Pagudpud - Part 4

315 11 0
                                    

James P.O.V

"Tama na!" Itutuloy pa sana ni Marco magalit pero sumigaw si Emille.

Napatingin naman kaming dalawa sa kanya. Tatayo sana siya kaya tumakbo ako sa tabi niya inalalalayan ko siya.

"Marco. Thank you for saving me. And pls don't fight, I do not blame James for what happened. Bumitaw ako dahil pag-hindi ako bumitaw mapuputol ang kamay ko. Kaya I have decided for myself." Sagot niya na ikinagulat ko. Kaya pala nabitawan ko siya. Dahil lang dun.

"Now will you excuse me? I have to rest." Dagdag ni Emille. At tinulungan ko na siya papunta ng tent.

Naiwan namang nakatayo si Marco sa shore at mukhang talo pero I pity him. Nang makarating kami sa tent inilabas ko na agad ang towel ko at inilagay ko Kay Emille.

"Thanks." Sabay ngiti niya.

Ayoko munang magsalita dahil I blame myself talaga for what happened. Tsk. Kumuha ako ng cup noodles na nasa bag ko at pumunta akong humingi ng mainit na tubig kila Tita.

Pagbalik ko nakapagpalit na si Emille. So binigay ko na ang cup noodles tapos umupo ako sa tabi niya while he is eating. Nakatulala lang ako sa dagat na narerecall ko lahat ng nangyare.

"Hey are you alright?" Tanong ni Emille. Tumigin lang ako sa kanya at ngumiti lang ako.

"Come on James talk to me. Alam ko you blame yourself for what happened. But really ako ang bumitaw." Dagdag niya.

"Kung hindi tayo naligo sa dagat eh di sana walang nangyari." Sagot ko tapos tumingin ako sa view. Nangingilid na mga luha ko at pilit ko lang siyang pinipigilan.

"Kung hindi tayo naligo sa dagat hindi ko sana maoovercome ang fear ko sa malalalim na parte nito. And guess what? May fish sa malalalim and corals." Sabi niya sabay ngiti. Bakit hindi mabura bura ang ngiti niya. Nakakagaan ng loob, nakakabawas ng takot.

Numiti lang ako na hindi nakatingin sa kanya. "You have to rest." Kako naman Para putulin and Convo namin. Tumango naman na siya at inilapag ang noodles na hawak niya sa tabi ko at pumasok na sa tent.

I placed my palms under my face then I started crying. Oo, ayokong umiyak sa harapan ni Emille. Kelangan Kong ipakita na malakas parin ako. No matter what happens. Kasi nga mahal ko siya.

Haters Go To HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon