Peste Ka no. 2

14 0 0
                                    

Sabado ngayon. Walang pasok kaya't naisipan kong mag mall nalang. Lilibangin ko muna ang sarili ko, kailangan kong marelax dahil sa araw araw na pampepeste sakin ni.. kilala niyo na. Tae, iisipin ko palang siya napepeste na ko. Paano niya nagagawa ito? Wala ang presensiya niya dito pero napepeste padin ako. Ang gulo ko din pala. Gusto ko siya pero inis na inis ako sakanya. Hay, peste talaga. -.-

Ayun nga, solo flight ang lola niyo sa mall.

Bumili ako ng ilang damit, libro, at nag Tom's World ako para libangin ang sarili ko. Paborito kong laruin dito ay yung basketball. Wala, gusto ko lang siya. Gusto ko siya kahit walang dahilan. Parang si Kiel lang.

Halos makasampung token ako sa paglalaro ng basketball. Bawat pagshoot ko with full force at with effort! Iniisip ko kasi na bola yung mga babae ni Kiel kaya todo hagis ako! Ayun nga lang, ang sakit sa braso. Okay na 'to, nagkakamuscles ako. Charot.

At kung pinepeste ka nga naman oo. Akalain niyong nandito din pala si Kiel? Ang masaklap pa eh may kasama siyang babae. <///3 Bakit ba ang saklap ng kapalaran ko? Charot.

Nakailang charot na ba ako? Isa pa nga.. Charot! Haha, baliw.

Hindi ko siya binati. Bakit ko siya babatiin? Baka mamaya maistorbo ko pa sila, magalit pa sakin si Kiel. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag hilahin ang babaeng 'yon. Nako, mabuti't pinanganak ako ng mahaba ang pasensiya sa mga aso. Kainis, peste!

Hindi din naman ako napansin ni Kiel. Madami kasing tao dito sa mall, at tsaka nakatuon ang atensyon niya sa boobs nung babaeng 'yon.

Bumili nalang ako ng milk tea. Eto ang pampatanggal init ng ulo ko. Gahd, I hate myself! Oh taray, english yan. De seryoso, naiinis ako. Naiinis akosa sarili ko. Bakit ba kasi yung peste na 'yon pa ang nagustohan ko?! Eh alam ko namang hindi ako mapapansin 'non. -.-

Naglakad lakad nalang ako sa mall. Alangan namang maglampaso ako dito dahil may kadate nanaman si Kiel diba? Edi na-youtube ako 'non! At anong title? Babaeng baliw, naglampaso sa mall, patay! Charot. Patay agad? Last na charot na talaga yan, korni ko na eh.

~~~

Monday nanaman. Pasok nanaman. Nakakatamad nanaman. Mapepeste nanaman. Lahat nalang!

Tinatahak ko ang kahabaan ng NLEX. Charot, ng corridor. Maaga ako ngayon infairness! Maaga din kasi ang first class ko.

"Ang galing mo palang mag magshoot ng bola 'no?"

"Ay bola mo!!" napasigaw ako at napahawak sa dibdib ko. "Tae, who you?" tanong ko sa lalaking bigla biglang kumakausap sakin. Biglang sulpot 'to, kabute ba siya? Pag ako namatay dahil sa pagkagulat, ipapapatay ko ang pinagmulan ng henerasyong kabute! Magkakaheart attack ako dude.

"I'm Jedry Sison. From section 3-A, by the way." sabi niya at nilahad ang kamay niya para makipag shakehands siguro?

Tinanggap ko naman 'yon dahil hindi naman ako snow bear. Alam niyo ba yung snow bear? Yung mga taong hindi namamansin! Oh ayan nag joke ako, tumawa kayo please! Oh well papel, balik sa realidad. "I'm Kiarr--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya ulit. Bastusing bata 'to ah. Dejoke!

"Yeah. I already know your name. Kiarra Ferrer right?"

Tumango naman ako at ngumiti nalang.

"Hatid na kita sa first class mo. Tara, malelate kana oh", sabi niya at hinila ako. Okay, pano niya nalaman na malelate na ako first class ko? Yung totoo, stalker ko ba 'to?

Pagdating namin sa harap ng pintuan ng classroom, napatingin yung mga classmate ko, including him, I mean si peste sakin or samin, I guess?

"Pwede b-bang.. uhmm.. S-sabay tayo mag break time m-mamaya?" nauutal na sabi ni Jedry at nagkamit ng batok.

"Ah, sure." sabi ko. Hindi naman siya mukhang estranghero. Atsaka, magaan ang loob ko sakanya.

"Sige thank you. Pasok ka na. Bye!" sabi niya at nag wave ng kamay at tumakbo na palayo.

"Bye!"

Pumasok na ako sa classroom at umupo. Mabuti nalang at wala pa yung teacher namin. Pagkaupo ko, tinabihan agad ako ni peste.

"Sino 'yon?" tanong niya. "Manliligaw mo? Real talk, ang panget niya." seryosong seryoso pa ang pagkasabi niya.

"Pakialam mo? Hindi naman siya panget. Actually, ang gwapo nga niya. Ang cute kapag ngumingiti, at isa pa mabait si--" hindi ko nanaman naituloy ang pagsasalita ko dahil nag walkout siya. Problema nun? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah? Uso na talaga bastusan ngayon ano? Tss.

Peste Ka! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon