakit?!" Singhal ko sakanya. Tsk. May pahawak-hawak pa kasi si Paul sa mga lalake. Shet! Kailangan ko ng pigilan ang namumuong masamang samahan! Para maagapan.
"Umm. May sasabihin sana ako sa'yo..." Binitawan niya braso ko at kinamot niya batok niya tapos ay tumingin siya sakin ng nahihiya.
Binaling ko yung tingin ko kay Paul at shet! Hawak hawak niya yung kamay nung lalakeng mukhang palaka! Shet.
"Um. Sorry, Xent. I need to go." Paalam ko kay Janxent at nagmadali na kong pumagitna kay lalakeng mukhang palaka at sa future genes donor ko.
"Hep hep!" Hinarang ko yung dalawang kamay ko sa pagmumukha nila at chinop ko yung magkalingkis nilang kamay. Tsk.
BINABASA MO ANG
You'll Fall, Eventually
General FictionI'm Charmaine Concepcion. At meron akong motto sa buhay, "What Charm wants, Charm gets." I want him, so I'll get him. Buong buhay ko, lahat ng gusto ko, binibigay na sakin, siya lang yata yung di ko maabot-abot. Tss. Kaya nga wala akong pake...