Thirty-four

4.8K 89 16
                                    

Nakakatuwa at nasa last quarter na kami ng School Year. At di maikakaila na ang iba sa amin ay maraming gustong kalimutan during the past year. Hindi maiwasan ang pagkabigo. At ang pagkabigong iyon ang nagtutulak sa isang tao upang magbago. Gaya ng mga bestfriends ko.

Tara at sariwain natin, pagpiyestahan at pagtsismisan natin ang journey nila during the past year.

Unahin natin si Destiny ko. Destiny ko siya kaya legit na ikuwento ko ang nangyari sa kaniya. Well, si Krystal destiny ko pa din. Minsan nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan dahil sa salisaliwa ang sked namin at magkaiba kami ng school. Pero nareresolve naman namin. At saka, exclusively dating padin ang status namin. Though limang beses lang kami nakapagdate during the second half ng nagdaang taon. Medyo loosing hope na ako. Ang pinanghahawakan ko nalang, baka destiny parin kami.

Next ay si Diana. Oo, hindi ko siya bestfriend alam ko. Pero kaibigan ko pa din siya. At dahil kaibigan ko siya, pagusapan natin ang buhay niya. During the past months, nagiging close kami. Parehas kasi kaming nasa council at lagi kaming magkateam sa mga projects. Kaya sa school, kung hindi sina Charlie at Louie ang kasama ko, si Diana. Malaking tulong si Diana sa akin actually. Para siyang instant secretary. Ang galing niya mag-organize. Si kuya Mason kasi may sariling secretary.

And speaking of kuya Mason, siya ang isunod natin. Isang magaling na student leader si kuya Mase. He trusts every member of his council. Magaling siya humawak ng tao. Kabisado niya ang strengths ng mga members niya kaya excellent lagi ang results ng mga projects ng council. Pagdating sa lovelife, hindi ko masabi. Nung na-heart broken nga si Louie akala ko magiging sila na eh. Pero hindi pala. Sayang.

Dahil napag-usapan natin si Louie, sa mga bestfriends ko na tayo dumapo. Gaya ng nabanggit ko, nabasted si Louie ng gurang niyang crush. Hindi naman actually basted pero parang ganun na din. Nalaman kasi niya na may iba na si gurang at ni-lead on lang siya. Ang kapal talaga ng mukha ng gurang na yun. Nakakakulot ng bangs.

Kami ni Charlie ay hirap din sa sitwasyon niya. Siyempre pag malungkot siya, malungkot din kami. Isa pa, hindi lang lovelife ang problema niya. Pati pamilya. Kaya lagi kong dinadasal na sana magkaroon siya ng sapat na lakas upang malampasan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya.

Nagbago din si Louie buhat ng mabasted siya. She started acting like a girl. Nagdadamit na din siya ng pambabae. Kung distant at cold si Louie dati, mas lumala. Madalas niya ding sarilinin ang mga problema niya. Though nagagawa niya parin namang mag-vent out sa aming dalawa ni Charlie.

Balik tayo sa lovelife niya. Akala ko dati, si kuya Mason ang sasalo sa kaniya. Hindi pala. Lalo pa akong nagulat nang maging boyfriend niya si kuya Ray - isa sa mga kaibigan ni kuya Mason. Medyo nainis nga ako dun kasi diba? Gusto ng kaibigan mo tapos tataluhin mo? It's not cool! Eventually naghiwalay din sila. Buti nga.

Punta naman tayo sa isa ko pang bestfriend - si Charlie. Anong bago sa kaniya? Wala. Ganun pa din. Pero sa aming dalawa, mas maraming nasasabi sa kaniya si Louie. Siyempre lagi silang may girl talk. Tsaka, ano pa ba? Hindi ko alam kung may pumoporma sa kaniya o wala. Kasi… kahit na siya ay… isip-bata, masiba, balahura, magaslaw, at lalaki umayos, eh meron siyang charms. Siguro nay nacha-charm din naman siya. Ay. Minsan din pala. Umiwas yun samin ng ilang araw. Sa Prom namin nalaman kung bakit. At hindi pala ako ang iniiwasan niya.

Pansin niyo ba kung bakit ang dami mong kwento kay Louie? Kasi kumpara samin ni Charlie, siya lang naman ang may kumplikadong buhay. Yung mala MMK. Minsan naisip ko din, pwede siyang gawan ng movie. Yung mala-‘Pasan Ko ang Daigdig’ na theme. Antaray kaya nun. AHAHAHA.

Mabalik tayo sa kasalukuyan. Kung inakala niyo na hayahay ang buhay dahil last quarter na ng School Year, hindi kaya! Lalo pa't nalalapit na ang prom. Sa sobrang busy namin halos makalimutan ko na nga na magbibirthday din ako ng February.

Dahil ang prom ay isa sa major event na i-oorganize ng student council para sa mga students, kailangang maayos at maganda yung event. Isa itong malaking challenge para sa aming members ng council. Dahil ang prom ang isa sa tumatatak sa mga utak ng mga students during high school life, pursigido si kuya Mason.

Nagkaroon pa nga kami ng mis-understanding ni Charlie eh. Yung pesteng Nile talaga may kasalanan nun eh. Kwento ko ba? Wag na. Nakakabadtrip lang. Biro lang po. Nagsimula yun ng mapili si Nile bilang representative ng fourth year na magperform sa Prom, at si Charlie naman ang sa third year.

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon