Chapter 5

6 0 0
                                    

Sa isang paaralan, may makikita kang batang babaeng nag-iisa.

"Ah! Ayan? Pabayaan mo yan. She's a freak, a weirdo." Binulong ng isang babae sa kanyang kaibigang babae. Pero ang bulongan nila parang sadyang pinanapa-rinig nila sa babaeng nag-iisa. Pinabayaan nalang ng nag-iisang babae ang dalawa at nag-patuloy sa pada-drawing.

"Hoy, weirdo! Ano ba yang ginagawa mo? Wag mo nang gawin yan, pangit na man e, parang ikaw!" Sigaw ng isang batang lalaki sa kanya habang hinahablot ang drawing ng batang babae.

"Teka, wag! Drawing ko yan! Ibalik niyo na sa akin!" Nagmakaawa ang batang babae pero parang walang narinig ang tatlong batang lalake. Tinawanan lang nila ang drawing niya at nagsabi ng mga salitang nakakasakit sa batang babae.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman kailangan dito e!" Bulyaw ng isang lalaki.

"Weirdo!"

"Alis na!"

"Narinig niyo ba? Sabi niya sa adviser nila na may nakatayo daw na babae sa harap ng blackboard e wala naman!" Kinwento ng lalaki ang nangyari kanina sa babae sa mga kaibigan niya.

"Sinungaling kasi yan! Last week kaya sabi niya may lalaki daw na nakasabit sa kisame kahit wala!" Kwento pa ng isa pang lalaki.

"Pero nakita ko nga talaga yun!" Sumigaw bigla ang batang babae at napatigil ang tatlong lalaki. Tinignan ng batang babae ang tatlo at may nakakuha ng attention niya. Nakita niya ang isang lalaking umiiyak at mistulang may dugo sa ulo. Parang nagmamaka-awa itong tulungan siya.

"May lalaki sa likod niyo! Umiiyak siya tsaka may dugo sa ulo!" Tinuro ng batang babae ang lalaki at napatingin agad ang tatlong lalaki sa likod nila.

"Wala naman e! Niloloko mo ba kami?" Kumuha ng maliit na bato ang isang lalaki at binato ang batang babae. Gumaya naman ang dalawa niyang kaibigan at binato rin siya ng maliliit na bato.

"Meron talaga! Andiyan siya sa likod niyo! Please, makinig kayo sakin!" Umiyak ang batang babae hanggang sa matamaan siya ng isa pang bato sa ulo at nang kinapa niya ito. "Bakit basa?" tanong ng batang babae sa kanyang sarili. Tinignan niya ang kamay niya at nakita ang pulang, basang kamay. Dumudugo ang ulo niya.

Dahil doon lalong umiyak ang batang babae at nagmakaawang wag na siyang batuhin. Doon niya napansing kaperahas niya na ang batang lalaking siya lang ang nakakakita. May dugo sa ulo, umiiyak at nagmamakaawa. Nagtataka ang batang babae kung bakit niya nararanasan ang ganitong buhay at bakit simula ng mamatay ang tatay niya, nakakakita na siya ng kung ano-anong mga bagay na nakaka-kilabot.

Lalong umiyak at napa-luhod ang batang babae.

"Baliw!" Hindi siya baliw.

"Basura ka sa mundo!" Hindi rin siya basura.

"Dapat mamatay ka na lang!" Ayaw pa niyang mamatay.

"Alis na!" Ayun ang huling narinig ng batang babae bago siya mahimatay.

"Mawala na lang kaya ako sa mundo?" Napa-isip ang batang babae habang ang paningin niya ay naging itim.

~~~~~/0/~~~~~

"Maki? Ayos ka lang?" Tinanong ako ni Anna.

Nasa mall kami ngayon. Niyaya niya ko ngayon para daw magka-reunion ng maayos. Syempre pumayag ako kasi ang tagal ko ng hindi nakikita si Anna bespren.

Nginitian ko si best friend at ininom ang kakabili lang na chocolate shake. Favorite ko talaga lahat ng chocolate, mapa-cake o shake man yan. Napansin kong mag ka-rhyme ang cake at shake at napa-ngiti. Ang galling ko talaga.

The "Me" In Your Eccentric WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon