Pagudpud - Part 2

329 8 0
                                    

James P.O.V

After ng dinner namin dumeretsyo na kami ni Emille sa tent. Talagang hindi kami naghihiwalay haha. Seatmates eh.

Pagpasok ko ng tent napahiga agad ako sa sobrang pagkakabusog. Ugh! -____- Hinahaplos ko ang Tiyan ko. Mukhang mabubura ang abs ko nito. Tsk. Si Emille kasi pinakain ako ng marami. Tsssss. Ipikit ko nalang to.

Maya maya may pumasok sa tent naramdaman ko eh. Assuming si Emille na yun. At hindi naman ako nagkamali. "Aray!" Sigaw ko. Si Emille nga. Haha 😂 Kinurot ako eh.

"Umayos ka nga! Napakagulo mo humilata!" Sermon niya sa akin. Tsk. Umayos nalang ako at humiga na siya.

"Uh- nabusog ka ba?" Tanong niya .

"Papaano ako hindi mabubusog lagay ka ng lagay ng kanin sa pinggan ko?" Sagot ko sakanya.

"Haha sorry! At least dika na magugutom. Haha peace!"

"Tsk. Peace peace peace? Tch!"

"Sungit naman nito! Haha."

"So uh- ok kana?" Tanong ko.

"Ok saan? About sa break-up?" Sagot niya

"Oo." Tumango naman siya. So ok na siya? Haha pwede ko na ba siyang ligawan?

(Author: teka? Bakit moko tinatanong? Ako ba liligawan mo?)

Tch! You wish! "Uhm- I was just going to ask you if pwede ako manligaw?" Ugh! At last nasabi ko na!

Tumahimik naman si Emille. Nakatingin lang siya sa tuktok ng tent. Huh? May mga anino? "Hoy mga chismoso at chismosa magsi-alis nga kayo!" Sigaw ko tapos umalis na mga tao sa paligid. Kaya naman pala may mga anino mga classmate pala naming mga chismoso at chismosa yun. -_____-

"Uh- Emille? As I was saying--"

"Yes." Bigla niyang sagot. Nagulat naman ako run. Diko Alam kung matutuwa ba ako o magugulat. Tapos bigla ko nalang naramdaman na nakangiti na pala ako.

Humarap si Emille sa akin at inuulit ulit niya ang sagot niya. "Sssssh! Tama na." Pang-asar ko sakanya. Pinigilan ko siya magsalita gamit ng hintuturo ko. Haha.

Ngumiti naman siya nang bigla niyang-- "Aray!" Sigaw ko nang bigla niya akong kinagat. Kinagat niya daliri kong nagpatigil sakanya sa pagsasalita. Tch! Ang sakit!!! >////<

Emille P.O.V

"Aray!" Sigaw ni James. Haha. Buti nga sakanya. Pumayag akong magpaligaw sakanya dahil Alam ko namang mahal ko siya. Don't worry guys panliligaw Palang ito. Diko pa sinasagot.

Haters Go To HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon