Peste Ka no. 5

4 0 0
                                    

"Kamusta na kayo ni Kiel?" tanong ni Jedry. Siya ang kasabay kong kumain ngayong lunch. May training kasi siya ng basketball ngayon, malapit na kasi ang laban nila sa Miranda University kaya paspasan ang pagtetraining.

"Ayos naman. Kaso iniisip ko kung sino yung kaibigan niya na nakaaway niya dahil parehas silang may gusto sakin." Oo, hanggang ngayon hindi ko pa naitatanong kay Kiel kung sino 'yon. Ilang araw na nga ang nakalipas simula nung scene niya sa gym. Pag itatanong ko na kasi, nakakalimutan ko. He-he.

Napatahimik si Jedry.

"Bakit nanahimik ka?"

"Wala." sabi niya at ngumiti. Ang weird netong lalaking 'to.

~~~

Laban na nila Kiel ngayon. Kanina pa nagsimula ang laro. Feeling ko hindi na ako aabot. Ang traffic kasi tapos nanggaling pa ako sa office ni Papa. Ugh.. wala na bang mas bibilis pa dito sa taxi na 'to?

"Manong dito nalang ako. Eto ho ang bayad." sabi ko kay Manong driver at nag abot ng pera.

Tatakbuhin ko nalang hanggang sa school. Malapit naman na eh.

Anim na kanto ang tinakbo ko, tapos tinakbo ko pa ulit papasok papuntang gym. May ibang estudyante na akong nababangga kaya panay naman ang pagsosorry ko.

Mag a-ala singko na ng hapon.. Malapit nang matapos ang laro.

Konting takbo nalang Kiarra.

Hingal na hingal akong nakarating sa gym. Pagtungtong ko doon ay nagsisigawan na ang mga nanunood at kitang kita ko ang basbetball team ng school namin na nagbubunyi. Alam kong nanalo sila.. Ayun nga lang hindi ko napanood kung paano naglaro si Kiel. Peste kasi, natraffic pa ako. -.-

Tumakbo ako papalapit kay Kiel. Gusto ko siyang i'congratulate pati nadin si Jedry. Diba nga basketball player din 'yon?

"Kiarra/Kiarra." halos magkasabay na tawag sakin ni Kiel at Jedry. Nagsukatan sila ng tingin. Oh-ow.

"Congrats sa inyong dalawa." sabi ko. "Sorry hindi ako nakarating ng mas maaga. Traffic kasi eh."

"Okay lang. Congrats nga pala Kiel." sabi ni Jedry at bumaling kay Kiel. Inabot niya din ang kamay niya para makipag congratulate pero hindi iyon tinanggap ni Kiel. "Pare, matagal na 'yon. Hindi mo padin ba pansin na mas nakakalamang ka na? Nagpapaubaya na ako." seryosong sabi ni Jedry. Anong nagpapaubaya?

"Ge." sabi naman ni Kiel at tinanggap na ang kamay ni Jedry.

"A-anong meron?" sumingit na ako sa usapan. Kung makapag usap sila parang silang dalawa lang ang nandito ah. Haller? Nandito pa kaya ako.

"Ako yung tinutukoy ni Kiel na kaibigan niya na nagkaaway dahil sa paregas kami ng babaeng nagugustohan. At ikaw ang babaeng 'yon Kiarra." seryosong sabi ni Jedry.

And I was like, OMG? Dapat ba akong matuwa dahil pinagaagawan ako ng dalawang lalaki? O magluksa dahil nakasira ako ng pagkakaibigan?

"Sorry." sabi ko at napatungo. Nakasira ako ng friendship. Ajujuju. Me so bad. Charot.

"No need to be sorry. Okay na kami, diba Jed?"

"Oo bro." tapos ay nag manly hug sila. Kung medyo malambot tong dalawang 'to, iisipin kong bakla silang dalawa.

"Wait lang Kiarra. Shower muna kami."

"Eww sabay kayo?" nang aasar na tanong ko.

"Ofcourss not!" sabay nilang sigaw.

"Hahaha! Sige na shoo! Shower na. Baho niyo ng dalawa eh."

"Wait mo ko jan ah? Wag kang makikipag usap kahit kaninong lalaki. Sige ka magseselos ako." sabi ni Kiel at nagpout. Bakit ba hilig niyang kumagat labi? Manliligaw ko palang siya pero parang asawa ko na kung makapag sabi ng ganon. Eh.. kinikilig ako!

"Oo na, oo na. Magshower na! Bagal eh!" tinulak tulak ko pa siya. Hindi naman siya mabaho, actually kahit pawisan na nga siya eh naaamoy ko pa yung pabango niya. Gahd, mas lalong nakakainlove.

~~~

Nandito kami sa isang restaurant. Kaming dalawa lang ni Kiel ang tao. Abnormal talaga 'to, ni-rent niya pa daw 'to para lang makapag solo kami ng dinner. Tsaka gusto niya daw i-celebrate ang pagkapanalo nila sa basketball kanina.

Tahimik na kaming nakain. Ngayong araw, balak ko na din siyang sagutin. Sigurado akong mahal ko si Kiel. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Syempre hindi na.. Nandito na 'to eh.

"Kiel."

"Hmm?"

"Oo."

"Anong oo?" napatigil siya sa pagkain.

"Oo na."

"Anong oo na Kiarra?"

"Sinasagot na kita."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Para bang hindi siya makapaniwala.

"Seryoso?! Tayo na?!" pasigaw na tanong niya. Paulit ulit 'tong lalaking 'to.. Tumango nalang ako habang nakangiti. "Thank you, thank you." sabi niya't hinila ako patayo ay niyakap ako.

"Thank you. This day is the best. Dream come true. I love you." bulong niya.

Natawa ako ng konti. "I-i l-love you t-too." naiilang na sagot ko dahil first time ko lang naman magsasabi ng ganon sa lalaki dahil siya ang first boyfriend ko.

Hinalikan niya ako sa noo at sinabing, "Akin ka lang. Mahal na mahal kita."

Dalawang sentence lang 'yon pero tumulo na agad ang mga luha ko.

"Peste ka! Pinapaiyak mo ko." sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.

"Masarap bang hawakan ang dibdib ko?" mapang asar na tanong niya at tumakbo.

"Peste ka talaga Kiel Candaaaaaaa!"

Paano ko ba masasabing masaya ako? Hindi sapat na sabihin kong masaya lang. Sino bang mag aakalang magiging boyfriend ko ang pesteng mayabang na 'to? Peste talaga. HAHAHAHAHAHA!

Peste Ka! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon