Peste Ka no. 1

13 0 0
                                    

"Akin 'tong cheese cake na 'to! Akin naaaa!" sabi ko at pilit na inaabot ang cheesecake na nasa kamay niya. Bakit ba ang tangkad ni Kiel? May lahing kapre ba 'to? Pilit ko pading inaagaw sakanya ang cheesecake at talon ako ng talon. Wala akong pakialam kung pag tinginan kami ng mga studyante dito sa canteen! Gahd, nag iisang cheesecake nalang kaya 'yon..

"Bahala ka sa buhay mo. Akin na 'to." sabi niya at naglapag ng pera sa cashier at lumabas ng canteen.

Wala na! Nawalan na ako ng ganang kumain! Kinuha na ng pesteng demonyong 'yon ang cheesecake ko.

Agad akong pumunta sa fourth floor. Walang masyadong estudyante ang tumatambay 'don dahil hindi pa naman ayos na ayos ang facilities. Tamang tama, gusto kong mag emote. Nagdadalamhati ako sa pagkawala ng cheesecake ko! Damayan niyo ko guys. T^T

Umupo ako sa isang sulok doon at umiyak. Naiinis ako kay Kiel. Wala ba talaga siyang ibang gusto kung hindi ang mainis ako? Napakapeste niya talaga.

Wala pa naman akong dalang panyo pampunas ng sipon at luha ko. Alam ko, muka na akong yagit dito. Para akong batang naagawan ng candy!

"Eto panyo oh. Punasan mo yang sipon mo, kadiri." nag angat ako ng tingin sa taong nagsalita.

"Bwisit ka! Ibalik mo yung cheesecake ko!" Oo, si Kiel nga.

Umupo siya sa tabi ko para magkalevel na kaming dalawa.

"Sorry na." Shet, did I just hear that from Kiel Canda?! Ang alam ko, hindi 'to nag sosorry. Napakataas kaya ng pride netong lalaking 'to. "Say aaah.", sabi niya at wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang ibuka ang bibig ko at nguyain ang cheesecake na isinubo niya sakin.

"Gusto ko lang naman asarin ka eh. Hindi ko naman akalaing iiyak ka with matching uhog pa. Pero wag kang mag alala, cute ka padin."

@&£§#*<+=£/. Teng ene! Kenekeleg eke. Geste ke megwele! Kemekebeg nenemen eng debdeb ke! Shet, kamusta dila niyo?

Ewan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Tae, ang chickboy kasi, mahirap paniwalaan. Malay ko bang binobola niya lang ako diba? Baka ako ang sunod niyang gamitan ng charms niya, may pagkamalaki pa naman ang future ko. Shemay syopaw! Ano ba 'tong pinag iiisip ko?!

"Wag mo long bolahin. Hindi naman ako cute." sabi ko. Syempre, pahumble humble din pag may time!

"Edi hindi." sabi niya sabay subo ulit sakin ng cheescake. Ay, hindi effective yung pahumble effect ko. How sad.

Hanggang sa maubos ko yung cheesecake, nakita ko sa peripheral vision ko na tinititigan niya lang ako. Uhh.. spell awkward?

After nung subuan-cheesecake-moment namin ni Kiel, hinatid niya ako sa classroom. Hindi daw muna siya papasok. Maghahanap lang siguro yun ng chicks. -.- Hindi talaga ako magtataka kung pinaglihi sa higad 'tong Kiel na 'to.

Wala din namang teacher na pumasok. Tae, ganyan na ba sila katatamad magturo? Aba syempre, yung iba kong classmates tuwang tuwa kasi nakakapagdalalan sila. Nakikinig nalang ako sakanila para malibang ako.

"Knock knock!" sigaw ni Khrista, kaklase ko.

"Who's there?" si Jennel.

"Pabuksan naman ng aircon!"

"Pabuksan naman ng aircon who?"

"Oh no! Anjan na si crush, pabuksan naman ng aircon!" sabi ni Khrista at hinahaplos haplos pa ang buhok niya na kulay brown. Napailing nalang ako, hindi padin nagbabago si Khrista. Hanggang ngayon, korni padin ang mga joke niya. Charot!

Ilang minuto lang ay pumasok na si Ma'am Marj.

Hindi magkandaugaga ang mga classmate ko sa pagtatago ng mga gadgets nila, bawal kasi 'yon dito sa school.

~~~

Uwian na pero ni anino ni Kiel ay hindi ko na nakita pa simula kanina.

Tinatahak ko ang kahabaan ng edsa. Charot! Kahabaan lang ng corridor. Ang speaking of peste, ayun! Nakita ko siyang nakikipag halikan sa babaeng mukhang bakla sa gilid ng poste. Sana mabagsakan kayong dalawa ng poste! Peste, hello? Nasasaktan kaya ako. Sabagay, hindi niya naman alam na nasasaktan ako. Pero kung alam niya, gagawin niya pa kaya yan?

Nilampasan ko sila na parang wala akong nakita. Nahagip pa ng mata ko na napatigil si Kiel sa ginagawa niya at napatingin sakin sabay balik ulit sa pakikipag halikan. Wala bang epekto yung pagdaan ko? Leche naman oh.

PESTE TALAGA! PESTE PESTE! ARAW ARAW BA AKONG PEPESTEHIN NI KIEL?! KILL ME NOW!

Peste Ka! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon