Chapter 3

9 0 0
                                    

Maki's POV

Na-endure ko ang napaka-boring na subject before lunch at ngayon, papunta na ako sa library dito sa school. Natandaan ko ang sinabi sa akin ni Anna, na nasa 3rd floor at pinaka-dulo ang library. Dapat rin 'wag daw akong mag-taka kung bakit parang puro college student yung nandoon kasi college library yun, hindi pang high school pero ayos lang naman daw kahit pumasok yung mga high school student.

While I marched my way to the library, naalala ko nung nag-tinginan si Anna pati si Sir Nathan. Nagtataka talaga ako kung bakit parang may something sa kanila na parang sila lang dalawa yung nakakaintindi. May past ba silang dapat 'kong malaman? Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa kung anong meron sila pero syempre best friend ko si Anna at si Sir Nathan... ano ba siya para sakin? Ah! Oo nga pala, student teacher sa class naming, siya yung student teacher namin

What I'm trying to say is, I'm curious. There's no point hiding my curiosity and I really want to know what's going on between them.

At siguro, sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nandito nap ala ako sa tapat ng college library. Ang weird ko talaga minsan...

Binuksan ko ang pinto na parang French door ang design at chineck kung tama ba ang napasukan ko. May mga college student sa loob at walang high school student. Malinis yung library, maraming mga shelf na mukhang organized ng maayos. All in all, maganda yung college library.

Pumasok ako at sinara ang pinto kasi baka lumabas ang aircon. Nag-lakad ako sa mga table at may nakita akong redish-brown at dahil doon alam ko nang si Anna yun. Pinuntahan ko siya agad pero hindi naman ako nag-lakad nang napaka-bilis, sakto lang.

"Anna!" Aksidente akong napa-sigaw, nasanay na kasi ako sa mga maiingay na lugar at kailangang sumigaw para lang marinig ng iba. Kaya ngayon, medyo malakas na yung boses ko, medyo lang.

Balik tayo sa reality, sumigaw ako, aksidenteng sumigaw. Dahil sa ginawa ko, automatic na napa-tingin yung mga college student sa akin at nag-simula na 'kong ma-conscious sa sarili. Alam mo yung tingin na parang alam nilang na aksidente kang nadapa at parang may evidence na sila sa'yo para asarin ka? Ganun silang tumingin sa akin

Dumiretso na ako kay Anna at pag-upo ko, naka-tingin siya sakin at tsaka pinipigilan niya yung sarili niyang tumawa. Walang nakakatawa dun! Nakakahiya kaya yun!

"Hindi nakakatawa." Sabi ko. Nakaka-depress talaga ngayon, gusto ko nang umuwi. Napansin 'kong hindi na tumatawa si Anna kaya tumingin na ko sa kanya. Seryoso na si besspren ngayon, bakit niya kaya ako pinapunta dito? Reunion? Relax lang? Ewan ko, basta kasama ko best friend ko ngayon, wala na dapat akong intindihin.

"Ayos ka lang ba, Maki?" Nabigla ako sa tanong ni Anna. Ano bang pumasok sa isip niya para tanungin ako nyan?

"Oo naman! Bakit, may problem aba sa akin?" Tanong ko pabalik.

"Ako dapat nag-tatanong sa'yo niyan. Binu-bully ka ba nang matangkad na lalaki kanina? Yung pinaalis mo? Sabihin mo lang, sasabihin ko kay Sir Mark." Nasa akin lang ang attention ni Anna ngayon at pansin kong nagwo-worry talaga siya sakin. Napangiti naman ako nung tinanong niya kung binu-bully ako ni poste, ako kasi hindi ko rin alam kong binu-bully ako e. Tapos napa-kunat naman noo ko nung sinabi niya yung pangalan ni Sir Mark, bakit niya kilala adviser ko?

"Oo nga pala. English teacher namin si Sir Mark kaya kilala na ng Section Serendipity si Sir Ashford." Ashford... ang sosyal pala ng apelyido ni Sir Nathan, parang pang mayaman. Section Serendipity pala si Anna, section ng mga magaganda at mga gwapo. Kung ang section naming puno ng mga masiyahin, energetic, palaging excited at mababait na tao, ang section naman nila Anna ay may mga pang-model na estudyante, and by model I mean, a fashion model. Maganda yung katawan nila, yung itsura nila at palaging sinuswerte, minsan ng nadi-discover yung iba sa showbiz... pero sabi-sabi lang ng mga estudyante yun.

The "Me" In Your Eccentric WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon