Nagising ako sa isang sigaw mula sa bebe ko. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko para tignan kung anong nangyayari pero nagulat ako nung nakatayo si bebs sa gilid ng kama at yakap yakap ang isang unan para takpan ang mahiwagang windchime. Napangisi ako at napakagat sa labi.
"Hoy! Ikaw babae ka! What have you done?!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Paul with duro effect pa sakin. Naginarte naman akong nao-offend.
"Ano kaba Pap--" Naputol yung sinabi ko.
"Don't call me that!" Namumula na yung ilong ni Paul pati ang mga mata niya ay nagtutubig. Trying hard ang drama ko para pigilan ang pagtawa.
"Okay fine, bebe ko. Ano ba kasing ikinapuputok ng butsi mo dyan?" Napahawak pa ko sa baba ko para kunwaring iniisip ko kung bakit siya nagkakaganyan. Ang lamig lamig pala dito sa condo ni Paul. Tinalukbong ko pa lalo yung kumot sakin. Hihi. Nakaunderwear ako pero feeling ko di alam ni Paul yun. Strapless yung bra ko so hindi niya talaga mapapansin. Puahahahaha!
"Anong ikinapuputok ng butsi ko?!" Inulit niya pa yung sinabi ko sakanya. Napakagat ako sa labi ko para pigilan yung dirty retorts na pwede kong icomment sa sinabi niya pero dahil ako 'to, hindi ko napigilan. XD
"Okay fine, wag na lang yung butsi mo ang iputok mo. Yung windchime mo na lang. Tara na!" Akmang tatanggalin ko yung kumot na nakasaplot sakin ng bigla siyang nagsisisigaw at binato sakin yung unan na hawak niya. Late na bago ako makaboso sakanya kasi tumakbo siya sa kung saan.
*kibit balikat* oh well.
Tumayo na ko para mag-ayos. Kumuha ako ng damit sa closet ni Paul at ang gaga ang daming damit! Pero dahil nga inaakit ko siya, kumuha ako nung long sleeves niya tapos brief niya. Bwahahaha! Kung yung ibang babae, boxer or shorts ang kinukuha, pwes ako iba!! Hahahaha!
Dumiretso ako sa CR ni Paul sa loob ng kwarto niya at naligo na. Dinahan dahan ko ang paliligo at dinama ko ang bawat dikit ng sabon ni Paul sa balat ko. Mukha akong pervert pero wth wala namang nakakakita kaya gora lang! In the name of love, Charm!
Pagtapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ng bebe ko at naabutan ko siyang nakatulala sa sofa niya sa sala. Pinapatuyo ko pa yung buhok ko gamit yung twalya niya nang tumabi ako sakanya.
"What happened?" Oh, you shouldn't ask that babe. You should've ask what DIDN'T happened. ;)
"What do you remember ba, Papa P?" I tried to hide my smile. Nung naalala ko yung labi ng bebe ko ay parang naginginig nanaman ako sa kilig.
"Bar. Kiss. Car." Sunod-sunod na sabi ni Paul sakin. Tumingin siya na parang gulong-gulo at naiinis ako. Bakit ba kasi sobrang attractive netong baklang 'to?!
"Hindi mo naalala yung nangyari nung hinatid kita dito? Ouch ha. First ko pa naman yun..." Kunwari ay nasasaktan ako sa mga sinasabi ko at sinusubukan kong itago mukha ko gamit yung twalya pero mukha pala akong shunga sa ginagawa ko kaya tumigil na lang ako.
"You mean...nag-ano...jukjukan tayo?!" Mukhang emoji si Paul sa pagkagulat niya. Pinipigilan ko yung tawa ko kaya tumango na lang ako sakanya ng dahan dahan.
"Omagad...OHmygahd. OHMY...GAHD!" Madramang pagsasabi ni Paul at dumiretso siya sa kusina. Sinundan ko siya kasi nagtataka ako kung anong gagawin niya. Tumakbo siya papuntang sink tapos ay pinipilit yung sarili na masuka. Mangiyak-ngiyak pa siya nung pinapasok niya daliri niya sa bibig niya para masuka.
Natawa ako ng mahina tapos ay pinalo ko siya ng malakas sa likod. Pinigilan ko nga sarili ko na maghanap ng kahoy dito tapos susulatan ko ng "LABYU" with feelings para dama niya pagmamahal ko pero di ko na ginawa. Baka ipagtulakan ako palabas ng condo niya. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
You'll Fall, Eventually
General FictionI'm Charmaine Concepcion. At meron akong motto sa buhay, "What Charm wants, Charm gets." I want him, so I'll get him. Buong buhay ko, lahat ng gusto ko, binibigay na sakin, siya lang yata yung di ko maabot-abot. Tss. Kaya nga wala akong pake...