Twenty-six

5.4K 118 23
                                    

Di pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa maka-uwi ako. Nasiyahan daw si Krystal. Tapos sabi niya next time daw ulit. Ibig sabihin gusto niyang mag-date kami ulit. Hihi. Grabe talaga yung feeling. Para akong idinuduyan sa hangin.

Tahimik lang si mama pagkauwi ko. Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako pumanhik sa kwarto ko. Di ko maiwasan ang mapakandirit. Kasi diba? Unti-unti nang narerealize ni Krystal na destiny kaming dalawa. It would just be a matter of time. EEEK!

Dinamba ko agad si Chu pagkapasok ko ng kwarto. Kinaladkad ko siya papuntang kama bago niyugyog habang yakap-yakap.

"Chu! Nagdate kami ni Destiny," sabi ko dito.

Humilata ako sa kama ngunit di ko padin mapigil ang sariling mangiti. Nagpapa-padyak padyak pa ako habang nakahiga. Maya-maya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na sinundan ng ringtone. Kinuha ko ito sa bulsa ko upang tingnan kung sino ang tumawag bago ko ito sinagot.

"Hello!" bati ko.

"Hello, parang ang saya mo ngayon ah!" sabi niya.

"Hehe, halata ba?"

"Oo kaya. Ang sigla-sigla ng boses mo eh."

"Hehehe. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Ah, ano. M-may… may assignment ka na ba sa English?”

“Assignment?”

“O-oo. Y-yung essay.”

“AAAHHH! Oo. Kagabi ko pa natapos. Bakit?”

“P-pwede bang patulong?”

“Ahmm… ngayon na?”

“Sana…”

“Sige. Maaga pa naman. Paano? Sa drive? Hang-out?”

“Ano… ok lang ba kung… magkita nalang tayo sa 7-Eleven? Dun nalang tayo gumawa.”

“Pwede rin. Sige-sige. Papaalam lang ako. I’ll meet you there nalang in about fifteen minutes?”

“Sige-sige. Bye!”

“Ingat!” sabi ko bago ko ibinaba ang telepono.

Hindi na ako nagbihis. Well, hindi pa rin naman ako nakakapagbihis eh. Naglagay lang ako ng papel at notebook sa bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng bahay, nakita kong nanunuod naman ng sports si papa sa sala.

“Pa, paalam lang po ako. Tumawag po kasi ang classmate ko. Nagpapatulong daw po sa assignment. Diyan lang po ako sa 7-Eleven.”

“Babae ba yan?” baling niya sakin.

“Opo.”

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon