Chapter 6

4 0 0
                                    

"Gonzales! Where's your science book?" Napatingin ako sa harap nung tinawag ako ni Sir Williams.

Naka-upo ako sa gitnang harapan kaya kitang-kita ako ng teacher namin pag naka-tunganga lang ako o kaya naman naka-tingin sa bintana. Sana talaga nasa tabi ako ng bintana para feeling ko main character sa anime.

"Ms. Gonzales! Are you even listening?" Binulyawan ako ni Sir Williams. Ibang-iba talaga siya pag nasa loob na ng classroom. Mas strict siya tsaka hindi rin siya palabiro.

"Opo! Nakikinig po!" Sinagot ko si Sir Williams baka kasi magalit pa sakin tapos palabasin ako. Syempre ayoko naman siyang galitin, werewolf nga kasi siya di ba?

"Good. Where's your science book?" Tanong niya ulit.

"Naiwanan ko po sa bahay." Nakalimutan hindi naiwanan.

Napa-sigh si Sir Williams at bumalik sa pagtuturo. Napa-sandal ako sa upuan ko at nag-sigh rin. Ngayong school year palagi na lang akong napapa-sigh, ang dami kasing mga kakaibang nangyayari ngayon. Anong susunod? Makakakita ako ng sirena? Alien? Yeti? Kung ano man makita ko, sana hindi sila nakakasama sa buhay ko.

12:30 PM

Recess na! Makakakain na ko!

Tumayo ako tapos lumabas ng classroom namin. Pumunta kaya ako sa rooftop? Doon na lang kaya ako kumain? Wala naman makaka-alam e... Sige! Dun na lang ako pupunta!

Nag-march ako papunta sa rooftop habang naghina-hum yung tono ng "We are young." Ang ganda kasi ng tono eh. Habang papunta ako sa rooftop, may narinig akong babaeng umiiyak. Napatigil ako. Tinignan ko yung paligid ko pero halos lahat ng tao parang wala naman naririnig na umiiyak. Ako lang ba nakakarinig? Nangyayari na naman 'to. Yung katulad ng dati...

Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling yung iyak ng babae at napunta ako sa gymnasium. Tinignan ko yung buong paligid pero wala namang babae. Lalabas na sana ako nung may nakita akong naka-upo sa mga bleachers. I whipped my head and turned at the lady in the bleachers. Umiiyak talaga siya. Lalapit sana ako pero may dalawang taong pumasok sa gym bukod sa akin.

"Asan na ba yung multong yun?" Sabi nung babae... Teka... Si Anna ba yun? Multo? Nakakakita rin ba si Anna? Tinignan ko kung sino yung kasama niya at nakita ko si Andrew. Anong ginagawa nila?

Tinignan ko yung babae sa bleachers... hindi kaya siya yung multo? Ano bang ginawa niya para hanapin siya nung dalawang yun? May sinapian ba siya? May ginawa ba siyang masama?

Nakatago ako sa likod ng malaking bench kaya hindi ako makita nung dalawa. Kahit gusto kong tanungin kung anong nangyayari, feeling ko dapat hindi ako maki-sabat sa ginagawa nila. Tsaka parang may iba sa kanilang dalawa. Lalo na kay Anna.

"Ayun siya!" Tinuro ni Anna yung babaeng umiiyak tapos nagulat na lang ako kasi bigla siyang lumutang. Huh? Bakit lumulutang yung babae? Habang lumulutang yung babae para siyang pumapalag. Ibig sabihin hindi siya mismong lumulutang, may nagpapalutang sa kanya!

"Buti na lang, malakas yung telekinesis ko. Kung hindi, nahirapan na tayo ngayon." Nagsalita si Andrew. Telekinesis. Di ba yun yung kayang mong pagalawin yung isang bagay gamit isip mo? Bakit meron siyang ganun? Si Anna, meron rin ba siya?

"Buti na lang, may clairvoyance ako at kaya kong maka-basa ng isip. Kung hindi, mahihirapan tayong dalawa. Dapat ako pasalamatan mo." Nagsalita rin si Anna. Clairvoyance yung kaya mong malaman yung random infromation pag-gusto mo. Tsaka kaya rin makabasa ng isip si Anna. Ibig sabihin, hindi coincidence pag sinasagot niya yung hindi ko pa natatanong... Bakit meron sila nun? Hindi sila... tao? Pero akala ko normal sila!

The "Me" In Your Eccentric WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon