Peste Ka no. 3-B

8 0 0
                                        

After nung pag amin ni Kiel kanina, pinakain ko siya at pinainom ng gamot.

"Sigurado ako, gagaling na ako. Ang galing ng nurse ko eh. Sexy pa." sabi ni Kiel pagkatapos ay sumipol pa.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Manyak ka talaga."

Napatawa siya ng mahina. Niyakap nanaman niya ako. Papachoosy pa ba ako? Syempre hindi na. HAHAHAHA!

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Medyo mainit padin siya pero pogi parin. He-he. Busog na busog ako ngayong araw. Hindi dahil sa mga kinain ko, kung hindi dahil sa libreng tanawin sa mga abs ni Kiel!

"Oh nabusog ka na ba sa abs ko?" mayabang na sabi niya.

"Yabang mo alam mo yun?"

"Oo. Alam ko ding gusto mo ko. Hahaha."

"O-oy ang kapal mo! Purkit gwapo ka g-ganyan ka na kayabang?"

"So gusto mo nga ako? Ayiee kinilig naman ako doon." sabi niya pa. Abnormal talaga 'to!

Hindi na ako nakasagot pa. Tumawa nalang ako. Paano ko ba nagustohan ang lalaking ganito kayabang?

Ilang minuto pa ay nakatulog nadin siya habang yakap yakap ako. Napatingin ako sa wall clock niya dito sa kwarto niya. 5:30 na pala. Mag didilim na. Ngayon ko lang napansin na maayos pala ang kwarto niya. Malaki ito at may malaki ding kama. Magaganda din ang mga kagamitan. Kulay blue ang kwarto niya at napakalamig ng aircon pero etong si Kiel, akala mo init na init dahil nakasando pa!

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko para hindi siya magising. At inayos ko din ang pagkakakumot sakanya. Ayokong istorbohin siya at para makapagpahinga siya ng ayos dahil ako naman ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

Bago ako lumabas ng kwarto niya ay bumulong muna ako sa tainga niya.

"Sorry kasi dahil sakin nagkasakit ka. Mag pahinga ka. Inumin mo yung gamot mo at kumain ka ha? Namimiss na kita. Walang nang aasar sakin sa school. Tsaka gusto mo bang si Jedry ang makasama ko kapag umabsent ka? Hahaha. Sige na, good bye. Sweet dreams." yun lang at lumabas na ako ng kwarto niya. Para akong tangang bumubulong sakanya, eh alam ko naman hindi niya 'yon maririnig dahil tulog na siya!

Nagpaalam na ako sa katulong nila tsaka sa guard at nagpasalamat. Hindi pa nga makapaniwala ang katulong nila na nakapasok at nakatagal ako sa kwarto ni Kiel. Buti daw ay nakalabas pa ako ng buhay. Kapag sila daw kasi ang papasok doon para maglinis ay kulang nalang mapatay sila ni Kiel. Grabe lang. Abnormal talaga yung Kiel na 'yon.

Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa pag uwi. Inaasar pa nga ako ng nakababata kong kapatid na si Kesha na inlove daw ako. Blooming daw! Matagal na akong blooming, ngayon niya lang napansin. Charot!

Napakasaya ko talaga ngayong araw. Paano ko ba ikukwento sa diary ko na umamin na si Kiel sakin?

Dear Diary, alam mo ba na ang saya saya ko ngayon? Umamin na kasi si Kiel sakin na gusto niya ako. Niyakap niya pa ako. Nakakakilig lang! Malaya pa akong nakakasulyap este nakakatitig sa mga nakakatakam niyang abs! Ang manyak ko na dear diary. :( Pero okay lang, masaya padin ako. Isa na 'to sa pinakamasayang araw ko. Masaya pala talaga pag gusto ka ng taong gusto mo. Masarap pala talaga ang lasa ng love!

~~~

Nandito na ako sa classroom, magsisimula na ang klase pero hindi ko padin nakikita miski anino ni Kiel. Sana naman pumasok na siya. Pagkapasok ni Ma'am Portofina ay kasunod 'non ang pagpasok ng taong inaasahan kong makita. Pumasok na si Kiel, napangiti ako.

Kinilig naman ang mga kaklase kong babae. Landi talaga ng mga 'to, nahawahan lang ako. He-he. Nag 'Hi' at 'Good morning' sila kay Kiel pero hindi niya pinansin ang mga 'yon at dire-direchong umupo sa tabi ko. Bakante kasi ang katabing upuan ko, walang umuupo dito dahil nga wala naman akong kaclose. Hindi din kasi ako friendly lalo na sa mga taong alam kong sa una palang ay hindi ko makakasundo.

"Good morning beautiful", simpleng bati niya pero ang lakas ang impact sakin. Kulang nalang tumalsik ako! Charot. Eh.. kinikilig ako.

"Beautiful ka jan. Inaasar mo nanaman ako", sabi ko naman. Syempre pahumble muna! He-he.

"Hindi kita inaasar, hindi kita niloloko. Totoo yon." sabi niya naman sabay kindat. Napangiti nalang din ako. Hindi niya ako niloloko? Edi okay, pabor sakin yon. Eh.. kinikilig nanaman ako!

Nagsimula na ang klase. Nakakasagot naman ako kapag tinatanong ako ng mga teacher. Ganon din si Kiel, todo sagot nga siya kapag nagpapasagot si Ma'am sa board lalo na sa math. Magaling pala siya sa Math, samantalang ako pinag kaintan doon! I hate Math! Kayo din ba? Apir tayo jan, high five!

~~~

"Anong gusto mong kainin? Libre ko." sabi ni Kiel. Lunch ngayon at siya ang kasama ko. Nakita kami kanina ni Jedry at inaya ako na sabay daw kaming kumain kaso biglang sumingit si Kiel at sinabing sakanya daw ako sasabay kumain. Sabi ko kay Jedry next time nalang at naintindihan nmana niya iyon. Ang pinagtataka ko lang, bakit may nakita akong lungkot sa mga mata ni Jedry kanina?

"Chicken at rice nalang. Salamat." sabi ko. Tumango naman siya. Mahilig kasi ako sa chicken, kaya lang chicks ako eh! Hahahahaha. Shemay shopaw, ang hangin ko talaga. Kumapit kayo jan baka matangay kayo!

"Alam mo ba yung dota?" tanong ni Kiel.

"Oo. Online game yon na kinaaadikan ng karamihan."

"Mali ka. Pag dota ba 'yon agad? Yung dota, yun ang tawag ng mga sosyal sa mga babaeng anak nila! Dota!" sabi niya at nilagyan pa ng accent ang pagkasabi ng dota. May alam pala siyang ganon? Kalog talaga 'to.

"Korni mo." sabi ko kahit medyo natawa ako sa joke niya.

"At least mahal kita." sabi niya na dahilan upang mabulunan ako. Inabutan naman niya ako ng tubig at hinimas himas ang likod ko. "Okay na?"

"Oo. Leche, grabe ka naman kasi magjoke. Peste ka." sabi ko at uminom ulit ng tubig. Bakit niya ba kasi bigla biglang sinasabing mahal niya ko?

"Hindi naman ako nagjojoke eh. Totoo naman 'yon. Manhid ka talaga." sabi niya at nagpout. Ang hot niyang tignan! Parang ang sarap kagatin ng mapupula niyang labi. Gahd, ilang beses ko na ba siyang pinagnasaan sa utak ko?

"Di nga?" Hindi ako makapaniwala. Parang hindi totoo. Sa tingin niyo ba ang chickboy ay magseseryoso sa babae? Kung panaginip 'to, ayoko ng gumising.

"Maniwala ka man o sa hindi mahal kita. Tanungin mo pa ang Diyos eh." seryosong sabi niya. Hindi naman siguro siya nagbibiro diba? Hindi niya naman siguro idadamay ang Diyos sa mga biro niya.

Peste Ka! (Short story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon