Eto nga, sabay kaming nag break time ni Jedry. Nilibre niya pa ako ng pagkaen. Madami nadin siyang naikwento sakin tungkol sa mga bagay bagay. Tsaka tungkol nadin sa pamilya niya. Only child lang pala siya, kaya siguro sunod ang luho ng lalaking 'to.
Habang kumakain kaming dalawa, nag na-knock knock siya.
"Knock knock!" nakailang knock knock na ba siya? Hindi ko na mabilang. Masaya siyang kasama. Tsaka alam mo yung nakakapag papogi sakanya? Lagi siyang nakangiti.
"Who's there?"
"May tutubi sa batis."
"May tutubi sa batis who?"
"May tutubi sa batis. Tell me how two people fall from each other~" Papikit pikit pa siya habang kinakanta yan. Alam niya pala yung kantang Got To Believe? Natawa naman ako. Nakakatawa kasi yung pagkanta niya, with feelings talaga.
"Patawa ka talaga eh 'no? Papikit pikit effect ka pa jan habang kumakanta. Daming alam." sabi ko naman.
"Madami talaga akong alam. Pati nga ang mahalin ka alam ko eh." seryoso niyang sabi.
"Ha?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko nagets kung anong gusto niyang sabihin.
"Wala. Ubusing mo na yang pagkain mo." sabi niya at kumagat sa burger niya. Ako naman ay kumain nalang. Hindi ko padin magets kung anong ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya.
~~~
Tatlong araw na ang nakalipas. Ganon padin naman, walang pinagbago. Ay meron pala, araw araw kong kasabay kumain si Jedry at araw araw niya ding libre ang pagkain ko. Kahit nahihiya na ako sa panglilibre niya ay kinakain ko padin kasi binibilhan niya ako. Mas nakakahiya naman kung hindi ko kakainin at masasayang lang diba?
Tsaka isang bagay ang inaalala ko. Este, isang tao pala.. Simula kasi nung walkout scene ni Kiel, hindi ko na siya nakita. Hindi na siya pumasok pa at hindi ko siya nakikita sa school na nakikipaglandian. Nakakamiss din pala kapag walang nang aasar sakin.
"Uyy, may chika na ako kung bakit hindi pumapasok si Kiel!" sabi ni Sabrina sa mga close niya dito sa room. Naririnig ko ang usapan nila dahil nasa likod ko lang naman sila.
"Oh ano? Bakit daw?"
"Nagkalagnat daw. Nag paulan yata nung isang araw tapos nakita ng pinsan ko na sinuntok niya ang isang pader at isinigaw ang isang pangalan ng babae."
"Ano yung pangalan na isinigaw niya?" halata ang curiousity sa boses nila. Kahit ako nacucurious eh! Ayoko lang magtanong dahil hindi ko naman close ang mga ito.
"Pangalan daw ng babae. Basta nagsisimula daw sa letter 'K' eh." Pagkasabi 'nun si Sabrina ay biglang kumabog ang dibdib ko. Sinong 'K' ang tinutukoy niya? Posible kayang ako? Ay, nagiging assumera ang lola niyo.
"Eh kanino mo naman nalaman yan?"
"Sa pinsan ko, si Jedry."
"You mean si Jedry Sison ng section 3-A?"
"Oo siya nga." sagot naman ni Sabrina. Pagkatapos 'non ay nag iba na sila ng topic. Hindi ko alam na magpinsan pala sila ni Jedry, hindi niya naikwento sakin 'yon.
Nagkalagnat si Kiel? Ang bobo talaga 'non. Bisitahin ko kaya? Ay wag na. Ehh.. dalawin ko na kaya? Baka naman sabihin niya di kami close para dalawin ko siya. Eh wag nalang kaya? Nakakahiya. Kaso.. atleast dinalaw ko siya diba? Sige na nga dadalawin ko na siya mamayang uwian.. Tsaka kakausapin ko din mamaya si Jedry kung totoong nagkalagnat si Kiel.
~~~
Lunch na ngayon at as usual, si Jedry nanaman ang kasama ko at nilibre nanaman niya ako.
Kaso paano ko ba sisimukan ang pagtatanong tungkol sa pagkakasakit ni Kiel? Hindi ko alam kung papaano