I strolled around, riding my bike. Napag-isipan ko kasing libutin yung buong lugar na nilipatan namin para familiar na ko pag nag-start yung classes next week. Syempre, ayaw kong maligaw tapos ma-late dahil lang sa hindi ko alam kung saan yung school na papasukan ko. May buong week ako before school starts so I decided to get to know every nook and crane of this town.
Habang nagba-bike ako, something caught my attention and instantly, tinignan ko kung ano yun. Hindi naman siya special, grocery store lang naman siya e... grocery store na may guard na mukhang asong uLOL... pero parang iba e. Parang may something.
Dahil hindi ko kinaya yung curiosity ko, lumapit ako dun sa grocery store at pinasok yung store. Wala ring special, normal lahat... parang ako, masyadong ordinary, walang exciting na nangyayari sa buhay.
Suddenly, biglang akong nagutom. "Hindi pala ako kumain kanina." Sinabi ko sa sarili ko at pumunta sa mga section ng pagkain. Bakit may dugo ng baboy dito? Akala ko sa palengke lang meron nun... Di bale na lang, trip ng store manager yun e.
Nung may nakita na akong shelf ng mga chocolate at kung ano anong masasarap na pagkain, I rushed towards it. Tinignan ko yung mga pagkain sa shelf tapos talagang hindi ko na ma-keri yung gutom ko. Kukunin ko sana yung Pocky na chocolate flavor and yes, kukunin ko yun kasi I watch anime and gusto ko malaman kung masarap talaga yun. Anyway, so yun nga, kukunin ko sana yung chocolate-flavored Pocky pero bigla akong napatigil. "Hindi ko abot yung top shelf?! Anong kabalbalan 'to?!"
I glared at the Pocky I've been trying to reach kaso wala parin nangyayari e. Hindi biglang nalaglag yung Pocky nung tinignan ko, hindi rin nag-teleport sa kamay ko na parang magic. Napatunganga lang ako habang nakatingin ng masama sa ere. "Bakit ba akong pinanganak na 4'11 lang ang height?" Tinanong ko sarili ko.
Out of the blue, may kamay na dumukot sa Pocky KO tapos tinignan ko kung sino yun. Inaagaw ang sakin? Walanjo kang tao ka ah!? Ako yung nauna, walang sayo!
"Hoy! Akin ya-" Napatigil ako nung nakitaa ko height nung tao. Ano 'to? Ba't ang tangkad ni kuya? Basketball player ba siya? Kalahati niya lang yata ako e...
Sa sobrang shock ko, tinanong ko si kuya. "Kuya, anong height mo?" Napatingin na lang si kuya sakin tapos... nag-smirk! Aaminin ko, gwapo siya pero naiinis ako sa kanya kahit di ko pa alam kung anong sasabihin niya. Parang ang yabang niya e!
"Bakit may elementary student dito? Naiwan ka ba ng parents mo? Ha! Kawawa ka naman!" Binu-bully yata ako ng pvtang ito ah. Sapakan kuya, gusto mo? Pero dahil mabait ako, hindi ko sinabi yun.
"Hindi po ako elementary, high school student na po ako! Mag-gra-graduate na po ako, this year!" Ininform ko si kuyang mayabang na poste.
"Tinatanong ko ba? Height ko nga pala 6'3." Pilosopo si poste! Kainis! Ano naman pake ko kung 6'3 siya, mas cool ako sa kanya! Bwiset si kuya, naninira ng araw pati narin beauty ko... Joke lang! Hindi naman ako kagandahan.
"Ewan ko sayo, kuya. Kukunin niyo ba yung Pocky? Kung hindi paki bigay na lang sakin." Hinayaan ko nalang si kuya na mag-sabi ng kung ano-ano. Masyado akong mabait para pag-isipan yung sinasabi niyang nakakasakit ng damdamin.
"Luh? Pa'no pag ayaw kong ibigay sa'yo?" Peste ka kuya.
"Please, kuya. Nai-istress ako sa'yo. May gagawin pa ko sa bahay naming. Magli-linis ako ng bahay, aasikasuhin yung mga gamit ko para sa school next week tapos maglu-luto ako para kay Mama." Nag-rant ako sa harap ni kuya. Nakakahiya pero gusto ko na talagang umuwi e.
BINABASA MO ANG
The "Me" In Your Eccentric World
FantasíaIn all the places we could meet, it just had to be the grocery store. In which, Maki Gonzales, a girl who lives a very normal life stumbles upon a guy who could possibly kill her if she isn't aware of his existence. Unfortunately, this all happened...