Chapter 2

11 0 0
                                    

"Ahaha! Weirdo ka talaga!" "Baliw!" "Walang may pakialam sa'yo dito! Alis na!"

Nagising na lang akong pinagpapawisan at nanginginig. Napaka-pangit na panaganip naman nun... bangungot yata yun.

Napansin 'kong hindi kamukha ng kuwarto ko ang lugar na tinutulugan ko at napa-tingin ako sa paligid para malaman kung saang lugar ako napadpad pagkatapos akong... Basta pagkatapos nun!

"Gising ka na pala, Ms. Gonzales." May kalmadong boses na nag-salita sa likod ko at almost instantly, napa-tingin ako sa likod. Nang makita ko kung sino yun, nagtaka ako. Bakit siya nandito? Bakit si Sir Mark yung kasama ko dito? Hindi kaya? Iniwan lang ako sa tabi ni Sir Nathan?! Arghh! Napaka-sama talaga nung posteng yun, kala mo kung sinong gwapo!

"Ako gwapo." Biglang nag-salita si Sir Mark at nang tumingin ako sa kaniya, naka-ngiti siya. Yung ngiti ni Sir Mark parang tamad na ngiti pero hindi siya pangit tignan, yung may charisma sa ngiti niya, yung bagay sa personality niya at tsaka nagmumukha pa siyang pogi sa ngiting yon.

"Thank you sa compliment, Ms. Gonzales, ang bait talaga ng mga estudyante ko." Kalmadong nag-thank you si Sir Mark sakin at napangiti nalang ako sa kanya. Ang cool ni Sir Mark kahit minsan parang weird... pero ayos lang yon, cool naman kausap si Sir Mark e.

"Hay naku, Maki-Maki, sobra ka naming mag-compliment sakin. Mas mabait ka pala sakin kaysa kay Nates." Sabi ulit ni Sir Mark. Kung tutuusin, mas mabait ako sa lahat except kay Sir Natha-

ABA! BAKIT ALAM NI SIR MARK YUNG MGA SINASABI KO TUNGKOL SA KANYA?!

"Ang lakas 'mong sumigaw, Maki-Maki. Pipe it down a notch, will ya?" Medyo irritated na complain ni Sir Mark. Ano ba nangyayari? Bakit ganun? Nababasa niya rin isip ko, katulad niya ba si Sir Poste? Ano ba yan! Asan na ba yung normal life ko? Yung peaceful and serene? Yung hindi complicated?

"Pinsan ako ni Nates, obviously, katulad ko siya." In-inform ako ni Sir Mark.

"Edi... bampira ka rin? Asan si Sir Nathan? Wag niyo na po palang sagutin, masaya na 'kong wala si poste." Sir Mark furrowed his eyebrows. Naco-confuse ba siya? Binawi ko lang naman yung tanong ko a? Masama ba yon? May rules ba na bawal bawiin yung question mo sa harap ng vampire? Masama ba yon sa kanila?

"Naguguluhan ako, Maki-Maki. Bakit ayaw mo kay, Nates? Matangkad siya, matalino, gwapo, mabait. Saan ka pa?" Ina-advertise ba ni Sir Mark si poste? Kung oo, hindi ako bibili ng matangkad na gwapo na matalino na lalaki lalo na at dinagdag pa nila yung mabait. False advertising yun! Walang part kay Sir Nathan na mabait! Bulag ba si Sir Mark?

"Hindi lang kasi kayo masyado pang close ni Nates. Pag naging close kayo, mabait talaga yun." Uminom si Sir Mark nang kapeng ginawa niya pagkatapos niyang magsalita.

"Pag hindi? Tsaka, wag niyo na pong basahin yung utak ko, nawawala po privacy ko." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Kahit walang salamin ayos lang, wala naming pagbabago sakin kahit ayusin ko itsura ko, pangit parin si Maki Gonzales. Pero kahit ganun matalino naman ako kaya keri ko pa mabuhay sa mundo.

Pansin ko rin ugali ko ngayon, medyo suplada... yata? Anyway, ganito talaga ako pag bagong gising, suplada. Kaya wag kanang mag-taka pag hinampas kita unan pag ginising mo ko nang alas quatro nang umaga o kaya naman, pag nag-ingay ka. Normal lang yun.

Habang nalulunod ako sa train of thoughts ko, biglang bumukas yung pinto at may pumasok... Hala! Baka akalain ng taong yun na nandito ako sa room ni Sir Mark tapos may ginawa kaming hindi dapat gawin ng estudyante at ang teacher niya!

The "Me" In Your Eccentric WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon