Peste Ka no. 4

5 0 0
                                        

Ilang araw ang nakalipas. Si Kiel ang lagi kong nakakasama sa school. Pag weekend minsan gumagala kaming dalawa, ayoko namang isiping date naming dalawa yon dahil ayaw kong mag assume. Parang dati lang kung makaassume ako, sobra sobra! He-he.

Hindi ko alam kung anong estado naming dalawa ni Kiel. Hindi ko alam kung nililigawan niya ba ako o ano. Wala naman kasi siyang pasabi. Hmp. Lagi niya akong hatid sundo. Araw araw niya akong nililibre kaya yung baon ko ay hindi ko nagagalaw at iniipon ko nalang. Nakilala na din siya nila Mama at Papa pati ni Kesha. Inaasar asar pa nga ako na bagay daw kami. Tss, alam ko naman 'yon! Hindi na nila ako kailangan iremind tungkol 'don. Yuuuuhbuuung! :D

Hindi ko kasama si Kiel ngayon. Nagpaalam kanina na may training daw sila ng basketball. Pero 3 oras na nakakalipas bakit wala padin siya?

May isang estudyante na nag abot sakin ng papel. Sa tingin ko ay freshmen ang isang 'to. Inabot niya lang sakin ang kapirasong papel at umalis na. Problema 'nun? Binuksan ko ang papel. Nakasulat ang,

"Magpunta ka sa gym. I'll be waiting for you there. -Kiel"

Bakit hindi niya nalang ako tinext? Meron naman na siyang numero ko. Ano bang problema sa mga tao ngayon? Kahit labag sa loob ko na magpunta ng gym dahil pagkalayo layo nito, nagpunta padin ako. Bakit ko ba kailangan pumunta 'don? Kung gagawin niya akong tagacheer niya para ganahan siyang magtraining, wag nalang dahil mapapaos lang ako. Pero kung gagawin niya akong nagapunas ng pawis niya, kering keri dahil mabubusog pa ako sa kakatitig sa katawan niya. He-he.

Pag pasok ko sa gym, nagulat ako sa dami ng estudyante. Lahat sila ay nakatingin sakin. Uhmm.. okay? Anong meron? Kinakabahan tuloy ako. Ayoko pa namang pinagtitinginan ako ng mga tao.Design na designed yung gym. May mga baloons kahit saan ka tumingin. Kulay pula ang mga 'yon. May red carpet din na nakasapin sa gitna. Shet yung gown ko hindi ko nadala. Charot.

May mga nag aabot sakin ng rose. 9 lahat ng rose. Ang pangsampu ay si Kiel ang nagabot sakin. Biglang tumugtog ang kantang Accidentally Inlove. Natawa ako dahil 'yon ang napili niyang kanta. Mas kinabahan ako lalo. Bakit ba ang lakas ng epekto ng lalaking 'to sakin?

"Sampung rosas. Dahil sampung taon na kitang kilala. Nung grade 1 ako, ayokong pumasok sa school dahil tinatamad ako. Well, tamad naman talaga ako." sabi niya at huminto sa pagsasalita. Napatawa naman ang mga estudyanteng nakikinig. May mga teachers din palang nandito.

Nagsalita ulit siya. "Pero may nakita akong isang batang babae. Nakapigtail pa nga siya 'non. Masyado pa akong bata pero alam kong na love at first sight ako sakanya. Sobrang saya ko din nung nalaman kong kaklase ko pala siya kung kaya't ginanahan akong pumasok araw araw. Hindi siya friendly. Hindi ko alam kung paano niya ako papansinin dahil snob siya. Wala akong ibang paraan na nakita para pansinin niya ako kung hindi ang asarin siya. Inaasar ko siya araw araw, ang cute niya kasi kapag naiinis siya. Nung grade 2 naman ako, nalaman kong nasa ibang section pala siya, means hindi kami magkaklase. Kaya ang ginawa ko, nagpumilit ako sa mommy at daddy ko na ipalipat ako ng section dahil tatamarin akong pumasok kapag hindi ko siya kaklase. Kaya ayun, isang taon ko nanaman siyang inasar."

Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa speech niya. Balak niya bang mag SONA? Peste talaga 'to. Maiiyak na ko dito dahil sa speech niya tapos siya ngiting ngiti pa! Pero infairness kinikilig ako.

"Nung grade 3 lumipat siya ng school, pero hinanap ko yung school na lilipatan niya at doon nag enroll. Nung grade 4 ako, alam kong madaming nagkakagusto sakanya kaya't binantaan ko na agad ang mga iyon na wag siyang lalapitan. Kaya walang miski sino ang nakakalapit sakanya kung hindi ako lang at wala ng iba. Ganon ako kaselfish eh. Grade 5, I got circumcised kaya tumangkad ako lalo. Doon ako nagsimulang magpagwapo pa lalo para sakanya pero walang epekto. Snob padin siya. Ewan ko ba kung anong meron sakanya at hindi niya mapansin na gusto ko siya. Ang swerte niya kaya sakin, ang gwapo gwapo ko eh."

Natawa nanaman ang lahat ng tao pati ako siyempre.

"Grade 6, lumipat nanaman siya ng school. Sinundan ko nanaman siya. First year, tuwang tuwa ako dahil lagi kaming magkapartner sa reporting. Tinatanong niya ako ng "Tayo na ba?" na ang tinutukoy ay kung kami na daw ba ang next na magrereport pero iba ang dating sakin 'non. Second year, mas masaya 'tong year na 'to. Dati sa reporting ko lang siya kapartner, ngayon sa sayaw na. Ngiting tagumpay pa nga ako 'non dahil nahahawakan ko ang kamay niya kapag practice. Nung nagsasayaw pa nga kami, tinanong ko siya kung may balak siyang magboyfriend pero hindi niya ako pinansin kaya akala ko bawal pa siya magpaligaw. Doon nagsimula ang pagiging malandi ko sa iba. Akala ko kasi wala na talaga akong pag asa. Tae, napakatorpe ko pala talaga. Nung third year, mas nawalan ako ng pag asa. Nalaman ko kasing isa sa mga malapit kong kaibigan ang may gusto din sakanya. Mas lalo akong pinanghinaan ng loob at nag away kami ng kaibigan kong iyon." huminto siya saglit at nagpahid ng.. what's that? Nagpahid siya ng luha? Umiiyak ba siya?

"Fourth year... This year. Nalaman kong unti-unti silang napapalapit ng kaibigan ko sa isa't isa. Sabi ko sa sarili ko.. "Hahayaan ko lang ba siyang makuha ng iba?" Hindi. Kaya eto.. Ginawa ko 'to kahit hiyang hiya na ako. Ang korni ko pala." Pati ang ibang estudyante ay umiiyak na din. Pucha, hindi pa sabado may MMK na guys!

Naglakad siya sa red carpet patungo sakin. Tinignan niya akong mabuti sa mata. Nacoconsious tuloy ako sa mga titig niya. Baka mamaya may muta pa ako, kahiya hiya 'yon.

"Kiarra Ferrer, you're the only girl who I love this much. Since we're kids, I already love you. I promised to myself that I will make this girl mine, only mine. You're the only girl who makes me smile sa simpleng pagsigaw mo sakin ng "Peste ka!" dahil sa sobrang asar mo sakin. Kiarra, can I court you?" tanong niya.

Naiyak na ako ng tuluyan. Humihingi palang siya ng permisong ligawan ako pero bakit parang nagpopropose na siya sakin? Ang OA ko na tuloy. Ajujuju

Tumango ako bilang sagot. Papachoosy pa ba ang lola niyo? Syempre hindi na.

"Thank you." sabi ni Kiel at ngumiti.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga estudyante at teacher. Pati nga yata yung mga janitor napanood 'tong scene na 'to.

Nililigawan niya palang ako pero feeling ko kami na, charot.

Peste Ka! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon