Panibagong araw nanaman. Miyerkules ngayon at makukrus nanaman ang landas namin ni Kiel. Ang classmate ko since grade 1! Eh fourth year na ako ngayon, it means almost a decade na niya akong pinepeste! Siya ang pinakaiinisan kong kaklase kong lalaki. Lumipat na ako ng school pero kapag minamalas ka nga naman, magkaklase padin kami ng lokong 'yon! Bwisit talaga 'yon sa buhay ko! Para bang munti akong halaman at siya naman ang pesteng insekto! Pero somehow, gusto ko rin naman siyang makita. Nagustohan ko siya dahil lagi niya akong inaasar. Ang weird lang, nakakainlab ba ang taong mapang asar?
"Good morning Kiarra ganda." bati niya at kasunod 'non ang pagbulong niya ng, "Pwee!" at umarteng parang dumura.
"Peste ka! Bwiset." masungit na sabi ko at umupo na sa upuan ko.
"Ang aga aga salubong yang kilay mo. Problema mo?" tanong niya at tumabi sakin.
"Ang aga aga kasi nakita ko yang pagmumukha mo. Dun ka na nga. Shoo, alis." pagtataboy ko sakanya.
"Aray naman. Itinataboy mo na ako? It hurts you know." sabi niya sabay humawak sa dibdib niya. Peste talaga 'to. Ang drama! May pa 'it hurts you know' pa siyang nalalaman. Arte niya!
"Ang arte mo alam mo 'yon?"
"Heto naman, mag bi-vtr kasi ako! You know, kailangan masanay sa pag arte. Tsaka sayang kagwapuhan ko kung hindi makikita ng lahat." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Pampam talaga 'to! Ang hangiiiiin! Spell MAYABANG PLEASE!
K. I. E. L!
"Bumalik ka na nga sa upuan mo."
Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinilot niya ang mga kilay ko hanggang sa hindi na magkasalubong ang mga 'yon sabay sabi ng, "Ayan, nababawasan ang kapangitan mo pag hindi magkasalubong ang mga kilay mo." Kikiligin na sana ako eh. Kaso ng asar pa na panget ako eh. Wala eh, peste talaga 'tong lalaking 'to. Pero keri lang, kinilig na ko 'don. Pwede nang pagtiyagaan! -.-
Walang ibang nangyari sa room kung hindi puro daldalan at kulitan. Madami kasing teacher ang absent. Uso daw kasi sakit ngayon. Ehem, sakit sakitan lang 'yong mga 'yon.
Si Kiel, puro pakikipag usap lang sa mga kaklase naming babae ang inaatupag. Bukod pala sa peste siya sa buhay ko ay malandi din pala siya. Nakailang girlfriend na ba 'to? Hindi ko na mabilang. Halos every week yata ay nababalitaan ng buong school na iba nanaman ang jowa niyan. Sikat kaya yan dito sa school. Kapitin kasi ng chicks eh! Edi siyempre ang prinsipe niyong hilaw tuwang tuwa dahil sa mga babaeng nakapaligid sakanya. Pansin ko lang ha? Lahat ng nabibiktima ng kagwapuhan niyan ay yung mga studyante/babaeng malalaki ang future. Libog kaya niyan to the infinity!
"Oh tahimik mo Kiarra ah!" speaking of the devil.
"Aray! Makakurot ka ng pisngi ah! Close ba tayo?" mataray na sabi ko at hinilot ang magkabilang pisngi ko. Epal neto eh, kurutin daw ba ang makinis na parte ng mukha ko? Hello?! Only Belo touches my skin! Charot.
"Ang cute mo pala 'no?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong na iwas ng tingin. Shet shet shet! Ano nga ulit 'yon? Ang cute ko daw? Alam ko namang cute ako! Pero my gosh, iba yung feeling kapag siya ang nagsabi. Isang linya mula sa bibig niya ang bumasag sa pag iisip isip ko. "Eto naman hindi majoke. Hahahaha! Panget mo kaya."
"PESTE KAAAA!" sigaw ko sakanya. Napatingin naman samin ang mga kaklase namin. Yung mga bookworms at nerds sabay sabay na nag sabing "Sssssshhhh." with matching point finger pa sa labi.
"Ayan, ingay mo kasi. Ahehehe." bulong ni Kiel sakin. Pati pag tawa niya ang landi padin.
Bumalik na ang mga kaklase ko sa mga pinag gagagawa nila.
"Peste ka talaga! Pwede ba, kahit isang araw lang tigilan mo ang pamemeste sakin?! Bwiset." sabi ko sabay batok sa kanya with full force.
"Aaaarraaaayyy!!" sigaw ni Kiel. Asdfghjkl! Taeng 'to, ang galing umarteng nasasaktan siya! Nagsilapitan ang mga babae kong kaklase sakanya at sandali akong tinignan ng masama.
"May masakit ba sayo Kiel?" tanong ni Lia. Dati 'tong mahinhin pero tignan mo naman, nahawahan din ng kalandiang taglay ni Kiel.
"Oo. Eto oh, araaay." sabi niya sabay turo sa bandang likod ng ulo niya. Bravo, bilib na ko. Napakagaling umarte ng pesteng 'to.
"Gusto mo bang i-kiss ko?" malanding tanong ni Janel. Tumango naman si Kiel. Nakitaan ko ng nakakalokong ngiti si Kiel at para bang pinagmamayabang ng mga mata at ngiti niya na madaming babae ang nakapaligid sakanya.
Gahd, I hate this feeling. Gusto kong hilahin ang buhok ng mga babaeng nakapaligid sakaya. Pero sino ba ako para gawin 'yon? Baka pag ginawa ko 'yon, lalo lang akong asarin at pestehin ng pesteng yan. Nakakainis! Pati ba naman sa paglapit palang sakanya ng mga babae, napePESTE agad ako?! Bwiset.
xxxxx
